Chapter 6

1957 Words
"Kainis talaga yung lalaking yon napaka suplado!" Nagmamaktol nanaman dito sa Adina sa tabi ko. Kadadating lang niya dito sa class room. Hindi ko alam kung saan ito nag susuot. "What happen? at bakit ngayon kalang?" I ask her. She's still frowning. "Galing ako sa class room ng crush ko." Ang layo noon ah? sa 4th year building yon e second year kami. Ang sipag naman ng babaeng ito. "What did you do there?" "Duhh! nagpapansin syempre.. Kaso napaka sungit! kung hindi lang talaga siya gagraduate hindi na ako mag hahabol! arghh!!" hindi ko nalang pinagpapapansin masyado si Adina. Ganyan naman yan palagi hindi ko nga alam bakit kami magkaibigan niyan e. Kung ako sobrang tahimik ko siya naman itong napaka ingay. Wala naman na kami masyadong ginagawa sa school. Tapos na ang mga klase namin completion nalang talaga ng mga requirements at pwede na mag bakasyon. Madami ang sobrang excited for summer but in my case.. hindi ako natutuwa. Summer means being in jail. Makakalabas lang ako kung kasama sila mommy or daddy. Pwede naman mag isa ako lumabas basta ay utos ni mommy or may importante akong bagay na kailangan trabahuhin sa labas. Kung wala I should stay in our house. "What will you do after this Blaire?" "Ako? Siguro mommy would enroll me for another piano lesson, o kaya balley, o baka naman mag hire ng bagong tutor." I smiled at her bitterly. Napangiwi naman si Adina sa pinagsasasabi ko. "Ang boring talaga ng mga pakulo ni tita!" "I have no choice, It was what my mommy wants." I said "Saka hindi naman yon boring ha. If you loved what your doing it would never be boring." paliwanag ko pa. "The question is.. Love mo ba ginagawa mo? gusto mo ba talaga o gusto ni tita?" tinaasan niya ako ng kilay. I don't know what I like anymore. I always depend sa iuutos ni mommy. Ni pag pili ng favorite color ko hindi ko na alam. Kahit nga damit na susuotin hindi ako ang pumipili. Ang tanging nagagawa ko lang ay sumunod. Dahil ganon naman talaga dapat ang mga anak diba. Kailangan sumunod sa mga magulang. Dumating din ang araw ng commencement namin. First honor ulit ako ngayong 2nd year. Si Manang Esmeralda ang kasama ko ngayon na tumanggap ng award. Hahabol lang daw kasi sila mommy dahil busy pa ang mga ito. Ng matapos ang program ay agad ako dinaluhan ni Adina, kasama na niya ngayon ang parents niya. Kitang kita ko ang lawak ng mga ngiti ng parents ni Adina. Tita Adelle and Tito George greeted me. "Wow, Congratulations Blaire.. First honor kananaman!" Tita Adelle said. She even pinched my nose "Oo nga, I'm sure you're mom and dad would be so proud of you.. E ito ngang si Adina nalaman lang namin na may certificate ba marereceived talagang cinancel ko lahat ng meeting ko." Masayang masayang sabi ni tito. Napaisip ako doon, medyo nainggit din. Hindi ko naman kinukumpara ang achievements namin ni Adina dahil proud din talaga ako sa certificate na nakuha niya ngayon kahit special award yon. Pero naiinggit lang ako sa fact na kayang ipagpaliban ng mom and dad niya ang work para dito. "Nako sir, tuwang tuwa din po ang daddy ni Milana.. pati na din si ma'am nakakaproud naman po kasi talaga ang alaga ko." Singit ni Manang Esmeralda. Siya nakakasama ko lagi sa mga ganito. Pag graduation naman ay umaattend sila mommy pero nakatutok naman sa trabaho nila. "Ahh... Dad pwede excuse muna kaming dlawa ni Blaire, may pupuntahan lang kami saglit" paghigit ni Adina sa palapulsuhan ko. "Where are we going?" I whispered. "Basta.." bulong din nito. "Mga batang ito talaga.." napahagikhik si tita pabalik balik naman ang tingin ko kay tita, kay Adina at kay Manang. "Manang saglit lang kami promise!" pag tataas pa ng kamay ni Adina. "Nako bata ka, sige ha pero bumalik din kayo agad baka mapagalitan kami ni Blaire ng mommy niya.." Sigaw ni manang, ang layo na kasi namin sakanila dahil tumakbo si Adina habang hila hila ang palapulsuhan ko. Pagod na pagod akong tumigil sa pag takbo ng makadating kami sa tapat ng pinag programan namin kanina. May program ata ulit nan nangyayare dahil nadidinig ko dito sa labas ang tunog na nanggagaling sa loob. "What are we going to do here?" I ask "Saglit papasok tayo..." panghihila pa niya muli sa palapulsuhan ko. "Huh? pwede ba? " nagtataka kong tanong alam ko ay kailangan may ticket ka para makapasok ka dito. "Oo pwede.. saglit lang naman e may sisilipin lang ako." Muli niya akong hinila hindi na ako nag pumiglas pa para makabalik din kami kung nasaan sila Manang. Baka mamaya ay mapagalitan din si manang pag hindi ako nakabalik agad. "Bawal kayo dito.. nag sisimula na ang program sa loob." matigas na sabi ng guard. "Sisilip lang naman po kami" pangangatuwiran ni Adina, palinga linga pa ito at hindi pinagtutuunan ng pansin ang guard. "Bawal nga!" hinarangan pa ng guard ang mga mata bi Adina para tumigil ito kakasilip sa loob. "Uh aalis na po kami, thank you po at pasensya na sa abala—" "Girlfriend ako ni Haze Sevastianos!" Namilog ang mata ko.. sino naman kaya iyong tinutukoy ng babaeng ito. "Talaga? e lahat naman ata girlfriend noon. Ang daming nagsasbi na girlfriend daw sila ni Sir Haze pero hindi naman." Laglag ang panga naming dalawa ni Adina sa sinabi ni Manong guard. May sasabihin pa sana ito ng tinakpan ko ang bunganga nito. Sobrang daldal panaman ng bunganga nito kaya mas magandang tinatakpan nalang. Nagpatangay naman siya saakin ng hilahin ko siya. "We have to go.. Baka hinahanap ka na ng mommy mo.." malumanay kong sabi sakanya. "Mauna kana Blaire saglit lang to promise, I need to go inside." "Pero hindi kita pwedeng iwan dito Adina.." "Ayos lang Blaire saka baka mapagalitan ka ni tit mauna kana.." Hinawakan pa niya ang magkabilang braso ko at hinaplos. Tumango nalang ako at nginitian ito. "Ikaw ha.. may hindi ka na sinasabi saakin." nag panggap pa ako nagtatampo kahit hindi naman. Hindi ko ata kaya mag tampo kay Adina. "Boyfriend mo ba talaga yung nasa loob?" Imbis na sagutin ang tanong ko ay isang malakas na hagalpak ng tawa ang nadinig ko mula sakanya. "Bakit ka natatawa?" Tanong ko. Hindi na kasi siya mapakali katatawa. Pulang pula na nga siya katatawa niya at hinahampas pa ang braso ko. Ang sakit kaya. "Coz you're funny!" sabi nito hindi wala din natigil katatawa, bakit ngaba kami nagkasundo nito. "But I'm not even joking" I answered "It seems like you are.." Hinaplos pa niy ng bahagya ang kaniyang magkabilang braso. At kinumpustura ang sarili bago lumingon saakin. "We are not in a relationship, okay? Sinabi ko lang yon para papasukin tayo.." "Ha? Bakit?"Bakas saaking muka ang pagtataka, tinititgan lang niya ako at parang ano mang oras ay hahagalpak nanaman siya ng tawa. "Long story short, their family has big influence. As in big.. sinabi ko lang yon para papasukin ako na baka pag nadinig ng guard ang apelyidong Sevastianos ay papasukin ako." Sevastianos? Parang familiar! Saan ko nga ba nadinig ang family surname na iyon. "Turns out madami pala ang gumagawa non. Saka isa pa, that guy don't do girlfriends.." Kibit balikat pa nitong sabi. "You know what.. tara nalang bumalik doon." Aya ko sakanya sa halip na sumama saakin ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at itinalikod ako sakanya bahagya niya akong tinulak palayo sakanya. "Alam kong masunurin ka kaya sige na mauna kana byeee!" Nilingon ko siya na kumakaway kaway pa saakin. Bahala na nga siya malaki na si Adina. "Ouch!" Habang naglalakad ako papunta kela manang ay aksidente akong natapilok dahil sa maliliit na batong aking natapakan. Tiningnan ko ang aking tuhod at nakitang may gasgas ito. Nakadress lang kasi ako kaya madali itong nagasgasan. Tatayo na sana ako ng may biglang naglahad ng kamay saaking harapan. Tiningala ko ang pinanggagalingan iyon at nakita ang imahe ng isang babae. Nakangiti siya saakin ng matamis. Sa aking estima ay kaedad lang ata ito ni mommy. Mahaba ang buhok at tuwid. Maputi at mala anghel ang muka. Ang kanyang labi ay natural na namumula mula gayon na din ang kanyang pisngi. Inabot ko ang kamay niya at tuluyan nang nakatayo. Pinagpagan niya ang laylayan ng dress ko at tiningnan ang sugat na natamo ko. It was just a scratch pero kita ko ang mga mata niyang puno ng pagaalala. "Are you okay? May iba pa bang masakit sayo?" malambing nitong tanong sinusyod ng bawat katawan ko "How about your legs?" "O-opo.. Ayos lang po ako. Thanks" Huminahon din naman ang kanyang ekspresyon ng sagutin ko siya. Hindi padin maalis ang titig niya saaking muka na parang kinakabisado ang bawat sulok nito. "Congrats.." Halos pabulong na iyon. Pero hindi pa din ito nakatakas saaking pandinig. "Thank you po.. Ahh.. may anak din po ba kayong nag aaral dito?" tanong ko para mawala kahit papaano ang awkwardness sa aming pagitan. Nahihiya na kasi ako katitig niya saakin. "Me-meron.." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napakabait kasi niya saakin tinulungan pa niya akong makatayo. Dito din pala nag aaral ang anak niya. "Talaga po? sobrang proud niyo po siguro at may award ang anak nyo.." Nakangiti kong sabi sakanya pansin ko ang nakaawang niyang mga labi. Ng mapansing nakatitig ako sakanya ay nag iwas ito ng tingin. Sino kaya iyong anak niya dito? siguro maganda din. Ang ganda kasi niya sa paningin ko. Napaka amo ng muka. "Sobra pa sa sobra.. kung pwede ko lang siya yakapin para maiparating na sobrang proud ako sakanya.." Malungkot nitong tugon. "Ha? bakit po.. E anak niyo po yon kaya pwede nyo po siyang yakapin." Nagtataka kong tanong. Siguro ay hindi lang talaga sila showy sa isat isa pero sino bang anak ang ayaw mayakap ng sarili nilang ina. At sino bang ina ang ayaw mayakap ng anak nito. Sabagay kami nga ni mommy hindi din talaga affectionate sa isa't isa. Pero kung bibigyan ako ng chance yayakapin ko mahigpit si mommy. Super busy kasi nila ni dad kaya naiintindihan ko. "Pwe-pwede ba ki-tang mayakap ija?" nagtataka ko pa siyang tiningnan. Siguro ay iisipin niya nalang na ako ang anak niya dahil ka edad ko lang ito. "Sige po.." Niyakap niya ako ng sobrang higpit na para bang ayaw niya na akong bitawan. Nadinig ko pa ang mahinang hikbi nito. Teka.. Umiiyak ba siya? siguro ay may problema sila ng anak niya at saakin niya lang inilalabas. Nakakatuwa naman at nakatulong ako para kahit papaano ay maalis niya ang sakit sa puso niya. Kumalas din naman sa pagkakayakap ang babae saakin. Bago pa man ito umalis ay inabutan niya ako ng isang maliit na box at boquet ng bulaklak. Ayaw ko pa sanang kunin pero sabi niya ay iisipin nalang daw niya na sa anak niya ito ibinigay. Ayaw ko naman na mas lalong sumama ang loob nito kaya tinanggap ko nalang din. Sa sobrang awa sa babae ay hindi ko na natanong ang pangalan nito. Bakit palagi nalang hindi ko naitatanong ang pangalan ng mga taong nag bibigay saakin ng magagandang bagay. "Nako ka Malina.. Tara na. Ng curfew mo." Bungad saakin ni Manang. Dali dali ako sumakay sa sasakyan at naupo sa loob ng Van. Nakadating din naman kami s bahay ontime. Wala pa doon si mommy at daddy. Busy nanaman siguro iton. Ng makarating ako sa kwarto ay inuutos ko kay manang na ilagay sa vase ang boquet na bigay ng babae saakin. Binuksan ko din ang maliit na box na inabot nito at nakita ang mamahaling kwintas na may maliit na heart na pendant. Napaka ganda, sayang naman at saakin napunta ito at hindi sa anak nung Ale.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD