Hindi na kami nagpahatid pa kay Leon at Simon dahil tumawag na si Cel ng taxi. Mapapatay ako ng papa ko kapag nakita niyang kasama ko si Leon. “Girl, okay ka lang ba?” tanong niya sa ‘kin. Nilingon ko naman siya at tinanguan. “Ito ang gawin mo para hindi ka mapansin. Tiisin mo ang sakit at hayaan mo hanggang sa makapasok ka na ng kuwarto mo,” aniya. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Napatingin ako sa labas nang kumulog. Ilang saglit nga ay umulan na. “Ay! Sabi sa balita kanina ay maaraw ah. Bakit kaya umulan? Epekto na ba ‘to ng climate change?” saad ni Cel. Napailing naman ako at natawa sa sinabi niya. Ilang minuto pa nga ay nakarating na kami sa bahay. Inuna akong ihatid ni Cel at mapapatay raw siya ni Leon kapag iniwan akong mag-isa sa taxi. “Una na ako,” saad ko at mabili

