SEVENTEEN...
KAKA-UPO lang ni Sam at Julia sa upuan matapos manalo sa isang labanan nila. Marami na ang nabawasan sa mga manlalaro at mabibilang na lang sa kamay ang mga natitira pang pares.
Lima sila kanina at ngayon ay nabawasan na ng isang pares. Sam is worried because this time the fight will be one on one and she's afraid dahil baka magkaharap sila ni Julia sa arena.
Kabado siyang napatingin kay Julia na umiinom ng bottled water.
"Di ka man lang magbibigay?" Sarkastiko niyang tanong dito.
Lumingon naman si Julia sa kaniya na paubos na ang tubig.
"Kung hindi lang ako nauuhaw malamang binigyan na kita." Hinihingal niyang sagot.
"Tsk! Sama mo namang kaibigan!" Maktol naman niya.
Sasagot na sana si Julia ng biglang tinawag ang pangalan niya na ikinabigla nilang dalawa ni Sam. Para namang nabunutan ng tinik si Sam dahil nakahinga na siya ng maluwag.
Tiningnan niya si Julia na muntik ng maibuga ang natirang tubig na nasa bibig nito. Tinapik niya ito sa likod and gave her a thumbs up. Nakita naman niya na tumingin si Julia sa direksyon ni Lucas na nakatingin na pala sa kanila.
"You can do it! Just trust yourself okay?" Pahabol na sabi ni Sam nang maglakad na si Julia papunta sa arena.
Tanging ngiti lang ang naiganti nito sa kaniya.
Seryosong tiningnan ni Sam ang pagpasok ni Julia. Hindi pa nga ito nakakapagpahinga sa laban nila kanina ay tinawag na naman siya ng letseng malaking screen na yan.
It was just a normal atmosphere in the whole field. Not until tinawag ng MC ang makakalaban ni Julia.
"And here's the match. A fallen talented being, Yasmen Pris!"
Nagtaka si Sam sapagkat wala naman ito kanina noong nanonood sila ng laban ng iba. All the crowds gasp in disbelief and in horror. Lahat sila gulat maski na din si Lucas na napatayo bigla sa kinauupuan nito.
At hindi nakaligtas kay Sam ang mga bulungan sa paligid.
"Man! That Julia girl is in doom."
"Yeah I bet too!"
"A dangerous opponent. I'm thankful talaga na hindi ako ang nandiyan."
"Wala siyang partner kaya sa one on one lang siya sumali."
Ilan lang yan sa mga narinig niya.
She then observe the move of the girl. Yasmen is like a girl version of Grey. Nakakatakot ang awra nito na parang may bumabalot na kung anong mahika sa paligid nito. Malumanay din ang mga tinginan nito na animo'y isinasaulo lahat ng parte at kurba ng katawan mo. Pati kaluluwa mo ata ay para din niyang sinusuri dahil sa mga tinginan nitong kakaiba talaga.
Maliit ang buhok nito. May hikaw sa kaliwang tenga sa itaas at pormahan pa lang nito ay tila astig sa paningin ng karamihan sa kanilang paaralan dahil sa angkin din nitong kagandahan.
Nakapasok lang ang kamay nito sa bulsa nito habang nakatingin kay Julia na mapapansin mong nate-tense na kahit sa titig pa lamang nito.
Tumunog na ang bell hudyat na nagsisimula na ang kanilang labanan.
Kung kanina ay parang nabunutan ng tinik si Sam. Ngayon naman ay parang may bumara sa lalamunan niya at tila nagpipigil siya ng hininga dahil sa mga nalaman niya patungkol sa Yasmen na kalaban ngayon ng kaibigan niyang si Julia.
Nagsimula na ang kanilang labanan. Unang sumugod si Julia ngunit pa simple lamang itong naiilagan ni Yasmen na para bang wala lang sa kaniya.
Nakita ni Sam na naghahanda si Yasmen na sipain si Julia.
She shouted at Julia to warn her about the attack of Yasmen which is not a good move for her. 'Cause there's possibilities na matatanggal siya sa laro, but what she can do? She can't help it but to feel anxious of Julia's opponent.
But sadly Julia didn't hear it kaya naman ay tumilapon ito ng sinipa ni Yasmen sa sikmura habang nakapamulsa pa din ito.
All the audience gasp in disbelief. May iba na nag aalala sa lagay ni Julia at may iba naman na excited sa susunod na mangyayari. It is a match na ma te-thrill ka talaga kapag manonood ka.
Nakita naman ni Sam na tumayo si Julia na parang hindi sinikmurahan. Julia's weak spot are her stomach. Dahil minsan na itong nagka piraso-piraso ng matamaan siya ng black magic.
Masakit man para sa kaniya na masipa sa tiyan ay ininda niya ito. There is no weak when it comes to their family. So she must prove to her father na karapatdapat siya sa pamilya nila. Ironic isn't it?
Well that's her life at kung hindi man niya makuha ang loob ng kaniyang sariling ama ay isasawalang bahala na lamang niya ito. Like,why would she waste her time to a person who doesn't accept her of what she was when there is someone out there that wholely accept her through her ups and downs. But still she wanted to try.
Tumayo si Julia and gave Yasmen a heads up na animo'y hindi nasaktan sa pagtilapon niya.
"Tsk! Not bad nerdy!" Sabi ni Yasmen sa kaniya with a slight smirk.
Hindi naman ito sinagot ni Julia. Mabilis niya itong inatake na natamaan naman niya sa mukha ngunit hindi padin nalabas ang kamay nito sa bulsa nito na ipinagtataka pa din niya.
Hinihingal man ay sige pa din siya sa pag atake. Hanggang sa inilabas niya ang kaniyang kaliwang kamay at tinulak niya si Julia ng mahina. Biglang nanigas ang katawan ni Julia. Di siya makagalaw. Unti-unti niyang naramdaman ang sakit sa kalamnan niya. Huli na ng malaman niya na it was an inside electricity technique na magandang gamitin sa katulad niyang may metal ability.
Bigla siyang napaluhod sa sakit at napasigaw din siya dahil sa dala ng enerhiya nito na dumadaloy sa katawan niya. Masakit man ay doon niya na isip na ang tingin ni Yasmen sa kaniya ay isang mahinang nilalang na hindi karapatdapat na makalaban niya.
Lahat ng manonood ay napasinghap. Maski si Sam na nag a-alburoto na dahil sa inis. Pati na din si Lucas na nagpipigil lang ng galit dahil ayaw niyang masira ang kaniyang posisyon bilang isang Royal.
Doon sumuka ng dugo si Julia at tinatawanan lang siya ni Yasmen. Ganon lang kadali para kay Yasmen na pabagsakin si Julia dahil totoo naman talaga na mahina ito kung ikukumpara sa kakayahan niya. Tumalikod na siya at naglakad na dahil alam niya na tapos na ang labanang ito. Pero napahinto siya ng may tumarak na isang maliit na dagger sa likod niya.
It's not jus a simple dagger. It is a dagger made with metal powers na isa ding weak spot ng katulad niyang may Electrical power. It's a vice versa situation. Doon niya naramdaman ang sakit. Kung gaano kasakit ang naramdaman ni Julia ay gano'n din ang nararamdaman ngayon ni Yasmen.
"Ahhhh!" Impit niyang sigaw sa kawalan at napaluhod na din sa sakit.
Galit niyang inabot ang dagger na nasa likod niya at mabilis itong tinanggal para mawala na ang sakit. Lumingon siya sa likod at nakita niya si Julia na nakatayo na at nakangiting nakatingin sa kaniya habang pinupunasan nito ang dugo sa labi.
Napangiti naman ang mga nanonood. Maski si Sam ay parang nakahinga na din ng maluwag.
"That's right Julia! Don't give up!" Usal ni Sam.
Dahil sa inis ni Yasmen ay hindi niya napigilang umatake. Mabilis niya itong tinira ng kaniyang kapangyarihan na nagpatilapon kay Julia. Tumayo siya at pinunasan ang dugo na lumabas din sa bibig niya kanina.
In Julia side naman ay parang nagsisisi siyang pinatamaan niya ng ganon si Yasmen. She knew who this woman is and she already knew na isa ito sa pinakamalakas sa kanilang campus. This opponent of her are the former Supreme president no'ng bago pa lamang siya sa academy.
Pero ayaw niyang matalo ng wala man lang ginagawa hanggang sa makakaya niya. Sinubukan niya tumayo ngunit hinang hina na ang kaniyang katawan na parang hindi na niya maigagalaw pa ang mga ito.
Nakita ni Sam na lumobo ang kamay ni Yasmen at mababakas sa mukha nito ang galit. Naging higante ang kamay nito na parang si hulk. Akmang susuntukin na sana si Julia nito ng tumunog ang bell kaya huminto sa ere ang kamay nito at lumingon si Yasmen kung saan nanggagaling ang tunog.
Nakahinga lahat ng manonood dahil sa intense ng pangyayari, ang akala ng lahat ay tapos na. Ngunit idineretso ni Yasmen ang pagsuntok kay Julia na ikinatayo ng ibang manlalaro pati na din ng MC dahil sa gulat.
Umigting ang panga ni Sam ng makita niyang walang habas na pinagsusuntok ni Yasmen si Julia na para ng gulay na nalalanta. Mabilis na umaksiyon ang mag guards ngunit hindi sila nakapasok dahil sa barrier na nakapalibot dito. Kailangan muna nilang ma verify sa may gawa ng barrier para makapasok sila kaya wala ding nagawa ang mga guards kundi ang pagmasdan ang nangyayari sa loob ng arena.
"Julia!" Sigaw ni Sam habang tumatakbo papuntang arena.
Hindi na niya kaya pa ang mga nakikita niya. Gusto niya na tigilan ito ni Yasmen dahil kung hindi baka ito na ang unang beses na makakapatay siya ng dahil sa galit niya.
Kumilos na din si Lucas. Ginamit niya ang flash ability at pumunta sa isa sa mga board director na siyang gumawa ng barrier. Inutusan niya itong ipatanggal upang matigil na ang ginawa ni Yasmen dahil tapos na ang oras ng kanilang labanan.
Ngunit tila nag eenjoy pa ang mga ito sa kanilang mga nasaksihan at tumanggi na tanggalin ang barrier.
Samantala, sige pa din si Sam sa pagsigaw kay Julia at kay Yasmen.
"Stop that!" Sigaw niya habang sinusuntok niya ang barrier. Maski siya ay hindi makapasok.
"Open this f*cking barrier or I'm gonna tear it!" Galit niyang sigaw na nag echo sa buong field.
Hindi na din niya mapigilang maiyak. Sa lagay ni Julia ay maari na itong bawian ng buhay. Kaya naman nagalit na ng husto si Sam. Naramdaman na naman niya ang isang enerhiya na maganda sa pakiramdam niya. Na animo'y gumagaan ang loob niya ngunit nagliliyab siya sa galit. Mainit ang kamay niya na animo'y may apoy na lalabas.
Dahil hindi nakinig sa kaniya ang nagawa ng barrier ay sinimulan niya itong pagsusuntukin gamit lang ang normal niyang kamay. Ngunit hindi man lang siya nakaramdam ng kahit anong sakit.
"Open. This. F*cking. Barrier. You. PSYCHO!.. WHAAAAHHH!"
Sa huling pagsuntok ni Sam ay nabiak ng bahagya ang barrier na ikinabigla ng lahat. Nagdulot din ito ng napakalakas na hangin na nagpatilapon sa ibang mga upuan na walang nakaupo. Tila isang enerhiya ang kumawala mula kay Sam. Parang nawalan na ng kontrol si Sam sa sarili niya. Dumudugo na din ang kaniyang mga kamay at tila sirang-sira ito.
Nilamon na siya ng galit at tila may lumabas sa kaniya na kakaiba sa kaniyang pagkatao. Ang mga tingin niya ay naging matalim at nakakatakot. Nagsimula na ding umihip ang kakaibang hangin sa paligid na siyang dahilan kung bakit nagliliparan ang kaniyang mga buhok.
"Open the barricade!" Monotone niyang wika atsaka tumingin sa lalakeng nagawa ng barrier na nasa itaas na kasama ng mga judge.
Nagitla ito sa mga tingin ni Sam bahagya pa itong napaatras nang tila nagsasalita ang mga tingin ni Sam sa kaniya. Like, open it or you'll dead! Maski sina Gil at Aurora ay nagulat sa mga tingin na ibinigay ni Sam.
Parang may kung anong bumabalot sa kaniya na kakatakutan mo talaga. Mabilis naman na sumigaw si Aurora.
"Do not open the barricade Justine! I'm gonna go down and calm her!" Mabilis na wika ni Aurora at nagsimula ng tumakbo pababa. Nasa toktok kasi siya. Ngunit hindi pa nga siya nakalima ng hakbang ay tinanggal na ni Justine ang barrier at wala sa sariling napasalampak sa sahig dahil sa nasaksihan nito. Doon nagulat lahat ng manonood.
"Oh Ghadd! This ain't nice!" Bulalas ni Gil at mabilis din na sumunod kay Aurora pababa.
Dahil nabuksan na ang barrier ay walang sinayang na oras si Sam. Itinaas niya ang kaniyang kanang kamay and in split of second ay nakuha niya si Yasmen gamit lang ang kakayahan niyang makagalaw ng gamit.
Hawak na niya ito sa may leeg at sinasakal na niya ito ngayon. Galit ang makikita mo sa mga mata ni Sam. Tila nawalan na ata siya ng control sa sarili at ang gusto nalang niya ay ang tapusin ang Yasmen na to na sakal-sakal niya. Bahagya pa itong naka lutang sa ere na ikinasinghap ng mga nanunood.
"W-w-what a-are y-ou?" Hindi makahingang tanong ni Yasmen.
"You've mess with a wrong woman, girl!" Monotone na sabi ni Sam tsaka niya hinagis sa pinakamalayo si Yasmen na hindi na muling nakabangon pa mula sa pagkatilapon.
Samantala kumilos na si Grey. He order to all the council member na pigilan si Sam. Si Sam naman ay papalapit ng papalapit kay Yasmen habang nakahanda ang kamay nito para tumira ng kapangyarihan niya. Her energy power.
Nakisali na din ang lahat na natitira pang manlalaro sa arena. Lahat sila ay kaniya kaniyang pigil kay Sam ngunit hindi pa nga sila nakakalapit ay tumitilapon na sila dahil sa lakas ng enerhiya nito na bumabalot sa pagkatao niya.
Kaya walang nagawa ang iba kundi ang labanan siya gamit ang kanilang mg kapangyarihan ngunit tila malakas talaga si Sam dahil isang taas lang ng kamay niya ay tumutilapon na ang lahat na nagtatangkang humarang sa dinadaan niya papunta kay Yasmen na ngayon ay wala ng malay at nakahandusay na sa malamig na sahig.
Kataka-takang nakalapit si Scarlet at Sophia kay Sam at mabilis nila itong hinawakan sa magkabilang braso. Tinawag pa ito ni Sophia para mabalik siya sa tamang pag-iisip.
"Samantha. Listen up!"
Alam ni Sophia na hindi kontrolado ni Sam ang bago niyang kakayahan kaya kinakain siya nito ng buo dahil pinapairal niya ang kaniyang galit.
Pero ikinabigla lamang ito nina Sophia at Scarlet ng walang kahirap-hirap silang ibinalibag ni Sam na nagpatilapon sa kanila. Kaagad din naman silang napatayo.
Narating na nga ni Sam si Yasmen na wala ng malay at sinimulan niya itong pagsusuntukin sa mukha kagaya ng ginawa ni Yasmen kay Julia. Samantala si Julia naman ay kaagad kinuha ni Lucas at dinala sa pagamutan.
Patuloy lang sa pagsuntok si Sam kay Yasmen at halatang basag na ang kamay niya kakasuntok sa mukha ni Yasmen. Walang habas niya itong pinagsusuntok ng bigla siyang matigil ng may marinig siyang tunog.
It was Grey who snap his finger para makatulog si Sam.
Hinanap ni Sam kung saan yun nanggaling. Galit siyang nagpalingalinga sa paligid. Naramdaman na din ni Sam na parang may nag-iiba sa kaniya. Bahagya siyang natakot ngunit ang mukha niya ay galit pa din.
Little did she know ay nagsimula ng mag-iba ang kulay ng kaniyang mata just like what happen when she encounter the mask guy.
Mabilis na lumapit si Grey sa likod ni Sam. Sakto naman na paglingon ni Sam sa likod niya ay nandoon na siya. Gulat siyang napatingin sa mga mata nito na paiba-iba ang kulay pero nangingibabaw ang kulay lila sa isang mata ni Sam.
Tila hindi ito natablan ng pampatulog niya kaya mabilis niya itong hinawakan sa magkabilang balikat. Ang akala niya ay lalaban ito sa kaniya ngunit ng tumingin siya sa mga mata nito ay tila nagsusumamo ito sa kaniya.
Humahangos naman ng takbo si Marco habang may dalang maliit na towel dahil sa napansin niyang tila nag-iiba na din ang kulay ng buhok nito.
Naisipan naman ni Grey na hilahin si Sam papalapit sa kaniya para yakapin ito at nang hindi makita ng iba ang nasaksihan niya. Sakto naman na dumating si Marco at Ms. Aurora na parehong may dalang towel at mabilisan nila itong itinabon kay Sam.
Muling ginamitan ni Grey nang pampatulog si Sam and this time gumana na ito. Sinalo niya ito sa braso niya pero hindi halatang nawalan ng malay si Sam dahil nakatayo lang ito habang ang posisyon ay naka akap kay Grey.
Yasmen on the other hand ay dinala din ni Liam using his ability. Kung ano ang naging kalagayan ni Julia ay iyon din ang naging kalagayan ni Yasmen. At lahat ng mga manlalarong sumubok na labanan si Sam ay may kaniya-kaniyang mga pasa at sugat sa mga katawan dulot ng pagtilapon nila.
And here's Yumi, wondering how the hell Sam did that in just a blink of an eye. Nakatayo lamang siya sa may gilid habang pinagmamasdan ang mga pangyayari sa field while wondering those words.
To be continued...