Chapter 3

1379 Words
Malalim lang ang pinagiisip ko buong klase ay nakatitig lang ako sa labas ng bintana. Ni hindi ko na masundan ang pinagsasasabi ng prof. Hanggang ngayon ay iniisip ko padin ang pares ng mga matang nakita ko sa party na iyon. Kailan ko kaya ulit makikita ang mga matang yon. Nakakapaso pero ang sarap titigan ng titigan. Na pag tinititigan mo ay parang doon nalang tumatakbo ang isipan mo at napapako ang buong atensyon mo doon. Ni hindi ko na nga naisip ang pag bubunganga ni mommy sa kotse nung makauwi kami dahil sa mga matang hindi ko maalis sa aking isipan. "Avery Blaire Milana Silva. Nakikinig ka ba?" Pang aagaw ni Adina sa atensyon ko. Inalog alog pa niya ang magkabilang balikat ko na nagpabalik saakin sa katinuan. "Uh.. ano nga ulit yon?" "Hindi ka nga nakikinig. Ang sabi ko wala na daw klase hanggang mamaya dahil sa preparation para sa festival. Kaya tara na sa canteen para naman makapunta na tayo—" Hindi pa niya natatapos ang sasabihin niya ay dali dali na akong tumayo at inimis ang gamit ko. Wala nang klase kaya ibig sabihin ay mapapahaba ang tambay ko sa library. Mattapos ko na din sawakas ang babasahin kong libro. "Hoy teka sabi ko punta tayong canteen" Pagsunod saakin ni Adina "Mamaya nalang Adina mauna kana pupunta lang ako library." kumaway kaway ako sakanya at hindi na pinakinggang ang mga sinasabi nito. Sorry Adina. Kailangan ko lang tapusin ito. Sobrang saya ko na nag tatatalon pa ako habang naglalakad papuntang library. Hindi ko na alintana ang mga matang nakatingin saakin. Hindi ko na din iyon papansinin dahil hindi naman ang mga mata nila ang hinahanap ko. Nang makapasok ako sa library ay tahimik ako naglakad sa may bandang likod. Maliit lamang ang library dito sa highschool building. Balita ko sa college building ay malaki. I can't wait na maging college ako at tumambay sa library ng college building. Sinimulan ko ang paghahalungkat ng librong itinago ko sa may bandang dulo ng shelf. Sa paghahanap ko ay may nakita akong pares ng mga matang nagpakilabot saakin. Ito yung mga matang nagpapagulo ng buong sistema ko. Napasinghap ako ng tuluyan nagtama ang aming mga mata. Agad akong nag panic at nalaglag pa ang mga librong nandoon sa may shelf. Ng dahil sa boses na umalingaw ngaw. "Bro.. why are you here?" hindi pamilyar ang boses ng lalaking nag sasalita. Napaupo na ako at mas nagtago sa pinaka ilalim ng shelf para hindi nila ako makita. "I was just looking for... something." "Ha ano yon?" takang tanong ng lalaking kasama niya. Kaibigan niya ata. "Wala nosy.." "What took you guys so long.. kanina pang naghihintay si haze." sigaw ng isang lalaki "For f*****g sake, lower down your voice Silas." suway naman ng isang boses ng lalaki. Pagtantsa ko ay apat ata silang magkakasama. Hindi ko lang nakita ang kabuuan nila. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa ng libro ko. May isng oras din ata akong nagbabasa. Ng matapos ko ang binabasa kong libro ay tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at nakita ang pangalan ni Star.. Adinah star kasi ang naka phone book saakin. "Hello Blaire, nasaan ka? tapos kanaman na siguro magbas ano?" tugon nito s kabilang linya. "Oo Adinah, Bakit?" "Halika na dito mag ikot tayo ng kaunting booths habang hindi pa masyadong crowded!" "Sige I'm on my way." Tumayo ako at pinagpagan ang palda ko. Medyo naalikabukan na din kasi ito dahil lumupagi ako sa sahig para ang makapag basa ng libro. Tinahak ko ang papuntang festival booths. Nakita ko naman agad si Adina na nawiwiling bumili ng kung anu-ano sa mga booths. "Blaire! Halika dali tingnan mo ang gaganda ng mga bracelets, tapos meron pang mga anklets. Tapos alam mo ba sakabilang booths may nagbebenta ng mga libro!" "Tara bili tayo ng madami, Adinah!" lumiwanag agad ang mga mata ko. Parang bata kong aya skanya. Gusto kong mag hoard noon. Ngunit ng maalala ang galit na muka ni mommy ay nalukot agad ang expression ko. Gayon din si Adina. "Uh.. siguro tingnan nalang natin.." "Sige tingnan nalang natin." Malungkot kong sagot. Pumunta kami sa booths na punong puno ng mga libro. Hinawakan ko pa ang mga librong nagustuhan ko. Gusto ko silang bilhin at itambak sa kwarto ko kaso mapapagalitan ako ni mommy. Ayaw niya kasi na ganito ang inaatupag ko. Mas gusto niyang yung may matututunan. "We can buy them if you want. Tapos sa bahay nalang muna namin." suhestyon ni Adina. Okay naman sana kung ganoon kaso nakakahiya nadin dahil madami na din akong libro na itinambak sa bahay nila. "Hindi na Adina.. Saka okay lang ano kaba!" Umalis kaming dalawang bigo. Bumili nalang kami ng friendship bracelets at pumunta sa ibang mga booths. Ang iba pa dito ay mga sarado pa dahil inaayos pa ang mga ito. Hindi na din kami masyadong nag ikot at pumunta nalang sa may mga tusok tusok. Kain ng kain si Adina habang ako ay pinagmamasdan lang siya. Hindi ako kumakain ng tusok tusok hindi dahil sa ayoko. Kundi dahil sabi ni mommy ay wag ako kakain noon. Kahit nga ang paborito kong mga tinapay at strawberry cheesecake ay limitado din ako kainin dahil iniingatan niya ang figure ko. "Blaire wag mo kainin yan! masyadong matamis. Gusto mo bang masira ang ngipin mo?" Sigaw ni mommy ng makitang nagpapapak ako ng paborito kong strawberry cheese cake. Bakasyon noon nung sinimulan ni mommy na pag bawalan ako sa mga pagkain na kakainin ko. Lahat ng kakainin ko sa bahay noon ay kailangan munang apprubado niya. "Ayaw mo ba Blaire?" alok saakin ni Adina. "Hindi na Adina. Magpakabusog ka jan intayin nalang kita dito sa bench" binigyan ko siya ng tipid na ngiti. Agad agad naman tinigil ni Adina ang pagkain at tumabi saakin sa may bench. "I wonder bakit sobrang higpit sayo ni tita." Panimula niya. "E halatang hindi knaman tabain saka para kanang robot na di batterya sa ginagawa niya Blaire." "It's okay Adina.. Mommy knows what's right for me.." Ngumiti lang siya ng malungkot saakin. Alam naman kasi niya na ipagtatanggol ko lang si mommy sakanya. Ganoon naman palagi. Kahit may mga bagay na hindi magandang naggawa si mommy ayaw ko padin na magmumuka siyang masama. Dahil para saakin ginagawa lang niya ang tama. "Ganto nalang Blaire. Kung ayaw mo kumain ng street foods.. Let's just buy the book that you want. Kahit isa lang. Para may mabasa ka sa school.. Don't worry ako na mag uuwi non and dadalhin ko siya hanggat hindi mo pa natatapos. Just gift yourself a book. Masyado kanang mabait at masunuring anak." Tiningnn ko lang siya with disbelief eyes. Sobra akong natutuwa dahil may kaibigan akong katulad niya. Gaya ng napagkasunduan ay bumalik nga kami sa booth na may maraming libro para bilhin ang librong unang umagaw ng atensyon ko. Ngunit pagbalik namin doon ay laking gulat namin na sarado na ito. "Ha? bakit sarado agad?" nag tatakang tanong ni Adina. Tiningnan pa nito ang wrist watch niya para makumpirma. "Tara na Adina. Baka kasi uuwi na sila." "Hindi ang aga aga pa para mag sarado sila..." "Baka naman nag reready sila para bukas." Sagot ko. Hindi ako pinakinggan ni Adina at nag hila pa ng isang studyante na nakabantay kanina sa booth na ito. "Bakit sarado na kayo agad?" Takang tanong ni Adina. "Ahh.. may bumili na kasi ng libro namin. Lahat binili.. Sold out na kami.." Sagot ng lalaking studyante. Paling linga pa ito saaming dalawa ni Adina. "Bakit bibili ba kayo sana?" Tanong nito. "Ahh.. opo sana kaso you guys are sold out na." mahinhin kong sagot. Nahuli ko pa na nakatitig ang lalaki saakin at nginitian ito na agad na namula ang buong muka. "bi-binili na kasi ng lalaki lahat ano nga bang pangalan non kilala ko yon e sikat yon dito miss ganda—" Hindi pa nito natatapos ang sasabihin ng bigla siyang napatingin sa likudan ko. "Ah alis na pala ako" nagtataka kong nilingon ang tinitingna niya kanina ngunit wala naman akong nakita. Bakit bigla nalang yon umalis. "Halika na Adina.. Ayos lang kahit wala tayo nabiling libro." "Sayang lang kasi.. sino ba kasi yung lalaking bumili non. Kainis" Siguro mahilig din magbasa ng libro iyong lalaking yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD