“Louisse? Louisse?”
“Hmm,” sagot ko.
“Bumangon ka na at baka ma-late ka sa klase mo,” rinig kong wika ng katulong. Nanlaki ang mata ko at bumangon. Sinugod ako ng kaba at napatingin sa paligid. Nakahinga lang ako nang malalim nang wala ng bakas ni Leon ang kuwarto ko. Napatingin ako sa katulong namin at nakataas ang kilay. Mukhang nagtataka sa ikinikilos ko.
“Okay lang po ba kayo?” nag-aaalalang tanong niya. Napapikit ako at tiningnan siya t’saka tinanguan.
“Siguro po, traumang-trauma pa rin kayo sa nangyari. Buti na lang nandoon iyong boyfriend mo,” aniya. Kumunot naman ang noo ko.
“Manang, hindi ko siya boyfriend. Iyong nakita mo noon ay inaasar niya lang ako,” sabat ko. Kita ko naman ang pagngiti niya. Mukhang hindi naniniwala.
“Sige na, hindi ko na ipipilit. Pero isi-ship ko pa rin ang love team niyo. Ang pogi eh kahit maangas. Ang ganoon kaguwapong nilalang dapat inaako agad,” komento niya. Napangiti lamang ako sa sinabi niya.
“Huwag kang maniwala sa perpekto niyang mukha. Sa likod nu’n maraming sikreto at kasamaang nakatago,” saad ko. Tila wala naman siyang pakialam kaya tumayo na rin ako at naghanda na.
“Maliligo na po ako,” wika ko. Tumango naman siya.
“Sige, ihahanda ko lang ang uniform mo. Bumaba ka na rin pagkatapos at malapit na ring maluto ang ulam.”
Tumango lamang ako bilang tugon at pumasok na sa banyo. Hinubad ko na ang saplot sa aking katawan at tumingin sa salamin.
“Maganda rin naman ako ah kahit hindi kalakihan ang hinaharap ko,” wika ko sa salamin at huminga nang maluwag. Napakunot ang aking noo nang mapansin ang pulang marka sa bandang tagiliran ko. Kaagad na tinitigan ko iyon at napapikit sa sobrang frustrasiyon.
“s**t!” malutong kong mura.
“That bastard!” dagdag ko pa. Nilagyan niya lang naman ng hickeys ang tagiliran ko. The nerve of him! Makita ko lang talaga siya at babayagan ko ang walanghiyang ‘yon. Ilang beses kong sinabon iyon bago ko napagpasiyahang lumabas na. Nai-stress ako sa ginawa niya. Nagbihis na ako at sinubukan ko pang lagyan ng concealer. Buti na lang at umobra naman. Inayos ko na ang sarili ko at bumaba. Nakahanda na rin ang breakfast ko. Hindi ko kayang walang agahan. Hindi bale na kung walang dinner o lunch basta makapag-agahan ako. Matapos nga ay lumabas na ako ng bahay at nakahanda ang personal driver ni Papa. Wala siya at mukhang maaga pa lang ay umalis na. Tiningnan ko naman ang gamit ko at kompleto na kaya umalis na rin kami.
Bandang alas siyete y treinta ay nakarating na kami. Nagmamadali na rin akong maglakad at malapit na ang oras sa una kong klase. Malayo pa nga lang ay krinig na rinig ko na ang matinis na boses ni Cel sa loob. Parang siya na rin kasi ang life of the party. Kalog siya at taklesa. Pumasok na ako at kita ko na ang malapad niyang ngisi.
“Hi BFF,” bati niya sa akin.
“Good morning,” sagot ko at umupo na sa tabi niya.
“Nabalitaan ko ang nangyari sa ‘yo, okay ka lang ba?” tanong niya.
“Saan mo nalaman?” kunot ang noong usisa ko. Hindi ko kasi alam kung saan niya nalaman. Ipinaikot naman niya ang mata niya sa akin.
“Magkaibigan ang Tatay ko at Papa mo dahil sa politika. Siyempre ang tatay ko paresol iyon,” sagot niya. Napailing naman ako.
“Okay lang ako,” saad ko.
“Talaga? Buti at na-save ka roon. Sino?” usisa niya.
“Cel, ano ba? Ayaw kong pag-usapan ‘yan,” giit ko. Nag-peace sign naman siya sa akin at ngumiti.
“Sorry,” aniya. Natawa na lang din ako sa kaniya at para siyang sirang voodoo doll na kumikirap-kirap. Hindi nga nagtagal at dumating na ang una naming guro. Inabot din ng ilang oras bago natapos. Inaya naman ako ni Cel mag-cafeteria at nagutom daw siya. Sumunod na rin ako. Pagpunta nga namin doon ay hindi mawala sa isip ko si Leon. Parang ganoon na ang routine niya gabi-gabi. Tapos pagkagising ko hindi ko na alam kung nasaan na siya. Hindi ko siya dapat iniisip pero hindi kasi talaga puwedeng magpatuloy ang ginagawa niya. Ngayon ay malakas pa ang tore ko, natatakot akong baka isang araw ay kusa na lang iyong babagsak.
“Hoy!” She snapped her fingers at me.
“Hello earth to Louisse,” aniya sa ‘kin. Kaagad na napailing naman ako.
“S-sorry,” saad ko.
“Nag-i-space out ka na naman, sabi ko ano ang kakainin mo?” tanong niya. Alanganing nginitian ko naman siya.
“Burger lang at iced tea,” sagot ko. Tumango naman siya at sinabi na roon sa counter. Ilang minuto nga lang at ibinigay na sa amin. Naghanap naman na kami ng bakanteng upuan. Mamaya pa namang ten ang klase namin. May isang oras pa.
“Girl, kanina ko pa napapansing wala ka sa sarili mo. May problema ka ba? Ang lalim ng iniisip mo,” komento niya. Umiling naman ako.
“W-wala, minsan din talaga hindi ko napapansing nag-i-space out ako,” sagot ko. Iniiwasan ko ang mga tingin niya. Si Cel alam niyang hindi ko kayang magtago ng sikreto sa kaniya. Pasalamat na rin ako at mukhang naiintindihan naman niyang hindi ko pa kayang sabihin sa kaniya ngayon.
“Hi Louisse,” bati ni Daniel nang dumaan siya sa table namin ni Cel. Kaagad na naramdaman ko naman ang pagsipa ni Cel sa akin. Nginitian ko lang nang tipid si Daniel at nagpokus na sa pagkain ko.
“Ang rude ha,” aniya. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
“Ayaw ko lang ng gulo, alam mo naman si, Trisha echosera ‘to,” sagot ko sa kaniya.
“Epal din ang bruhang ‘yan eh. Daming hanash sa buhay. Feeling most byotipol sa university eh wala namang bakas,” sambit niya. Natawa na lang ako sa reaksiyon niya lalo na ang mata niyang tila may kung anong pumasok at kanina pa ikot nang ikot. Paniguradong pagod na pagod ang eyeballs niya mamaya. Matapos nga naming kumain ay dumeritso na kami sa susunod naming klase.
“Si, Sir uugod-ugod na naman ang magtuturo sa atin. Kailan kaya makaka-afford ng panibagong teacher ang school na ‘to? Private school naman eh. Hirap na hirap akong intindihin si, Sir kahit may lapel siya,” reklamo niya. I share the same sentiments with Cel dahil totoong matanda na ang isang guro namin. Nagla-lapel siya pero minsan hindi talaga umaabot sa likod ang boses. Idagdag pang ang daming bully na kaklase. Nang makapasok ay pumuwesto na kami sa bandang gitna. Nagulat pa nga ako nang tumabi sa amin si Daniel at iilang kaibigan niya.
“Hi Louisse,” bati niya sa akin. Nginitian ko lang siya nang tipid. Nakatuon lang ang tingin ko sa notebook ko at sobrang ingay na ng classroom. Idagdag pang nandito na ang Trisha and friends. Ang sama ng tingin sa amin. Si Cel naman ay kilig na kilig pa at mukhang inaasar pa si Trisha sa baba. Ilang saglit pa ay unti-unting nawawala ang ingay at mukhang nandito na si Sir ah. Pero usually hindi naman ganito katahimik. Naitaas ko ang aking ulo at kaagad na naitulos sa aking kinauupuan. Sa harap ay nandoon si Leon at may hawak na libro. Nakasuot ng itim na slacks at mamahaling sapatos gawa pa yata sa leather. Sa pang-itaas niya ay long sleeves na sobrang puti at nakatupi hanggang siko niya. Wala na ang iilang-visible mustache niya sa ibabaw ng kaniyang labi. Hindi ko naman maitatanggi na kahit nandoon iyon ay sobrang guwapo niya pa rin. Bad boy siya tingnan doon pero sobrang nakaka-intimidate. Ngayon naman ay lalo pang nakakaintimida. Lalong nafe-feature ang napakaguwapo niyang mukha. Napatingin ako kay Cel nu’ng sikuhin niya ako.
“Baka kakoy matunaw,” bulong niya sa akin. Kaagad na tiningnan ko siya. Tinaasan niya lang ako ng kilay.
“Hindi ko alam ang pinagsasabi mo,” sambit ko at kaagad na iniwas ang tingin sa kaniya. Halata kasing tutudyuin niya na naman ako hanggang sa matapos ang araw.
“Good morning, I am your new professor for this month only at nasa hospital pa si, Sir Glen. I am Leon Farre, his substitute for a while. I hope we could get along this entire month,” wika niya.
Kaagad na iniwas ko ang aking tingin nang bahagyang tumingin siya sa gawi ko. Kinakabahan ako at nanghihina ang aking mga kamay. Hindi ako sanay na palagi ko siyang nakikita.
“Girl, magtitigan muna kayo kahit saglit. Ikaw na talaga,” ani Cel. Kaagad na kinurot ko naman ang tagiliran ni Cel at baka may makarinig ano pa ang isipin. Rinig ko na naman ang mga bulong-bulungan ng mga kaklase ko kung gaano ka hot at kaguwapo ang bago naming professor.
“Sir!”
Napatingin kami sa harap at nag-raise hand nga si Nicka.
“Yes?” sagot niya.
“Puwede po bang magtanong? Majority ng girls dito sa loob ay gusto pong itanong kung single pa po ba kayo or taken na?” aniya. Kaagad na naghiyawan naman ang mga kaklase namin nang ngumiti si Leon. Naiinis ako sa mukha niya. Playboy talaga, pati kaklase ko pinapatos niya.
“To answer that question is, I’m partially taken and partially single,” sagot niya. Kaagad na natigilan naman ako sa isinusulat ko sa notebook. Doodle lang ‘yon para hindi ako mapatingin sa harap. Rinig ko ang hiyawan nila.
“May malaking pag-asa pa girls kasi complicated,” sigaw ni Lesly ang kaibigan ni Nicka. Ang alam ko may GC sila eh. Napailing na lang ko. Tanging mga boys lang naman ang halatang hindi interesado kay Leon sa harapan.
“Qualified ka ba talagang magturo? Ilang beses ka na naming nakita sa labas nagsisigarilyo,” wika ni Guiller.
“And at the clubs too,” dagdag ni Philip.
Tumingin naman ako sa harap at tiningnan ang reaction niya. Hindi ko alam kung napansin din ba iyon ng iba. Pero ang lamig ng mga mata niya kahit na nakangiti.
“You did not saw me kill, right?” tanging sagot niya habang nakangiti. Natigilan naman ang dalawa at hindi na sumagot pa. Pakiramdam ko nga ay binibigyan niya ng warning ang dalawa.
“I graduated Suma c*m Laude in an international school. Kung alanganin kayo you can check my achievements and profile on the Deans office. I am also an MVP football player in Sicily,” sagot niya. Kaagad na nagpalakpakan naman ang mga enabler kong classmates. Siyempre guwapo ang nasa harapan at ngayon nga ay nagmamayabang ng achievements niya sa buhay kaya proud na proud naman sila.
“The next time you question me, ask questions related to this subject. My personal life is not the subject here to begin with. And it won’t help you progress, it will only cause turmoil to your lives. Now, back to the reality. I have some few questions here, a seatwork for all of you. Don’t worry it’s easy,” wika niya at kaagad na nagsulat siya sa whiteboard. Nagulat pa ako nang makita ang penmanship niyang sobrang ganda. Kaagad na sumagot naman kami.
“May extra ballpen ka ba, Louisse?” tanong sa akin ni Daniel. Kumunot naman ang noo ko.
“Naiwan ko kasi sa recent classroom ang ballpen ko sa pagmamadali,” dagdag niya, Tumango na lamang ako at kinuha ang ballpen sa bag ko. Akmang ibibigay ko na nang makita si Leon sa harapan namin. Nakatayo at may hawak na ballpen, ibinigay niya iyon kay Daniel.
“No thanks Sir, nakahiram na po ako kay, Louisse,” ani Daniel. Ngumisi lamang si Leon at tiningnan ako. Nagulat pa ako nang mapansin ang pagbabanta sa mata niya. Napalunok ako at tiningnan si Daniel.
“K-kunin mo na, Daniel at wala pa lang ballpen s-si, Cel,” saad ko.
“Ha? Meron na--” ani Cel. Sinipa ko naman ang paa niya at alanganing nginitian siya at itinuro si Leon. Kahit na alanganin ay mabilis na itinago ni Cel ang ballpen niya sa kaniyang bag at kinuha ang hawak ko.
“Oo nga, haha. Daniel, sorry ha. Naunahan na kita kanina pa. Wala nga pala akong ballpen kahit na may-ari ng school supplies store ang parents ko. Nakalimutan kong kumuha kanina,” aniya. Nakapagsinungaling pa tuloy. Kinuha na rin ni Daniel ang ballpen at kita ko naman ang pagngisi ni Leon t’saka bumalik sa harap. Nang makaalis ay kaagad na nakahinga ako nang maluwag.
“Girl, ano ‘yon?” ani Cel. Napakamot na lamang ako sa ulo ko.