Matapos nga ang klase namin ay nagsilabasan na rin kami. Naunang lumabas si Leon at wala akong pakialam kung saan siya pumunta. Ang sa akin lang ay nakahinga ako nang maluwag.
"Girl, ano 'yon kanina?" usisa ni Cel. Isa pa 'to kayo lalo akong nai-stress. Tiningnan ko lang siya at hindi ko alam kung ano ang sasabihin.
"Gutom ka na ba? Puwede bang sa cafeteria na lang tayo mag-usap?" tanong ko. Kumunot ang noo niya at alam kong ramdam niya ang pag-iwas ko sa kaniyang tanong. Maski ako ay maraming tanong. Paanong ang damuho na 'yon eh nagtuturo na rito?
Naglakad na kami papunta sa cafeteria at nag-order din naman kaagad ng lunch. Hindi ako nakaramdam ng gutom pero panigurado kung hindi ako kakain sisikmurahin ako. May practice pa mamaya sa AV room para sa play namin.
Kumuha lang ako ng Alfredo pasta at donkatsu. Habang kumakain nga ay nakatingin lang sa akin si Cel.
"May hindi ka sinasabi sa akin, Louisse. Siguro si, Leon ang sumagip sa 'yo no?" aniya. Nilunok ko muna ang kinakain ko t'saka tumango.
"Sinasabi ko na nga ba. Iyong mga tinginan na 'yon parang alam ko na kung ano ang kasunod. Ang suwerte mo girl, feeling ko kasi talaga type ka ni, Leon. Grabe makatitig eh, pasimple. Hindi mo talaga malalaman na nakatitig sa 'yo pero siyempre alam ko 'yon. Kaya siguro kanina halos halikan mo na lang ang papel mo ano? Alam ko naramdaman mo rin ang tingin niyang 'yon," tudyo niya sa akin.
Tiningnan ko lang siya.
"Baka may makarinig sa 'yo, panibagong issue na naman 'yan," sabat ko. Kaagad na nagkibit balikat siya.
"Pero si, Daniel kanina kawawa naman. Girl, masasabi ko talagang isang manipulative na tao si, Leon. Isang tingin niya lang napapasunod agad eh. T'saka totoo ba 'yong nagyoyosi siya at nagka-clubbings? Hindi ba bawal 'yon lalo na at educator siya?" tanong niya.
"Kaya nga eh substitute lang siya ni, Sir Glen ng isang buwan. Hindi naman kasi talaga siya isang propesor. Pero siguro iyong course niya related sa pagtuturo rin. Rinig mo naman kanina ang pagmamayabang niya," sagot ko.
"Hayyy grabe! Lalong nakaka-in-love siya. Isipin mo ha, sobrang yaman niya. Napakaguwapo, matangkad, misteryoso, at matalino pa. Saan ka pa? Kaya kung ako sa 'yo girl patusin mo na. Maagaw pa 'yan ng iba sinasabi ko sa 'yo," wika niya.
Nginitian ko naman siya nang peke at kinaltukan.
"Huwag mong kakalimutang masama siyang tao, Cel. Hindi ko nga alam kung ano ang pinangagawa niyan sa buhay eh. Ang alam ko lang pinapaiwas ako ng tatay ko sa kaniya," saad ko.
"Louisse, kung masamang tao 'yan paniguradong marami ang nagha-hunting sa kaniya. Liban na lang doon sa naging asawa ni, Ma'am Sarissa. Sabi mo nga 'di ba iyon talaga ang kinatatakutan. Kasi may mga records kahit hindi naman napapatunayan. Pero siyempre, walang usok kung walang apoy," aniya.
"Cel, wala silang pinagkaiba. Hindi ko alam kung ano ang history nila pero alam kong masama silang tao. May kasunduan sila ni, Papa kaya madaling nare-resolba ang mga problema niya. Mainit ang labanan sa politika pero si, Papa hindi na tensed. Noon halos hindi na ako pinayagang lumabas o umalis na walang kasama pero ngayon iba na. Para bang naging kampante na siya," sambit ko.
"Baka kaya nandito si, Leon para bantayan ka," saad niya. Natigilan naman ako. Hindi ko naisip 'yon. Baka nga. Bigla-bigla na lang kasi eh. Wala rin naman siyang sinabi sa akin na ganoon. Sumasakit ang ulo ko kaiisip. Tatanungin ko siya mamaya kung magkikita kami.
"Speaking of nga naman. Lingon ka girl at sobrang guwapo niya. Dominante ang dating at parang nakakatakot galitin," impit na wika ni Cel. Lumingon ako at kaagad na nag-abot ang tingin namin ni Leon. Napasikdo ako at iniwas agad ang tingin. Nag-focus na ako sa pagkain ko at nakaliliyo ang presensiya niya.
Nakasunod naman ang tingin ni Cel kay Leon.
"Kahit nakatalikod ulam na," komento niya. Natawa naman ako. Mukhang pinagnanasahan pa eh. Napatingin din ako sa likod ni Leon at tindig pa lang talaga ang lakas na ng dating. Naalala ko na naman ang kababuyan niya kaya nawalan ako ng gana. Kahit sino kinakantut at kahit saan pa.
Pagdating ng hapon ay uwian na. Iba kasi ang landas namin ni Cel kaya hindi ko na siya maihahatid pa. Sumakay na ako sa kotse at okay naman ang araw ko. Hindi ako binuwesit ni Trisha kaya may peace of mind ako. Napagod lang ako sa practice kanina.
Nang makarating na sa bahay ay wala pa si Papa. Dumeritso na ako sa kuwarto ko at nagbihis. Binuksan ang laptop ko at nag-log in sa f*******:. Napakunot noo ako nang makita ang maraming notifications. Binuksan ko iyon at puro mention ng pangalan ko. Kin-lick ko na at napakunot noo nang makita ang larawan naming dalawa ni Daniel. May caption sa itaas na "The Cheap and Cheater Beauty".
Tiningnan ko kung sino ang nag-post at si Trisha iyon. Kaya pala sobrang tahimik siya dahil sa soc med niya ako tinitira. Napahawak ako sa ulo ko nang mabasa ang ilang comments na kung nakamamatay lang ay kanina pa ako hindi humihinga. Hindi ko alam kung kailan niya ako titigilan sa kainsikyuradahan niya sa 'kin. Nakatutok lang ako ng ilang oras sa screen. Nakakapagod at nawawalan ako ng ganang gumalaw.
"Louisse?" Rinig kong tawag sa akin ng kasambahay namin.
"Pasok," sagot ko.
"Kumain ka na at mukhang gagabihin ang papa mo," aniya.
"Busog pa po ako, bababa lang po ako kung gutomin ako," sagot ko. Tumango naman siya. Tumayo ako at nag-lock ng pinto. Kinuha ko ang laptop at humiga na sa kama. Wala akong pinalagpas na comment. Binasa ko lahat para maramdaman ko ang mga pang-iinsulto nila sa 'kin. Kesyo isa akong spoiled brat, maarte, at umaasa lang sa kapangyarihan ng papa ko. Lalo akong nadismaya nang nag-heart react pa si Daniel. Tumihaya ako at napapikit. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Paniguradong bukas ay kukutyain na naman ako ng mga feeling perfect. Aware ang ama ko sa nangyayari sa 'kin pero wala naman siyang sinasabi. Akala niya siguro ay kaya ko naman i-handle ang bullying.
"Why so lonely?" ani ng baritonong boses. Napamulagat ako nang makita si Leon na nakatitig sa akin. Mabilis na napabangon ako at inayos ang gulo-gulo kong buhok..
"A-ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita bagkus napatingin sa laptop ko. Akmang kukunin ko na iyon nang maunahan niya ako.
"Are you okay with this?" kunot ang noong tanong niya sa 'kin.
"Ano naman sa 'yo?" Pagmamaldita ko. Binasa niya pa ang ibang comments kaya lalo akong nanliit.
"Ayaw mo bang maghiganti? Alam ko nararamdaman mo na rin ang galit sa ginagawa niya," aniya.
Ilang beses ko na sigurong pinatay sa utak ko si Trisha. Ano naman ang magagawa ko?
"Wala, wala akong magagawa. Makakaalis lang ako sa mga isyu kyng ga-graduate ako kaagad," sagot ko.
"Let me handle this," saad niya. Kaagad na kumunot naman ang noo ko.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko. Naguguluhan ako sa sinasabi niya.
Pumuwesto siya sa gilid at kinalikot ang laptop ko. Nakatingin lang ako sa kaniya at wala rin akong ideya sa ginagawa niya.
"I'm sure may tinatago rin 'yan," aniya. Busy siya at t'saka ko lang napagtantong hina-hack niya ang account ni Trisha. Ilang sandali nga lang ay na-open niya na 'yon. Lumapit ako sa kaniya at tiningnan ang nasa account ni Trisha. Ngumisi si Leon nang may makitang isang video. Si Trisha iyon na nagsasarili. Kaagad na iniwas ko ang aking tingin.
"See?" wika niya. Nagulat pa ako nang kinuha niya ang cellphone niya at kinuhanan iyon ng picture.
"Ano'ng ginagawa mo? Ang maniac mo!" usal ko.
"Don't worry baby, sa 'yo lang naman ako tinatayuan," aniya. Kaagad na napalo ko ang ulo niya sa narinig.
"Ouch!" reklamo niya.
Pakiramdam ko ay lumalaki ang butas ng ilong ko.
"Ang kapal ng mukha mo!"
Tumawa lamang siya.
"Relax, I'm just fooling you around. I've sent her the picture so she could take down the post. I'm using my non-traceble dummy account don't worry. Kung guguluhin ka niya ulit, blackmail her. Sometimes, people needs to taste their own medicine. Takutin mo siya about her scandal. She'll stay away from you, for sure," wika niya.
"Hindi ko gagawin 'yan," sagot ko. Ngumiti lamang siya.
"You will baby. You will, trust me," saad naman niya. Kaagad na inagaw ko na ang laptop ko. Ilang sandali nga ay wala na ang post. Napatingin ako sa kaniya.
"You found her weakness, it's time for you to get back at her. Kung gagawin niya ulit 'yon don't hesitate to blackmail her. Kung iyon lang ang paraan para tantanan ka niya, then do it."
Huminga ako nang malalim at tinitigan siya.
"Ano na naman ang ginawa mo ngayon, Leon? Paano ka nakapasok bilang guro sa university?" usisa ko.
"Well, I approached the dean. Sakto namang wala si, Sir Glen," sagot niya habang nakangiti.
Alam ko ang ngiting 'yon. Kaagad na kinuwelyuhan ko siya.
"Ano'ng ginawa mo sa matanda?"
"Chill," aniya at hinawakan ang kamay ko. Akmang babawiin ko na nang higpitan niya iyon.
"I want us to be this close, Louisse," mahinang saad niya.
"Bitiwan mo ang kamay ko," matigas kong wika.
Para naman akong nakuryente nang halikan niya 'yon.
"Bastos!"
Ngumisi lamang siya.
"Don't worry, he's safe. Pinagbakasiyon ko lang siya sa Switzerland. One month din 'yon kasama ang asawa niya. I payed him millions just to be with you, Louisse," sagot niya.
Natawa naman ako nang pagak. Sino ang niloloko ng bwesit na 'to?
"Isa kang masamang tao, Leon. Binabangga mo lahat gamit ang pera. Kaya ka naman sunod-sunuran sa tatay ko 'di ba dahil sa pera?" untag ko. Natigilan naman siya at tinitigan ako.
"Don't insult my wealth, baby. I did not receive a single penny from your father. Hindi naman sa pagmamayabang pero may pera ako sa bangko ko. Meaning, it's my own bank. I own a bank and other corporations in my homeland. I am with Infernu because he is the boss in our organization. Pero hindi ibig sabihin nu'n na wala akong pera. The essence of our brotherhood is beyond that. Kailangan namin ang ama mo para magawa ang mga plano namin. Kailangan din kami ng ama mo para mapanatili ang posisyon niya. It's a win-win situation for both of us. It's just a bonus for me that I get to know his beautiful daughter," wika niya.
Natigilan naman ako at nakaramdam ako ng hiya sa nalaman.
"Just so you know, I am one of the wealthiest Italian bachelor know in Sicily. Kung hindi ka naniniwala, you can google my name."
Napairap naman ako at napakayabang ng tarantadong 'to.
"Masama ka pa ring tao," komento ko at tinalikuran na siya. Akala ko nga ay aalis na siya pero hindi pala. Nanlaki ang mata ko nang tumabi siya sa akin yakapin niya ako sa likod. Halos hindi ako makagalaw.
"L-leon," tanging nasambit ko.
"Sshh," aniya. Magrereklamo pa sana ako nang maramdaman ang matigas na bagay na tumatama sa likod ko.
"Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano. That's just a gun, kaya kung ayaw mong mamatay matulog ka na," saad niya. Napalunok naman ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Pipikit na sana ako nang marinig ang boses ni papa habang kumakatok. Tarantang tiningnan ko naman si Leon. Nakapikit pa. Mabilis na tinapik ko ang mukha niya.
"Nandiyan si, papa," bulong ko. Kinakabahan na ako at hindi ako makapag-isip nang maayos.
"Magtago ka," mabilis kong saad. Tumango naman siya at hindi ko na alam ang gagawin. Inayos ko ang aking sarili at binuksan ang pinto.
"P-pa?" saad ko.
"Hindi ka raw kumain, ginabi na ako at may pinuntahan akong pagpupulong," aniya.
"Naparami po kasi ang kain ko sa eskuwelahan kanina," sagot ko. Tumango naman siya at huminga nang malalim.
"Pasensiya ka na anak kung wala na akong oras sa 'yo," sambit niya.
"Naiintindihan ko po, magpahinga na rin kayo at gabi na," saad ko. Tumango naman siya at hinalikan ako sa noo.
Nang makatalikod siya ay mabilis na isinara ko ang pinto at ni-lock. Hinanap ko sa paligid si Leon pero 'di ko makita.
"Hey!"
Kamuntik na akong mapatalon nang makita siya sa likuran ko. Walang suot na damit pang-itaas. Kaagad na iniwas ko ang aking tingin.
"M-magdamit ka," saad ko at hindi na siya nilingon pa.