16

2705 Words
SIXTEEN... ILANG MINUTO nalang at magsisimula na ang paligsahan. Lahat ay nakahanda na at ready ng sumabak sa laban. Kung sino man ang taong makakatayo sa huling labanan ay siyang makakapasok sa level 3 o upper class. Sa middle class naman o level 2 ay lima lang ang mapipili. Samanatala kung ikaw ay matatalo ay bababa ka ng one level, may iba naman na nananatili lang dahil depende iyon sa makukuha nilang puntos mula sa mga judge. Kapag ang level 1 o lower class naman ang matatalo ay mananatili lang sila sa level 1. In Prestigious Class naman ay hindi kasali sa mapapasukan 'cause it takes more training para mapabilang sa Prestihiyosong klasrom na iyon. In fact, all member in that field is like an expert. Which is limited to all the students in their academy. But all the students who belong to the prestigious class are oblige to participate in the tournament because they are one of the reason why students are so hype to attend the said tournament. Sa paligsahan na ito ay may patakarang sinusunod. Pinaliwanag na ito kanina ng MC para malinawan ang lahat ng manlalaro at tagapanood. Ang sabi by partner daw kapag papasok sa arena. Lahat ng pares ay dapat magkapareho ang level na nabibilang hindi pwedeng magkaiba ang level. Nakaupo na sa kani-kanilang upuan ang mga manlalaro kasama ang kanilang mga napiling kapares sa paligsahan. May magkakaibang kulay sa bawat level. Sa level one ay maroon, sa level two naman ay black with a mix of white at sa final level ay golden brown. Iniba nila ang kulay ng kada level para hindi malito ang mga judge. Syempre sa laro nila ay may mag ja-judge. Sila yung mga taong matataas ang rango sa paaralan at mga pinagkakatiwalaan ng lahat. Sila yung nag su-sum up ng mga nakuhang points ng mga manlalaro kapag nagsimula na ang labanan. Samantala, aligaga naman si Julia kakahintay kay Sam. "Nasaan na ba ang babaeng ito. Ilang minuto nalang mag sisimula na ang labanan. Jusko Samantha!" Wika niya habang nagpabalik-balik ng lakad. Sinita naman siya ng kaniyang kaklase dahil nalikutan ito sa kaniya. "Hoi! Kanina ka pa lakad ng lakad diyan huh! Eh kung umupo ka kaya no! Nahihilo ako sa'yo girl! " Irita nitong wika. Huminto naman si Julia ng dahil doon. Nilingon niya si Fey na naka-upo katabi ang partner niya na si Josh. "Sorry naman! May hinahanap lang naman eh!" Wika niya na may pagka sarkastiko. Inirapan lang siya ni Fey kasunod non ay naisipan nalang niyang umupo dahil baka makaabala pa siya ng ibang manlalaro. Naisip niya na baka pag initan siya nito kapag nagsimula na ang laro. Malay ba niya, ang malaking screen lang naman sa itaas ang nakaka-alam kung sino yung magtutunggali sa labanan no! "Hello! Mic test! Mic test!" Salita ng MC Lahat ng tao sa field ay napalingon sa gawi nito. "All players please proceed to your respective area right now! Any minute the game will start. Thank you!" Samantala, nasa kwarto pa si Samantha habang sinasanay ang kaniyang kapangyarihan. Kahit na malapit nang magsimula ay naisipan pa din niyang mag ensayo dahil hindi siya mapakali sa maaaring mangyari sa kaniya. Ayaw niya na matalo sa laban na ito. Ito ang dahilan kung bakit nanatili siya sa paaralan at ito din ang dahilan na magpapabago sa takbo ng buhay niya. Nakahawak si Sam ngayon ng isang maliit na kutsilyo. Dahan-dahan niya itong inilapit sa kaniyang palad. Balak niyang kompirmahin ang biglaang paghilom ng kaniyang sugat sa kamay. Nang malapit na ito sa kaniyang palad ay nabigla naman siya sa pag announce ng MC sa field na rinig na rinig sa buong academia. Dahil doon ay pabigla niyang nasugatan ang kaniyang kamay which is masakit naman talaga. "Ouch!" Nang makabawi ay kaagad niyang tiningnan ang kaniyang sugat sa palad kung maghihilom lang ba talaga ito ng hindi niya kino-kontrol. At nag hilom nga ito na siyang ikinagulat niya uli sa pangalawang pagkakataon. Hindi niya alam na may kakayahan pala siya na magugustuhan niya. Sa lahat-lahat ng kakayahan niya ay masasabi niya na ito lang ang nagustuhan niya. Bigla namang bumukas ang pintuan ng kanilang dorm at mabilis niyang itinago ang kamay niya, kasunod don ay humarap siya sa pumasok ng kanilang kwarto. It was Yumi na may malaking ngiti sa labi. "Hindi ko alam na may pagka-pasaway ka pala Samantha." "Yumi! Ahmm nagpa-practice lang naman ako sa huling pagkakataon." Nakangiti na sagot ni Sam. "Haha! Tatawanan talaga kita kapag hindi ikaw ang nakapasok sa top level. " "Ba't ka naman tatawa kung matatalo ako?" Takang tanong ni Sam. "'Di mo alam? O malilimutin ka lang talaga? My goodness Sammy! Malalate ka na niyan. Late comers are automatically out! No excuses!" "Wait! What? Tinawag mo ba akong Sammy?" Nagtatakang tanong ni Sam habang nag stop sign pa talaga. "Y-yes I called you Sammy! But, mahalaga pa ba yun kaysa sa paligsahan na pagsasalihan mo?" Kunot-noong tanong ni Yumi. Narealize naman ni Sam ang sinabi sa kaniya ni Yumi. She missed out the point because of that Sammy thingy na big deal sa pagkatao niya. "Okay! We gotta go right?" Wika niya na nagmamadali "Uyy! Hintayin mo ako!" Reklamo ni Yumi na humabol kay Sam na ngayon ay tumatakbo na papuntang elevator. Nakarating sina Sam sa field na nagbibigay pugay na sa mga matataas na rango o mga karespe -respetong tao sa kanilang mundo. Hinihingal man ay hinanap na ni Sam si Julia habang si Yumi naman ay nakasunod lang kay Sam na tila hindi din alam kung nasaan ang kaniyang kasama. Sa di kalayuan ay kumaway kay Sam si Julia and talk to her in telepathy. 'Bwisit ka Sam! Hindi pa nga nagsisimula ang laro talo na tayo!' 'Sorry naman! Ikaw kaya makaranas ng first time magpakita ng kapangyarihan sa libo-libong katao dito. Nakakakaba kaya no!' Sagot naman niya. Nagmadali si Sam papunta kay Julia. Lumingon siya sa likod niya, nagbabakasakaling nakasunod pa sakaniya si Yumi pero wala na ito nang makalingon siya. Hindi nalang niya ito inabala pa. Maya maya pa ay nagsimula na ang paligsahan. Kabado ang lahat ng manlalaro ng pumili na ang malaking screen kung sino ang magtutunggali. Pigil hininga naman ang ginagawa nila Sam at Julia sa tuwing pumipili nang susunod na sasabak. Malalakas at kamangha-mangha ang pinapakita ng mga manlalaro. Mababatid mo sa galaw nila na pinaghandaan talaga nila ang pagkakataong ito. Dahil doon ay mas lalong na pressure si Sam pati na din si Julia na walang pigil sa pag inom ng tubig. Tinampal naman ni Sam ang paa ni Julia na kanina pa galaw ng galaw dahil na nerbiyos. "Julia tigilan mo nga yang kaka-inom mo ng tubig. Metal yung kakayahan mo hindi tubig. Pag ikaw na ihi sa laban natin patatalsikin kita sa labas." Sita niya kay Julia. Sinamaan naman siya ng tingin ni Julia. "Di mo ako matatapon sa labas. Naka Barricade kaya yung arena no!" Singhal naman ni Julia. Sasagot pa sana si Sam ng biglang lumabas ang pangalan nila sa malaking screen at buong lakas na tinawag ang mga pangalan nila sa MC. "s**t!" Pareho nilang sagot sabay tayo. "Sam! Galingan natin ahh! Pangarap ko talagang makalaban ang isa man lang sa mga royals. Kahit di na ako makapasok sa upper class." Naglakad naman sila sa papuntang arena habang nagsisigawan ang mga nanood sa kanila. "Manahimik ka nga diyan! Just walk!" Sagot ni Sam. Doon naman nahagip ng mata niya si Grey. Walang emosyon itong nakatingin sa kaniya. As usual. Sabi niya sa kaniyang isipan. "And the opponents are, Fey and Josh!" Masiglang wika ng MC." "Bwisit! Yan na nga ba sinasabi ko eh!" Reklamo ni Julia. Nasa gitna na sila ng arena. Nagtaka naman si Sam sa sinabi ni Julia. "Anong pinagsasabi mo diyan?" Di na sumagot si Julia dahil naka focus ang mata niya kay Fey na nakangiti sa kaniya ng nakakaloko. Habang si Sam naman ay napansin niya na iba ang mga tinginan ni Fey kay Julia. 'An old opponents?' tanong ni Sam kay Julia through telepathy. 'kindda.' maikling sagot nito. "A middle class Vs. A middle class with a partner of newbie! Looks interesting isn't it? Well no more chit- chats let the fight begin!" Said the MC. Matapos sabihin iyon ng MC ay umingay ang paligid. Mabilis na umatake sa kanila si Fey. Combat ang una niyang inatake kay Julia. So si Sam ay napunta kay Josh na bumubuo ng sandata gamit ang kaniyang kapangyarihan na pang kalikasan. Kaagad itong iwinasiwas ni Josh kay Sam na mabilis naman sinangga ni Sam ng kaniyang sandata na gawa sa bato. Naglaban sila na para bang wala ng kinabukasan na naghihintay sa kanila. No'ng una pantay pa sila dahil nakakaya din ni Julia ang mga atake ni Fey. Ngunit nabigla si Sam ng tumilapon si Julia. Na distract siya ng kaunti kaya natamaan siya sa balikat na siyang ikina-atras niya sa nakangiting si Josh. "Yan kasi. Tingin ng tingin sa kasama. Walang by partner dito uyy. In the end kayo din ang magtutuos ng kasamahan mo!" Wika ni Josh sa naghihingalong Sam. Ngumiti naman si Sam ng bahagya sa kaniya at pasimpleng kinuha ang tali niya sa buhok para itali niya sa balikat niya na nagdurugo. Kahit na alam niya naman na nag he-heal ito ay nagpanggap pa din siya. Kasi kapag nalaman na ng iba na may ganon siyang kakayahan ay baka hindi niya ma basa ang galaw ng makakalaban niya sa susunod na round. Bumagsak sa sahig ang sandata ni Sam na kaagad naman na naglaho. "Poor Fey. Did you hear what he said?" Panunuya ni Sama through telepathy kay Fey na kaagad naman na napalingon sa direksyon niya. Nanlaki naman ang mata ni Josh sa sinabi niya. Mabilis na tumakbo si Sam sa direksyon ni Julia para sanaa tulungan si Julia na sinasakal na ngayon ni Fey ng kaniyang kapangyarihan na hangin. Teamwork is the best weapon to win a battle. Nakita naman ni Sam na sinuntok ni Josh ang lupa at papunta sa kaniya ang biak ng lupa na may lumalabas na mga ugat. Kaya tumalon siya at tinira si Fey ng bato na binuo niya na parang maliit na kutsilyo. Dahil doon nawala ang focus ni Fey sa kaniyang kapangyarihan. Nagtama ang paningin nila Sam at Julia. Tumango sila sa isa't isa na animo'y nagkakaintindihan ng hindi nagsasalita. Mabilis na nakabawi si Julia ng hangin kaya napanatag si Samantha. Maraming mga sandata ang nakapalibot sa buong arena kaya naman naisipan ni Sam na kumuha ng katana ng sa gayon ay magamit niya ang itinuro sa kaniya ni Marco na kaniya naman talagang pinaghirapan. Ngunit, hindi pa nga niya naangat mula sa kinalalagyan ng sandata ang katana ay natumba na siya at hinila siya ng isang ugat na galing kay Josh. Nakita din niya na naging metal lahat ng katawan ni Julia na nakipag combat kay Fey. Napasinghap naman ang mga manonood ng biglang humampas si Sam sa invisible barricade. Hindi kaagad siya naka defense dahil sa sakit na dulot nito na naramdaman niya. "S-Sam!" Bigla naman na napalingon si Sam kay Julia habang hila-hila siya ni Josh gamit ang mga ugat nito na nakapulupot sa paanan niya. Nanlaki ang mata ni Sam ng makita niya si Julia na nasa loob ng isang bubble na gawa sa tubig. Nakangiti pa si Fey ng mahagip niya ito sa mata. Dahil doon nagalit si Sam. Ginamit niya ang kakayahan magpagalaw ng gamit at kinuha niya ang pagkakataon na iyon para makuha ang katana at nagawa naman niya. Galit niyang pinutol ang nakapulupot na ugat sa kaniyang paa at gumulong sa lupa sabay tayo. Ginamit niya ang enerhiya niya para patalsikin si Josh malayo sa kaniya. Kasunod non ay mabilis siyang tumakbo kay Fey na pinahihirapan pa din si Julia. Hindi pa nga nakalapit si Sam kay Fey ay biglang nakawala si Julia sa bubbles na gawa sa tubig. Instead yung bubble na gawa sa tubig ay naging metal at dahil sa inis ni Julia ay kaagad niya itong itinapon kay Fey na ang atensyon naman ay nasa papalapit na si Sam. Hindi nakaligtas si Fey sa atake ni Julia. Tumilapon siya nito at nagpagulong gulong sa lupa. Lahat sila ay madaming pasa ang natamo. Ngunit ni isa sa kanila ay walang balak na sumuko. Hinihingal na napabagsak sa sahig si Julia habang ang isang tuhod niya ay sumusuporta sa kaniya para hindi siya tuluyang matumba. Bumabawi siya sa hangin dahil feeling niya naubusan siya ng hangin sa ginawa niyang malaking metal ball. Basang basa din siya dahil sa pagkakakulong niya kanina. "Are you okay?" Tanong kaagad ni Sam ng makalapit kay Julia. Tanging tango lang ang naging sagot ni Julia habang paunti-unting nawawala ang metal sa katawan niya. Nakita naman ni Sam na nakatayo na si Fey na paika-ika kung maglakad papalapit sa kanila. Aatake pa sana ito sa kanila ng biglang tumunog ang bell ng isang beses. Hudyat na tapos na oras ng kanilang labanan. "Woahh! That was an intense game. Makapigil hininga!" Wika ng MC. Tinulungan naman ni Sam si Julia na makatayo. Matapos makatayo ni Julia ay biglang naghiyawan ang lahat ng mga nanonood sa kanilang labanan kanina. Napangiti sila sa ginawa ng mga ito. May iba na nag che-cheer sa kani-kanilang pangalan ngunit may iba naman na nagsasabi ng boo na hindi nila matukoy kung para kanino. Inalalayan ni Sam si Julia dahil pa ika - ika din itong naglakad. Nakita naman ni Sam na masamang nakatingin sa kaniya si Fey na ngayon ay inalalayan din ni Josh. Nahagip na naman ng mga mata niya sina Sophia na nakiki cheer sa kanila. Pati na din si Lucas na naka thumbs up kay Julia. Yes kay Julia lang yung paningin niya at hindi man lang tinapunan ng kahit kaunting tingin si Sam. Nakita din ni Sam si Marco na nakangiti sa kaniya ng malapad na sinuklian din naman niya ng ngiti. Hindi pa nga tapos ang labanan pero feeling nila ay nanalo na sila dahil sa mga hiyawan ng tagapanuod sa kanila. Mabilis naman silang sinalubong ni Lucas. Nasa patakaran kasi sa laro nila na gamutin kaagad ang mga sugatan at swerteng napunta sa kanila si Lucas na gusto naman ni Lucas dahil kay Julia. "Are you okay?" Salubong ni Lucas kay Julia. Bitbit naman ni Samantha ang eye glasses ni Julia na nahulog kanina dahil sa labanan nila. It's not like an ordinary eye glasses na mabibiak lang kapag naglalaban. It's an enchanted one na gawa sa sinaunang panahon. Inabot niya iyon kay Lucas na hindi na naman siya pinansin for the second time kaya nainis siya nito. "Tang*na maiwan ko na nga kayo diyan! Di naman kayo nakikinig sa'kin e!" Reklamo niya sabay alis habang bitbit pa din ang eye glasses ni Julia. Dahil sa inis niya ay sinuot nalang niya ang glasses na nakasimangot. Umupo siya sa kanilang pwesto at hinablot ang tubig ni Julia na nasa upuan nito. Mabilis niya itong ininom at ng maubos ay inihagis niya sa direksyon nila Julia. "Manigas sana kayo! Tsk! Edi ikaw na may love life!" Bulong niya sa sarili. Nakita naman niya si Marco na papalapit sa kaniya na nakangiti ngunit lumiko ito papunta kina Lucas at piningot si Lucas sa tenga tsaka dinala niya si Lucas sa harapan ni Sam. "Do your job man! Mamaya na ang personalan." Wika ni Marco kay Lucas. "I was doing my Job!" Inis na wika ni Lucas na nagtatangka pang bumalik kay Julia na papunta na din sa direksyon nila na naka ngiti pero medyo nag ika-ika pa din ng lakad. "Tch! Dalawa yung pagagalingin mo hindi lang isa. Pektusan kita diyan eh!" Sabi pa ni Marco. Sumimangot naman si Lucas bago tumingin kay Sam. He looks cute at bagay sa kaniya ang ganon. Bibihira lang talaga nila makita na nakasimangot si Lucas dahil minsan kung magsalita ito ay monotone lang until nakilala niya si Julia. Sinimulan ng gamutin ni Lucas si Sam na nanonood na lang sa mga naglalaban habang si Marco naman ay bumalik na sa pwesto niya pagkatapos niyang hilain si Lucas. Si Julia naman ay naka upo na sa tabi ni Sam. Hinanap niya ang tubig niya ngunit hindi na niya ito nakita pa. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD