Abot-langit ang tuwa ko habang nakatingin sa aking suot na itim na toga. Nakita ko nga si Papa na nakaupo sa itaas ng stage kasama ang mga honorable guests. “Congratulations girl,” bati ni Cel sa ‘kin at nagmamadaling bumalik sa upuan niya. Napailing na lamang ako. Kahit kailan talaga ‘tong babaeng ‘to eh. Nu’ng tinawag na ako para sa award ko ay sobrang kinakabahan ako na sobrang saya. Para akong nililipad sa alapaap. Kita ko pa ang pagngiti nang malapad ni papa. Sobrang saya ko at nakikita ko siyang sobrang proud sa akin. Bilang anak wala na akong ibang mahihiling pa kung hindi ang matupad ang pangarap niya sa akin. “Louisse Rhea M. Habana, Magna c*m Laude,” wika ng emcee. Pumunta na ako sa gitna at napangiti. Naiiyak ako pero pinipigilan ko lang. Si papa kasi habang isinusuot sa aki

