I was grounded once again. Wala naman din akong ginagawang mga outside activities. Depende nalang pag sinabi ni mommy na umattend ako ng ballet class or ano mang kailangan gawin outside. Bihira lang iyon dahil madalas na ineenrolled saakin ni mommy ay pang home activity lang.
Unti unti din kinukuha ni manang ang mga gadgets ko. Hindi ko na din nareplyan si Adina dahil kaiiyak ko kagabi. Ngayon naman na balak kong mag text back ay pinapakuha naman iyon ni mommy.
"Kumain ka na Milana.. tawagan mo nalang ako sa teleponong konektado sa kitchen if may kailangan ka." Meron akong built in na telepono na konektado sa kitchen at sa kwarto nila Manang Esmeralda. Dahil hindi talaga ako nakakalabas ng kwarto kapag grounded ako.
"Thanks po Manang.."
"May bisita ang Mommy mo mamaya, baka ay sobrang busy namin. Pag hindi ko nasagot ang tawag mo intayin mo nalang ako dito sa taas ha." malumanay na sabi ni Manang Esmeralda.
Gaya nga ng sabi ni mommy ay may mga bisita itong paparating. Ayon kay manang ay puro lang naman daw kababaihan dahil mag bobonding lang daw naman ito. Pero alam kong meron padin pasimpleng pagkakasunduan about sa negosyo.
"Mukang mga importanteng mga tao nga ang dadating ngayon dahil abalang abala na sila doon sa baba." Pagpapatuloy ni manang habang inaayos ang susuotin kong damit. Kakaligo ko pa lang kasi. At kahit hindi ako pwedeng lumabas ay gusto pa din ni mommy na laging maayos ang magiging itsura ko.
Dahil may mga oras din na bigla niya ako tinatawag para ipakilala sa mga tao. Minsan nga pag may bisita siya ay mas gugustuhin ko nalang na grounded ako. Nahihiya din kasi ako na makipag socialized sakanila.
"Sino sino po ba sila manang?" tanong ko
"Ah sabi sakin ni Ma'am ay mga high profile na pamilya daw. Si Mrs. Cortez, Mrs. Vasquez, Mrs. Cordova, Mrs. Blacnaver, Mrs. Buenaventura at Mrs. Sevastianos daw." Hindi pamilyar saakin ang ibang mga apelyidong iyon dahil ang mga Cortez palang naman ang nakakasalamuha ko. "Pero si Mrs. Sevastianos daw ay hindi pa sigurado dahil madami pa daw itong ginagawa." Pagpapatuloy pa nito.
Ng matapos si Manang sa pag aayos sa kwarto ko at pag tulong saakin s pag aayos sa sarili ay pumunta na din naman ito sa baba. Dinig ko na ang busina ng mga kotse na nagpaparking sa malawak naming labas ng bahay. Sumilip ako sa may terrace at bumalik din naman sa kwarto. Doon ako tatambay mamaya pag nagsawa ako kanonood ng disney movies.
Minsan ay tinatapat ko ang aking tenga s may pintuan ko dahil nadidinig ko ang tawanan nila sa baba. Sobrang hinhin nilang lahat tumawa halatang mga sofistikada.
Kumalam ang sikmura ko dahil sa gutom. Ilang oras na din kasi ako nanonood ng disney movies at nagugutom na ako. Tumawag ako sa linya na konektado sa kusina. Ring lang ito ng ring. Ang tagal naman sumagot ni manang.
Ibababa ko na sana ito ng madinig na mukang may sumagot na dito.
"Hello po, Manang Esmeralda?" hindi ito sumasagot nakailang hello pa ako dahil hindi sumasagot si Manang. Hindi ba niya ako nadidnig?
Chineck ko pa ito kung may sumagot nga. Muka namang meron dahil dinig ko sa telepono ang halakhakan ng mga babaeng nag uusap.
"Manang? Hello? Hindi nyo po ba ako madinig? I just wanted to ask for a glass of water and food na din po sana.. I'm starving po.. Sorry po at iniuutos ko pa.. Alam niyo naman po si mommy magagalit po iyon pag sinuway ko ang utos niya at bumaba ako diyan." Ang haba na ng sinabi ko pero hindi pa din sumasagot si Manang? muka naman siya nakikinig dahil may nadidinig akong buntong hininga. Hindi kaya? minumulto ako.
"Minumulto na ba ako? O gosh! Manang please don't scare me po.. hello.."
"Ay sir! nandito po pala kayo hinahanap po kayo sa loob." Sabi ng pamilyar na boses s kabilang linya Sir? sinong sir? So hindi si manang ang sumagot?
Napatakip ako ng bibig. Hindi kaya may ibang sumagot na tawag? baka anak ng isa sa mga babeng bisita ni mommy.
"Ma'am? hello tumawag po pala kayo?" takang tanong ni Manang Esmeralda
"Ah opo.. may iba po atang nakasagot"
"Ay opo manang sinagot po ng isang anak ng bisita ng mommy mo po. May kailangan po ba kayo?" Sinabi ko na lang na magpapahatid ako ng pagkain sa taas. Hindi ko na tinanong kung sino iyon. Tumambay ako sa may terrace kinagabihan. Mukang mamaya mamaya ay pauwi na din ang mga bisita ni mommy.
I was wearing my sleep wear already. Nakasando ako at naka printed pajama. It was a bunny printed pajama. Kasama ko si shaggy palabas at pinatong ito sa table. Suot ko din ang indoor slippers ko na kamuka ni shaggy. Ipinatong ko ang magkabilang siko ko sa railings ng aking terrace. Hinayaan ko naman ang tuwid at mahaba kong buhok na lipadin ng hangin. Pumikit ako para damhin ang hangin na humahaplos sa aking buong katawan.
May iilan pang mga ibon na nagliliparan. Parang naghahanap sila ng punong dadapuan upang doon makapagpalipas ng gabi. Iminulat ko ang aking mata at iginala sa paligid. Sa di kalayuan ay natanaw ko ang mga misteryosong mata na nagpapagulo ng aking sistema. Ang mga matang hinahanap hanap ko s nag adaang araw.
Kinusuot kusot ko pa ang aking mga mata para makumpirma kung naghahalusinasyon lang ba ako o tama ang nakikita ko. Pag tingin ko sa direksyon na aking tinitingnan kanina ay wala na ang mga matang iyon.
"Omy! Masama na ito Blaire..." Dali dli ko kinuha si shaggy sa lamesa at pumasok sa loob ng kwarto. Baka nababaliw na ako!
"Blaire" Si mommy na nakatayo na sa may pintuan.
"Mommy..Ba-bakit po?"
"Magpalit ka ng damit mo at bumaba saglit. Bilisan mo"
Agad agad kong sinunod si mommy nagpalit ako ng damit at agad agad na bumaba.
"You're here, Ija!" salubong saakin ng isang magandang babae na kaedad ni mommy her aura screams class. Napakalambot ng features niya. Sobrang ganda. Medyo pamilyar ito saakin dahil nakita ko na ito sa party, tama sa party ng mga Cortez.
"Oh.. that must be Stella's daughter." wika ng isa pang babae. Nagsilapitan na silang lahat at pinalibutan ako.
"Good evening po.."
"Blaire this is your tita Adriana Vasquez" siya iyong pamilyar na babae na nameet ko na din sa party ni Mrs. Cortez. Siya din ang sumalubong saakin kanina. She smiled sweetly at hinila ako papalapit sakanya. She hugged me tightly.
"You're so beautiful.." bulong nito saakin.
"This is your tita Daniela Cordova" kumaway naman saakin si tita Daniela. She has this eyes na nakakasindak. Pero napaka ganda padin niya. "This is your tita Alyssa Blancaver and lastly your tita Calista Buenaventura. They are my friends.." They all waved at me sobrang babait nilang lahat. Pabalik balik lang ang tingin ko sakanilang lahat nakakalula ang mga ganda nila. Ang suswerte ng mga asawa nila.
"Sayang at mukang may important matter si Elora.." Malungkot na wika ni tita Alyssa.
"I heard tuluyan na silang nag kaproblema ni Thiago ngayon.." si Mrs. Cortez.
"It must been though for her." Tita Adriana said. Ano kayang nangyare sa family nila. I'm not nosy! nakakapagtaka lang talaga.
"I can't believe this would happen. Their companies has been the biggest empire when the two most influential family merge. Pero nasira lang ng ganon ganon lang. If I where her I would completely destroy that home wrecker." May diin sa bawat salitang binibitawan ni mommy. Pasimple pa siyang napatingin saakin. Napakatalim noon kaya umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain. Baka kaya nagkaganon ang tingin saakin ni mommy dahil masama ang makinig sa usapan ng matatanda.
"Elora can stand on her own and I am very sure na it's Thiago's lost not her." Tita Daniela said.
Natapos din naman ang pag uusap nila kaya umalis na sila. I waved my hands at them sweetly. Mom signaled me to go upstairs.