Sabi nila kapag daw mahal mo ang tao nakararamdam ka ng paru-paru sa tiyan mo. Excited ka na para bang kakabahan. Gustong-gusto mo siyang nakikita at kapag malapit naman siya kumakabog ang puso mo. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita ko si Leon ay hindi iyon ang nararamdaman ko. Habang nakatingin ako sa mukha niya sumasaya ako at ramdam ko ang katahimikan ng aking kabuoan. Sa kaniya ko naramdaman na ganito kapayapa ang pagmamahal. Ibang-iba ang nararamdaman ko, habang nakatitig sa kaniya ay kumakalma ang sistema ko. Ramdam ko ang kaligayahang sinasabi ng aking puso. Napangiti ako habang nakatingin sa isang tangkay ng rosas sa ibabaw ng aking kama. Kada gising ko ay ito ang bumubungad sa ‘kin. Simula noong nagkausap kami sa vacation house niya ay nagkaliwanagan kami. Masaya ako at

