Pagkauwi ko sa bahay ay nakita ko si papa na busy sa mga grafted plants niya. Simula nang mag-retiro siya sa politika ay itinuon niya ang pansin sa mga negosyo niyang eco-friendly. Papa na ni Cel ang bagong Gobernador ng lalawigan namin. Masaya at payapa pa rin katulad noon. Alam ko malaki rin ang tiwala ni papa kay Tito lalo at pareho sila ng vision. Mabuting tao at may paninindigan. "May bisita ka sa loob," saad ni papa. Kaagad na kumunot naman ang noo ko. "Sino po?" usisa ko. "Puntahan mo lang anak. Mukhang miss na miss ka na eh," aniya. Kaagad na natigilan naman ako. Baka si Leon? Mabilis na kumaripas ako ng takbo papasok sa loob. Natigilan ako nang makita si Cel na iba na ang kulay ng buhok. May mga paper bags sa gilid at mabilis na tinakbo ang pagitan namin. Masayang niyakap

