Pagkatapos ng meeting ay umalis na sila. Buti nga at hindi na pina-escort-an ni Aled. Hindi ko talaga mawari kung ano ang nangyayari. Hindi ko alam.kung bakit ganoon si Leon. After five long years magpapakita siya na para bang wala lang. Kung makatingin din siya sa 'kin para bang ang laki ng kasalanan ko. Malaki ang ngisi ni Aled habang nakaupo sa sofa ng opisina niya at nakatitig lang sa files. "Congratulations to us, Louisse. Dahil diyan magpa-party tayo. We finally got the fifty million dollar contract. Paniguradong sobrang proud ni, Daddy sa 'kin ngayon. At lahat ng ito ay hindi ko makukuha kung hindi dahil sa 'yo," saad niya. Nakatingin lang ako sa kaniya at hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Kumunot naman ang noo niya at parang takang-taka na nakatingin sa 'kin.. "You're no

