Chapter 7

1162 Words
Paggising ko ay hindi na ako nagtaka pa at wala na sa tabi ko si Leon. Siguro nga ay lalagyan ko na ng lock ang bintana ko kaso baka magtaka si Papa eh. Nag-ayos na rin ako para makapunta ng eskuwelahan. Hiannda ko na ang sarili ko sa mga mapanuring tingin at kung ano pa mang issue na maririnig ko mamaya. Kay Trisha naman, sapat na sigurong sundin ko ang sinabi ni L eon na i-blackmail siya. Bandang alas-siyete ay nakarating na ako sa eskuwelahan. Magkikita na naman kami ni Leon. Ano na naman kaya ang ginawa ng tarantadong ‘yon? Pagpasok ko sa room ay nasa akin lahat ang tingin nila. Hindi ko na pinansin pa. Si Trisha ay pangiti-ngiti pa akala mo ang inosente eh. “Girl, nakita mo ba ‘yong post ni, Trisha kagabi?” tanong ni Cel. “Oo naman, dahil sinigurado kong marami ang makapag-screenshot nu’n bago ko binura,” sabat ni Trisha. Kaagad na natuon naman sa amin ang atensiyon ng lahat. Nilingon ko naman siya at nginitian. “Matapang ka ‘di ba? Hindi naman kita kakasuhan ng cyber bullying eh lalo pa at baseless ang accusation mo. Bakit mo binura? Ginusto mong mag-viral ‘yon ‘di ba?” wika ko at sinadya kong titigan siya. Para malaman niyang may lalim ang aking sinasabi. “Natakot ka ba? Maliit na picture lang ‘yon eh,” dagdag ko pa. Alam kong alam niya kung ano ang tinutukoy ko. Kaagad na nanlaki ang mata niya at mukhang na-shock pa. Ganito pala ang pakiramdam kapag nababalikan mo ‘yong taong ginagawan ka ng masama. Kita ko pang napatingin siya sa minions niya. “Kaya nga, Trisha. Bakit mo pa binura? Gagawa ka issue tapos buburahin mo lang pala ano ‘yon? Panindigan mo,” sabat ni Cel. Sumang-ayon naman ang iba naming kaklase. Natawa ako sa reaksiyon niya halatang gulat na gulat. Hindi yata in-expect ang sinagot ko. “How dare you?” aniya. Nagkibit balikat naman ako at nginitian siya. “In fairness sexy ka,” malaman kong saad at tinalikuran na siya. Hindi naman siya nakpagtalo pa. Alam na alam mo talagang sobrang affected niya. Tuwang-tuwa pa si Cel habang nakatingin sa akin. “Ang tapang ah, parang bumaliktad yata ang mundo ngayon. Ano’ng nangyari?” tanong niya. Tanging ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya. Ilang saglit pa ay pumasok na si Daniel. Wala akong ganang pansinin siya at dismayado rin ako sa inakto niya kagabi. “Ba’t ‘di mo pinansin? Nginitian ka niya,” wika ni Cel. Nagkibit balikat lang ako. Dumating na rin ang professor namin kaya nag-focus na lang ako. Pagkatapos nga ay lumabas na kami. Ilang oras din iyon sa subject niya. “Louisse!” Hindi ako nakinig pero nahawakan naman niya ang kamay ko. “May kailangan ka sa ’kin?” tanong ko kay Daniel. “Ahm, hintayin na lang kita sa cafeteria girl ha,” ani Cel. “Huwag na, sabay na tayo. Ano ba ang sasabihin mo?” tanong ko sa kaniya. Huminga siya nang malalim. Binawi ko naman ang kamay ko. “Galit ka ba sa ‘kin dahil doon sa picture? I swear hindi ko alam iyon,” aniya. Tiningnan ko lang siya. “Hindi ako galit dahil sa picture. Siguro dismayado lang ako sa ‘yo kasi nakita mo ‘yong post. Nakita mo kung ano ang pinagsasabi nila tungkol sa akin. Imbis na i-deny mo ang pictures na ‘yon nag-heart react ka pa. I was called a lot of abominable names pero wala kang ginawa. I am so dismayed and disappointed. Kung ano man ang intention mo para gawin iyon, hindi ako natutuwa,” saad ko at tinalikuran na siya. Sumunod naman si Cel sa akin hanggang sa cafeteria. She knows I am pissed right now. “Tama lang sa kaniya ‘yon, nag-heart react pa pala,” aniya. “Hindi mo ba nakita?” tanong ko. Umiling naman siya bilang sagot. “Alam mo ‘yong siya iyong may say kaysa sa aming dalawa? Siya ang paniniwalaan ng lahat. Ako, kung magrarason ako roon lalo lang akong iinsultuhin. Siya dapat gumawa ng hakbang para sabihin sa kanila na mali ang paratang sa akin ng Trishang iyon eh pero wala. Pinalala pa, bagay nga silang dalawa,” inis kong saad. “Kalma ka lang girl,” ani Cel at natawa. Tumayo na siya at kumuha ng pagkain namin. Naghintay naman ako sa table namin. Napataas ang kilay ko nang umupo si Trisha sa kaharap kong upuan. “Ikaw, ikaw ang nasa likod ng dummy account na ‘yon,” aniya. “What dummy account?” tanong ko. Natawa naman siya nang pagak at pinanlisikan ako ng mata. “Alam ko na alam mo kung ano ang tinutukoy ko,” maldita niyang wika. “Alam mo naman pala eh, so what? Natatakot ka ba?” nakangiti kong sagot. Lalo pa siyang nangagalaiti sa akin. “Try me, Louisse. Try me,” banta niya. Nginitian ko naman siya. “Try me, Trisha. Sa susunod na sisiraan mo ako ulit hindi lang iyon ang ilalabas ko. Akala mo siguro ikaw lang ang puwedeng mamahiya sa ’kin. Tiniiis ko lahat ng pamamahiya mo, Trisha. Babalikan kita at sisiguraduhin kong mabubuang ka sa labis na kahihiyan kaya kung ako sa ’yo huwag mo akong kantiin. Huwag mong ubusin ang pasensiya ko at makikita mo,” sagot ko sa kaniya. Kaagad na natigilan naman siya at huminga nang malalim. “Fine, we have a deal. Isa lang ang gusto ko, titigilan kita basta titigilan mo na rin ang paglapit kay Daniel. He’s mine,” aniya. Nginitian ko naman siya. “Don’t give me conditions, Trisha. Sa ‘yong-sa ‘yo na si, Daniel. Ikaw lang naman ang naglalagay ng malisya sa aming dalawa. Kung pakiramdam mo ay threat ako sa inyong dalawa siya ang pagsabihan mo. Kailan mo ba ako nakitang nagkaroon ng interest sa kaniya? Pinipilit mo lang naman na inaaagaw ko siya sa ’yo kahit ang totoo wala naman akong gusto sa kaniya. Kaya sana lang, tigilan mo na ako at pagsabihan mo rin ang minions mo na tama na ang pagkakalat ng fake news tungkol sa ‘kin. Dahil sa susunod hinding-hindi ako magdadalawang-isip na ipagkalat ang scandal mo,” saad ko. “b***h!” aniya. Nginitian ko lang siya. “Kinanti mo eh,” sagot ko. Inirapan niya ako at umalis na. Dumating naman si Cel. “Ano ‘yon?” aniya. “Wala,” sagot ko. “Inaway ka ba?” tanong niya. Umiling naman ako. “Sure?” panganglaro niya. Tumango naman ako. “Praning ‘yon,” sagot ko lang. Tumawa naman siya. Matapos nga naming kumain ay pumunta na kami sa next subject. Hanggang sa maghapon ay hindi ko nakita si Leon. Nakakapanibago nga eh. Wala siya. Nagbigay lang siya ng seatwork na naman. “Sayang, nagpaganda pa naman ako,” wika ni Cel. Natawa lamang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD