Where now at our fourth year in high school, konti nalang at ga-graduate na kami ni. Nung third year kami ay paulit ulit lang naman ang cycle namin. Madalas din kaming hindi nagkakasama ni Adina noon dahil panay ang puslit niya sa mga guard para lang puntahan yung crush niya.
"Where are you going?" Tanong ko dito nang nagmamadli nanaman siyang mag hakot ng gamit niya.
"Sa kabilang building." kaswal niyang sgot habang patuloy na pinapasok ang mga gamit sa bag nito.
"Hindi ka ba napapagalitan ng guard sa papuslit puslit mo doon?" I asked curiously lumapit pa ako sakanya para mahuli ang mga mata nito. Ng tumingin siya saakin ay agad niyang pinisil ang pisngi ko.
"Aray!" inalis ko ang kamay niya doon. Mamumula nanaman ang pisngi ko nito! Ang sakit!
"Hindi ako mahuhuli no, close na kaya kami nung guard!" pagyayabang pa nito. Ang kulit din kasi e, Imbis na atupagin ang mga requirements na kakailanganin namin ara makagraduate ay heto siya pabalik balik sa college building para maasar daw niya yung crush niya.
"You're always pissing him off, Why?" I asked curiously, kasi naman sabi niya ay gusto niya ito.. pero lagi naman niya inaasar at binubugnot base nadin sa pagkukwento niya. Hindi ko panaman nakikita sa personal ang crush niya. Ang sabi lang niya ay may limabg asungot ito. Isang mabait at nang aapproach naman kahit papaano pero ang iba ay hindi talaga. Lalo na yung crush daw niya na sobrang nakakatakot dahil sobrang seryoso.
Hindi ko din maintindihan jan, nakakatakot naman daw ang awra ng crush niya pero crush padin niya. Diba pag nakakatakot ay lalayuan mo? Pero etong si Adina nilalapit lapit pa din niya. Porket lang siguro gwapo. Hay nako Adina!
"Because I like seeing him mad!" natatawang sagot nito saakin. Napailing nalang ko sa mga sagot niya saakin. Kahit kailan ay hindi ko ito makausap ng matino.
Nagpaalam naman din ito at lumabas na ng classroom. Pupunta ako ng library ngayon pero hindi para magbasa kundi para mag gawa ng mga requirements. Nung nakaraang araw ay inaadvance ko na talaga ipasa ang mga kailangan ipasa. Malapit na din kasi ang graduation namin at kailangan kong imaintain ang grade ko para maging class valedictorian ako.
Kahit pag uuwi ko sa bahay ay subsob na subsob ako sa pag aaral. May piano lesson padin ako at hindi iyon nawawala kaya kailangan ko talaga imanage ang time ko ng maayos. Minsan naman ay napapadalas ang pagsasama saakin ni mommy sa isang party para sa company.
Medyo nakakaclose ko na nga ang mga kaibigan niya lalo na si tita Adriana. Lagi nitong gustong ipakilala saakin ang anak niya kaso lagi naman nauudlot iyon.
Nasa silid ako ngayon at nagrereview para sa midterm exam namin bukas. Kailangan ko ito dahil medyo nalate na din natapos ang piano lesson ko.
"Kumain ka muna, Malina.. Kanina ka pa jan at hindi ka pa kumakain." Manang Esmeralda said habang nilalapag ang isang tray na punong puno ng pagkain. "Baka mag kasakit kang bata ka."
"Okay lang po, Manang mamaya nalang po siguro paki iwan nalang jan. Hindi po ako pwedeng bumagsak this midterm exam dahil malaking hatak ito sa grades ko. I don't want mom to get disappointed to me"
"Ewan ko ba jan kay Ma'am. Masyadong perfectionist.. Sa totoo lang ikaw na ang pinaka perpektong anak para saakin. Mabait, maganda, higit sa lahat masunurin." Hinaplos haplos pa ni manang ang aking buhok "O sya na.. kumain ka ha hindi na kita masyado aabalahin" pagapaalam nito. Sinara niya ng dahan dahan ang aking pintuan. Tiningnan ko saglit ang tray ng pagkain bago ipinagpatuloy ang pag aaral. Mamaya nlang siguro.
Kinabukasan na ng magising ako sa alarm clock ko. Pagtingin ko sa orasan ay 5:30 na ng umaga. Agad agad ako napabalikwas. Nakasubsob lang kasi ako sa study table ko. Dito na pala ako nakatulog kagabi. Kahit ang pagkain na binigy ni manang ay hindi ko na nagalaw.
Agad agad ako naligo at nagbihis. Kumakatok na din si manang sa aking pintuan. Pag check ko sa orasan ay ala sais na. Lagot ako kay mommy nito late na ako sa breakfast.
Hindi ko na masyadong inayos ang buhok ko at nagmadaling bumaba. Pag dating ko sa baba ay ang matalim agad ba titig ni mommy ang sumalubong saakin. Nakapang office attire na ito. Hindi ko naabutan si daddy sa table kaya mas lalo ako kinabahan. Walang pipigil kay mommy pag pinagalitan ako nito.
"You're late.." mahina ngunit may bakas ng galit na sbi ni mommy.
"So-sorry mom, I over slept I was reviewing all night for our midterms exam. And didn't notice the time and slept at my study table—"
"Sit" Agad agad nitong putol saakin. Umupo naman ako at nagaabang ng sunod na sasabihin ni mommy. Para nanaman akong robot na de baterya nito. "You have midterm exam but you didn't prepare ahead of time?"
"Ahh.. mommy I did po.. It's just that madami pong subject and my piano lesson quite get much of my time that's why—" Hindi pa ako tapos mag explain ay ibinagsak na niya ang hawak niyang kumbyertos at tinitigan ako.
"So you're saying na yung piano lesson mo ang may kasalanan ng pagiging pabaya mo sa pag aaral?" Mommy said, bakas na bakas na talaga sa muka niya ang galit.
"No mommy.. hindi po.."
"Anong hindi, kakasabi mo lang! Ikaw ba talaga hindi na sumusod saakin? What about school time.. Ano bang ginagawa mo sa school ha? baka naman. baka naman dun ka nagbabasa ng mga libro mo o di kaya nag lalakwatsa. Baka naman you just look tamable in front of me pero pag nakatalikod ako ay hindi na?"
Dahan dahan akong napatungo at hindi na masalubong ang mga mata ni mommy na may galit.
"Hindi po mommy.. nag aaral din po ako ng mabuti sa school."
"Then patunayan mo! I swear if you fail your exam I will punish you! at pag nalaman laman ko lang na nagbabasa ka niyang walang kwenta mong libro.. Humanda ka saakin Avery Blaire Milana!" Tumayo si mommy sa upuan niya. I was left here sa dining table. Paligsahan banaman sa pag tulo ang aking mga luha. I need to perfect my exam.
Hindi ako masyadong nakakakain ng umagahang iyon nang makadating ako sa school ay nag review muli ako para sa unang exam na itatake namin. Ni hindi ko na napansin ang pag dating ni Adina na kanina pang kalabit ng kalbit saakin para mag tanong kung ano nirereview ko.
Dumating din naman ang professor at nagsimula na ang exam. Naunang matapos ang kaklase ko na lagi kong nakakalaban sa top. Actually hindi nman ako nakikipag kumpetensya sakanya pero para sakanya ay kompetensya ito. Nakangisi pa niya ako tiningnan habang pinapasa ang exam niya.
Hindi naman ganoon kahirap kaya nag focus lang ako sa test paper ko. Tumayo din naman ako ng matapos ako. Dalawa palang kaming nakatapos ng exam lumabas ako sa class room at naabutang naandoon siya sa may pintuan nakahalukipkip.
"Hindi ka ba natulog?" Tanong niya. Hindi ko alam kung concern ba siya o ano tunog sarkastiko kasi ang tono niya.
"Of course not I sleep.. a bit" mahinhin kong sagot niya.
"Oh really? looks like hindi! natatakot ka ba na baka maagaw ko sayo ang top 1 this year. Na baka kung kailan patapos na ang high school year natin ay ngayon pa kita matalo?" Saan nanggagaling yang paratang niya. Hindi naman ako nakikipag kumpetensya sakanya at higit sa lahat hindi naman ako takot na malamangan niya. Ang main goal ko lang talaga ay maging valedictorian para kay mommy.
"Hindi ko naman iniisip yan, Angelica.. Can you excuse me please. May gagawin pa kasi ako" mahinahon kong sagot dito na kinangisi lang nito.
"Wag ka masyado pakampante kasi baka mamaya ako na pala ang nasa itaas."
Hindi ko na siya masyadong pinagtuunan ng pansin dahil umalis din naman ito. Umupo nalang ako sa may bench at kumain ng sandwich na binili ko sa cafeteria after noon ay nag exam naman ulit ako sa next subject.
Hindi na kami nagkasama ni Adina dahil dumiretso na ako pauwi para mag review sa last exam namin. Ramdam ko sa katawan ko ang pagod pero hindi ko nalang iniinda. Dumating din ang piano instructor ko.
"Are you okay?" Tanong nito saakin. Kanina pa kasi ako nakahalukipkip suot ang aking hoody. Hindi ako naka dress ngayon na usual kong sinusuot kapag may lesson kami. Si mommy ang nag sabing ganoon ang isuot ko palagi para naman daw mag muka akong presentable.
"O-opo.. cough* medyo masama lang po ang pakiramdam ko pero kaya ko naman..."
Hinawakan niya ang noo ko at naramdaman ang init dito.
"You're sick.. mabuti pa ay magpahinga ka muna—" Aalis na dapat ito ng pigilan ko ito.
"Mommy will get mad if we skip this lesson po.. We should keep going." I smiled a bit kahit sobrang bibigay na ang pakiramdam ko 5 hours din itong session na ito kaya mahahalata talaga ni mommy pag umakyat agad ako sa kwarto ng ganito kaaga. Nasa baba kasi ito at may sarili akong piano room . May maliit na cctv din ito para ma monitor kami dito.
"I'm sure madame will understand. Her precious daughter is sick"
"No teacher we should keep going please.." pag makakaawa ko pa dito.
"I sesecret nalang natin na nag skip tayo aos ba iyon?" She suggested. I don't think it will remain secret. Lahat ata ay nadidiscover ni mommy. Hindi pa lang ako nakakasalita ay iginaya na niya ako sa isang malaking sofa doon. "Sleep first and I will cover you up." She smiled at me sweetly ng dahil doon ay medyo nakampante ako at automatikong sumara ang mga talukap ng mata.
Hindi ko alam kung ilang oras ako natutulog pero ng magising ako ay nasa kwarto ko na ako. Sino nag akyat saakin dito? Kinabahan ako at tumayo agad agad. May exam pa ako bukas. Chineck ko ang orasan and it's still 12 a.m medyo mahabang oras din ako nakatulog.
Mukang hindi nga alam ni mommy dahil hindi naman niya ako binungangaan. I manage na bumangon sa kama ko at pumuntang study table. Nag aral ako ng ieexam tom. Hanggang 3 am din ako nag aral at nakatulog nanaman sa may study table.
"Are you sick?" Adina said ng makita niya akong nakahalukipkip. Hinawakan ng isa niyang kamay ang noo ko at ang isa naman ay ihinawak niya sa leeg niya. "You're sick.. did you drink medicine na?"
"Yes." tipid kong sagot at nag focus nalang ulit sa pag rereview. Napailing nalang ito at akmang hihigitin ang reviewer ko ng inilayo ko ito sakanya. Sinimangutan pa ako nito bago umupo sa upuan niya.
"Tss. You're torturing yourself"
Mas mabuti na ma torture ko ang sarili ko kesa naman magalit nanaman saakin si mommy. Nag start ang Exam namin It is our last day ng exm for the 4th grading period. Susunod kasi ay puro activity nalang or paper works ang magiging final requirements kaya ito talaga ang makakahatak sa grades namin.
Natapos ko din ang exm at umuwi agad sa bahay. Finally makakapahinga na ako. Ng makauwi ako sa bahay ay nadatnan ko ang piano teacher ko at si mommy sa sala. Umiiyak ito na nakatingin kay mommy. Naagaw ko ang atensyon nilang dalawa at sabay ba tumingin saakin.
"Sorry po ma'am.." may pag makakaawang sabi nito.
"You skip your lesson?" mom said with her greeted teeth. Nakakuyom pa ang mga daliri nito.
"Mom.." Hindi palang ako nakakasalita ay dirediretso na itong lumapit saakin at ginawaran ako ng malakas na sampal.
"You ungrateful b***h!" Sigaw pa nito saakin. "Ganyn ka na ba talaga katigas para bigyan ng batas ang sarili mo!" pasinghal nitong sagot. Nagpupuyos nanaman si mommy sa galit at ako nanaman itong tikom na tikom nanaman ang bibig. I just wish dad would come home para tumigil si mommy. Alam kong hindi naman mag iinterfere si daddy pero kahit papaano ay titigil si mommy.
"Mommy.. sorry po..." pagmamakaawa ko. Bumagsak na din kasi ako sa sahig dahil sa hinang hina kong katawan. Tumakbo agad papalapit saakin si Manang Esmeralda. Karaniwan pinipigilan ni Manang Esmeralda si mommy pero this time we both knew na hindi nag papapigil si mommy.
"So-sorry po Madam Stella.. Mam Blaire is not at fault here. A-ako po iyon sorry po wg nyo na po siyang saktan." Pagmamakaawa ng Piano Teacher ko.
"Who are you to interfere family matters huh?! Are you part of this family!" Sigaw ni mommy na umalingawngaw sa buong bahay. Lalo akong binalot ng takot. "You are fired kanina pa diba! so you can leave my mansion! Don't ever come back.. Hahanap ako ng mas magaling sayo! and we have a contruct once na may nilabag kajan makukulong ka!"
Umalis na ang piano teacher ko sa harapan namin. Hindi ko alam anong contruct ang sinasabi ni mommy that time.
"And you!" saakin nanaman natuon ang atensyon niya. "Go back to your room bago pa ako may magawa sayo!"
"Mom... so-sorry—"
" I said go to you f*****g room!" Nagbabadya pa akong lumapit sakanya pero tinaliman niya ako ng tingin "Now!"
That was may cue tumaas na ako at nagmukmok saaking kwarto. Para nanaman akong nakukulong sa hawla dahil sa pangyayaring iyon.