Kumakain kami at magkasalo kami ni Cel. Nagtutuksuhan pa sila nangingiti lang din ako. “Louisse, mukhang gusto ka yata ni, Charles ah. Charles, crush mo ba si, Louisse?” tanong ni Jonas. Natigilan naman ako sa sinabi niya. “H-huh?” alanganin kong saad. Napatingin ako kay Cel na pigil na pigil ang tawa. “Mukhang may mag-aaway mamaya,” bulong niya sa ‘kin. “Stop it, Jonas! You’re embarrassing her,” saway ni Charles at nginitian lang ako. Lalo naman kaming tinukso. “Sabi na nga ba eh,” sambit ni Tyler. “f**k!” malutong na mura ni Leon. Napatingin naman kami sa kaniya. “What happened?” nag-aalalang tanong ni Ate Cristina. Magkatabi silang dalawa. Kinalma ko naman ang sarili ko at tiningnan si Cel na nakatingin lang din pala sa ‘kin. “Bakit?” tanong ko. Umiling naman siya. “Ju

