5 Years later...... "Good morning Louisse." Napangiti ako nang madaanan ko sila. Kasalukuyan akong nagtatrabaho sa isang kompanya bilang isang sekretarya. Napagpasiyahan kong ganitong uri ng trabaho ang gusto ko. Occupied ako at nararamdaman ko talagang nagtatrabaho na ako. Okay naman ang sahod ko monthly. May kalakihan din at nakakapag-ipon ako. Gusto nga ni papa na ako ang mag-manage ng ibang negosyo niya pero umayaw ako. Naiintindihan naman niya. Si Cel ay nasa labas ng bansa. Nagtatrabaho sa Europe. Contractual naman siya kaya after two years ay uuwi na siya. Gusto nga sana niya akong isama pero hindi ako pumayag. Hinhintay ko pa ring umuwi si Leon. Ni ha ni ho wala na akong balita sa kaniya. Minsan nga naiisip ko na baka ako na lang ang umaasa sa kaniya. Napakatagal na kaya hinah

