Chapter 4

1759 Words
Maaga pumunta sa bahay si Adina para sunduin ako, saturday ngayon at araw ng festival. Nandito siya maagang maaga palang dahil alam niyang hindi ako papayagan ni mommy pumuntanh festival kung ako lang ang magpapaalam. "Adina.. ki-kinakabahan ako, wag mo nalang kaya ako ipagpaalam kay mom." pabalik balik na kami dito sa sala at nag tatalo kung paano sasabihin kay mommy n pupunta kaming school to attend festival. "Pero... sayang naman yung event, para saatin yon kaya mas maganda kung aattend tayo at makakapagsaya." "Alam mo namang ayaw ni mommy sa ganoon." malungkot kong sagot kay Adina. "Pero ilang festival na ba ang hindi mo na aattendan Blaire" sabi pa nito na walang tigil ang pagngungumbinsi saakin. Kung ako lang ang masusunod ay gusto ko naman talagang umattend ng Festival. Ang sya kaya noon. Ang daming pagkain, pasaya at kung ano ano pa. Pero kasi.. Alam kong hindi ako papayagan ni mommy. Mas gugustuhin pa noong manatili nalang ako dito sa bahay at humanap ng importnteng pagkakaabalahan. "Ayaw ko lang pilitin si Mommy, Adina. Baka magalit siya.. You know my Mom" malungkot kong tugon. Nagpalinga linga si Adina sa kabuuan ng bahay. Wala pa dito si Mommy sa sala dahil nagpaalam siya saamin kanina na pupunta sa labas to answer a phone call. "Subukan lang natin.. If tita doesn't want to, then I'll stay here with you." "Pero Adina—" Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang daliri nito dahilan para maitikom ang bibig ko at hindi na natuloy ang sasabihin. Ayaw ko naman na masira ang kasiyahan niya dahil lang sa hindi ako pinayagan ni Mommy. I know Adina mas prefer niya magsaya sa labas. Mas prefer niya makipag socialized. Ayaw ko na dahil saakin ay makukulong din siya dito sa bahay. Baka maboringan siya. "No buts! Sige na ako naman ang magsasalita e just stay here and let me talk to tita–" "Yes, Adina ano ang paguusapan natin?" nakataas na kilay na tanong ni mommy. "Ah-eh.. Tita, Gusto ko lang po sanang ipagpaalam si Blaire..." Hindi palang natatapos ni Adina ang sasabihin nito ay sinilip na ako nito sa likuran at tinaasan ng kilay. Nanatili akong nakatikom ang bibig, kinakabahan na ako sa ekspresyon ni mommy. Baka magalit siya. Lagot. "Gusto po sana namin umattend ng Festival sa school" pagpapatuloy pa ni Adina. Bakas sakanya ang kaba pero hindi na niya ito inalintana at pinagpatuloy ang sasabihin kay mommy. Sobrang desidido siya para maka attend ako ng Festival. Tumingin ng matagal saakin si mommy bago inilipat sakanya. Magsasalita na sana ako ng biglang dumating si Daddy. "Festival sounds fun huh?" nakangiti niyng sabi habang lumalapit sa likudan ni Mommy. Hinaplos pa nito ng bahagya ang siko ni Mommy. Nalihis naman ang atensyon ni Mommy doon. "Gusto mo bang pumunta, anak?" muling tanong ni daddy na nagpabalik saakin sa katinuan. "O-opo.. If you guys would allow me po.." dahan dahan kong bigkas. "Sure.. be home at 4 p.m" matigas na tugo ni mommy. Tiningnan ko ito na seryosong nakatitig saakin nilapitan ko si mommy at niyakap. "Thank you mom.." sobrang saya ko! first time ko to at susulitin ko ito. Binalingan ko naman ng tingin si daddy na ang lapad lapad ng ngiti. Nagpaalam naman na umalis si mom and dad kaya naiwan kami dito ni sa sala ni Adina at naghagikhikan. Tumaas na din ako ng kwarto at nagpalit ng damit. Niready iyon ni Manang Esmeralda. Ng makarating kami sa festival ay so rang saya ko. Sobrang daming tao, bakas na din sa muka ni Adina na sobrang sayaw. Nagtatalon kami parehas papasok sa school at nilibot isa isa ang booth. "Sobrang saya ko!!! buti pumayag si tita." Sigaw pa nito dahil hindi kami magkarinigan sa sobrang ingay ng paligid. May live band din at malapit kami sa speaker. "May curfew nga lang, pero sobrang saya ko din!!" I also scream, parang mapapaos ako s pag sigaw sa may tenga niya. "Whoo!! Ang saya saya!!!" Hindi ko mapigilan magtatatalon dahil sa saya. Ng mapagod kami ni Adina ay napagdesisyonan namin umupo sa may tabi ng booth ng horror house. Balak niya pumasok pero ayoko naman. "Pasok na tayo sige na.." "Ayoko talaga Adina, I'm scared. I'll just wait for you here" "Sige na pleaseee.. pretty please. Sayang naman itong dalawang ticket na binili ko." pagmamakaawa pa nito. Ayoko talaga! I know that they are real people na nagpapanggap lang na multo pero natatakot padin ako sa mga itsura nila. Hihilahin na sana niya ako ng biglang napaawang ang bibig niya. Nakakapag taka din talaga tong babaeng ito bigla bigla nalang napapanganga ng wala sa oras. "Omy gosh they're here!" tili ng isang babae na nakapili para sa horror house "Omg!" impit na sigaw din ni Adina "Fine, if you don't want to just wait for me here. Papasok ata sa horror house yung crush ko. It's my time to shine!" "Huh?" Takang taka kong tiningnan si Adina na lumapit sa isang matangkad na lalaki. Nakatalikod kasi ito kaya hindi ko makita ang itsura. May kasama pa siyang apat na lalaking mukang papasok din ng horror house. Hindi ko nalang inabala ang mga iyon at naghanap ng mauupuan dito sa gilid. Pwede na siguro dito. Kitang kita ko din si Adina dito pag nakalabas na siya dahil gilid ito ng exit. Tahimik lang ako nakaupo at umiinom ng strawberry drink na binili namin kanina. I love strawberry kahit ito lang ata ang kainin ko buong araw ay ayos na saakin. Kaso limitado din akong uminom ng ganito s bahay dahil masyado daw matamis. Maggalit si mommy. Rinig ko ang hiyawan sa loob. Isa din iyan sa dahilan kung bakit ayaw ko na pumasok sa loob dahil baka mas malakas pa ang tili ko sa mga iyan. Nasa kalagitnan ako ng pag iimagine ng kung ano ang nangyayare sa loob ay may biglang tumikhim sa aking likuran. "Ehem!" tikhim ng lalaki sa king likuran napabalikwas ako at dali dali itong nilingon. Naka cap na black ito at naka plain black tshirt. "Did I scare you?" He asked. I fake smile and knod. Kahit gustong gusto kong sabihin na lalabas na muntikan na atang tumalon ang puso palabas sa katawan ko. "Uh.. I just wanted to gave you this.." Inilahad niya saakin ang pamilyar na libro. Namilog ang aking mata sa sibrang gulat. Ito yung libro na dapat bibilhin namin ni Adina kaso pagbalik namin ay may iba na daw nakabili. Buti nabili niya ito, e balita ko inubos daw ng isang lalaki ang lahat ng libro. "Uh.. thank you.." I smiled sweetly. Tatayo palamang ako at lalapitan siya ay lumayo na ito. "Wait.." sigaw ko pero dirediretso padin ang hakbang nito. Hindi ko na naabutan ang alaking nag abot ng libro saakin dahil dumating din naman si Adina. Ni hindi ko manlang natanong ang pangalan niya para sana makapag thank you ng maayos. Sayang! Hindi panaman sana sobrang dilim pero dahil sa pwinestuhan ko kanina ay hindi ko talaga makita ang muka niya. "Sayang naman at hindi mo nakilala kung sino yon." Palaisipan pa din saakin ang lalaking nag abot ng libro. "Hayaan mo na nga yon. Anyways how's horror house, Adina? nakita kitang pumasok kasama ang crush mo." May panunuya na ngayon saaking ngiti. Kitang kita ko naman ang pamumula ng pisngi ni Adina. "I think we have a progress!" Sabay kaming napatili dalawa. Natigil lamang iyon ng nag vibrate abg cellphone ko. It was my driver sabi ko kasi ay tawagan niya ako ng 30 minutes before my curfew. Para makauwi agad ako at hindi na maulit yung paglabag ko sa batas ni mommy. "Adina, I have to go" natataranta kong paalam sakanya. "What? s 3:30 panaman." "It's better if makauwi ako sa bahay ng maaga." She just knod at hinatid pa ako sa parking kung nasaan ang driver ko. Mamaya pa siya uuwi dahil manonood pa daw siya fire works. Susunduin nalang din daw siya ng family driver niya. Ng makadating ako ng bahay ay agad agad akong pumasok 20 minutes lang naman ang travel from school to our house or vice versa. Sobrang lucky ko pa dahil hindi traffic. Dirediretso ang pagpasok ko sa bahay ng maalala ang librong hawak ko. Omay! Iti yung librong bigay nung lalaki saakin kanina. And worst It's a romance book. Pag nakita ito ni mommy ay magagalit iyon. Hinakbang ko agad ng aking paa pataas ng hagdanan. Ng makaabot ako sa taas ay lumingalinga pa ako to check if wala ba si mommy doon. "Kakadating mo palang ba?" Ang boses na iyon ang nagpakaba saakin. It was mommy. "O-opo. " dahan dahan ko itong nilingon. Naabutan ko ang lukot n ekspresyon nito. Dumirekta agad ang tingin ni mommy sa kabuuan ko at pababa sa hawak hawak kong libro. "What's this?" hinablot ni mommy sa kamay ko ang librong binigay ng lalaki saakin. "I said what's this!" sigaw ni mommy "Li-libro po.." Nauutal utal kong sagot. Nagbabadya nanaman ang mga luha saaking mga mata. "Alam kong libro ito. Pero di ba kabilin bilin ko, ayaw na ayaw kitang makikitang nagbabasa nito!" Sabay bato ni mommy ng libro saaking muka. "At inuwi mo pa talaga sa pamamahay ko! Ganyan ka na ba katigas para suwayin ang mga utos ko.. Ha! Avery Blaire Milana!" Sa sobrang lakas ng bato ni mommy saakin ng libro at sa lakas ng sigaw niya ay hindi ko na napigilan tumulo ang mga luha ko. Nagpapaligsahan na ang mga ito at hindi ko na mapigilang mapahikbi. "Sorry mommy.. Bi-binigay lang po iyan saakin.." Nakita ko pa si Manang Esmeralda na pataas ng hagdan at dali dali akong dinaluhan. "At tinanggap mo.. I told you once na ayaw kong makikita kang nagbabasa ng ganyan! Ano bang natutunan mo jan ha!! Lagi mo nalang ako binibigyan ng sakit sa ulo manang mana ka sa malanding—" Hindi na naituloy ni mommy ang sasbihin niya. "Manang Esmeralda take that book away out of my house! at ikaw go to your room! May bisita ako bukas at ayaw ko ng sakit sa ulo kaya hindi ka lalabas ng kwarto mo." Tinalukuran na kami ni mommy. Kinuha ni Manang Esmeralda ang libro at bumaba na sa hagdanan. Hindi ko alam kung san niya iyon dadalhin. Ako naman ay pumasok sa aking silid at umiyak. Galit nanaman saakin si Mommy. Feeling ko ay na disappoint ko nanaman siya. I hug shaggy so tight at umiyak ng umiyak buong gabi. Bakit ba lagi nalang ganito. Tinatry ko maging mabuting anak pero parang hindi pa din iyon sapat para kay mommy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD