“Louisse halika!” tawag sa ‘kin ni Cel. Napakamot naman ako sa ulo ko at umiling. “Mamaya na,” sagot ko. Kasalukuyan siyang nagtatampisaw at talaga namang tinutukso akong pumunta. Pero nakakahiya naman kasi kung susunod ako sa kaniya tapos nagluluto sila ng breakfast namin. Tumulong na lang din muna ako. May ginawang maliit na mesa ang tour guide kanina kaya may paglalagyan kami ng mga dala namin. Nakatayo na rin naman ang mga tent namin kaya pagkain na lang talaga. Mag-e-enjoy rin ako mamaya. Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanila na nagtatawanan. Nagtampisaw na rin kasi ang mga kaibigan ni Ate Cristina maliban kay Charles at Leon na nakaupo lang sa gilid at kanina pa nakasunod ang tingin sa ‘kin. “Let me help,” ani Charles. Ngumiti naman ako at tumango. Tinulungan niya akong

