"Okay ka lang ba talaga?" tanong sa 'kin ni Cel. Tumango naman ako. Nandito kami ngayon sa labas ng bahay nila. Wala naman siyang masiyadong bisita. May malaking lamesa sa frontyard nila at nakahilera ang mga upuan. Sa tingin ko ay doon uupo ang mga bisita niya dahil may mga nakaupo na roon. Kanina pa siya hindi mapakali habang nakatingin sa 'kin. Hinawakan ko naman ang kamay niya at nginitian siya. "Relax, bakit ka ba kinakabahan masiyado?" usisa ko. Napakamot naman siya sa ulo niya. "K-Kasi..." Hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin niya kaya mahigpit na hinawakan niya ako. "Kahit ano ang mangyari nandito lang ako, okay? Kung pakiramdam mo hindi ka na comfortable sabihan mo ako kaagad," wika niya. Mukhang alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin. Nginitian ko siya para kumalma.

