Huminto kami sa isang two story house. Hindi ko alam kung nasaan kami lalo pa at gabi na. Napalingon ako kay Leon na nakangiti lang sa ‘kin. Parang tanga kanina pa ‘to. Hindi mapuknit sa labi niya ang ngiti niyang minsan ay kaysarap na ring tanggalin. “Saan tayo?” “In my vacation house,” aniya. Napataas naman ako ng kilay. Mukhang hindi naman siya nagsisinungaling. “Don’t worry baby, I bought it for a cheaper price,” saad niya. “Hindi ko naman tinatanong,” wika ko. “I saw how surprised you are.” Hindi ko na lang siya pinansin dahil hindi na naman siya titigil kapuputak ng bibig niya. This is purely the disadvantage when you’re with someone so annoying. Hindi ko nga alam kung ganito ba talaga ang ugali niya o baka he’s pretending. “Girl!” tawag sa ‘kin ni Cel. Bumaba siya sa ko

