“Louisse?” Ramdam ko ang mahinnag pahtapik ng kamay sa mukha ko. “Louisse,” aniya ulit. Naimulat ko ang aking mata at nakita ang nakangiting mukha ni Cel. Nanlaki ang mata ko at mabilis na bumangon. Napatingin ako sa paligid at wala na si Leon. Halos habol ko ang aking hininga sa sobrang kaba. Tiningnan ko siya at kunot ang noo sa akin. Napapikit ako at huminga nang malalim. “Girl, ano ‘yon? Bakit parang takot na takot ka? Binangungot ka?” usisa niya. Napalunok ako at alanganing tumango. Kahit ang totoo ay natakot ako at baka nakita niya kaming magkatabi ni Leon. “Ang sarap siguro ng tulog mo. Tara sa labas, magdala ka na rin ng mga gamit mo at pupunta tayo sa batis ngayon. Saktong alas-singko ng umaga para hindi nakakapagod maglakad,” wika niya. Tumango naman ako at inayos na ang

