Chapter 8

1340 Words
"Finally!! Graduation nalang at mag Co-college na tayo!!" Nagtatalon pa nitong sigaw. Excited na excited kasi siya dahil makakalipat na din daw kami sa wakas sa kabilang building kung saan nag aaral ang mga college students. "You're excited because you get to see your crush ng mas madali.. Hindi kana mag papabalik balik just to see him, right?" Tiningnan ko siya ng mataimtim. Sinilip ko pa ang ekspresyon nito dahil nag iiwas na siya ng tingin. Ikinunot ko ang aking noo dhil sa inaasta niya. Patay na patay talaga itong babaeng ito sa crush niya na hindi ko pa name-meet. "Hi-hindi ah.. Isa lang iyon pero masaya ako dahil college na tayo.." kibit balikat nitong sagot. "Hmpp.. Ikaw pa!" pang aasar ko pa dito. Napangisi nalang ito ng malaki at kiniliti ako. Plagi siyang ganyan pag talo na sa asar ko. Kung hindi mangingiliti ay she would robably pinch my cheeks hanggang mag red ito. "Anyways, anong course ang balak mong kunin?" Tanong nito. Natigilan ako sa tanong niyang iyon.. Hindi pa kasi sinasabi ni mommy kung ano e. "Yung gusto mo talaga ha. Hindi ni tita.. meron na ba?" Dugtong nito na tila nag papaalala. Umiling lang ako at nagkibit balikat. Kahit naman may gusto ako ay hindi naman papayag si mommy. Noon pangarap ko talagang mag karoon ng sarili kong library. At mag charity event para sa mga bata gusto kong maturuan ang mga batang walang kakayahang makapasok sa paaralan. Ganon ang pangarap ko. Pero alam kong hindi iyon magugustuhan ni mommy. She would probably choose a course na mag aalign sa business namin. I am an only child and saakin lang din iiwan ang kompanyang pinaghirapan nila that's why. Naglalakad kami ngayon sa may hallway papuntang function hall para umattend ng practice for graduation. Pinaghanda naman na ako ng homeroom adviser namin ng speech para sa graduation. Ayaw ko mag expect but ang mga class valedictorian lang naman ang nag spespeech tuwing graduation day. Siguradong matutuwa si mommy nito! I can't wait na dumating na ang araw ng graduation. Ganadong ganado ako nag lalakad sa designated place kung saan ako pupwesto. Hindi naman kami nag kakalayo ni Adina dahil Rosales siya at Silva ako. Yun nga lang ay hindi talaga kami magkatabi ng upuan. Tiningnan ko muna siya saglit at nakitang umaayos na ito ng upo kaya naman pumunta na din ako saakin. "Opse!!" Isang malakas na bangga ang tumama saaking balikat dahilan para mapasalampak ako sa sahig. "Bakit naman kasi pahara hara ka!" Sarkastikong linatyana ni Angelica. Nakalimutan kong katabi ki nga pala ito dahil Sermento siya. Tinulungan akong tumayo ng ibang mga nas paligid ko. Pinagagan ko naman ang aking palda dahil medyo nadumihan ito. Sinilip ko ang siko ko ng makitang nag dudugo ang mga ito dahil na din sa pag bagsak. "Anong problema mo, Angelica!" Hindi ko na inalintana ang nagdudugo kong siko at dinaluhan ang nag pupuyos sa galit na si Adina. "Adina, tama na ayos lang.." mahinhin kong sabi nito. "Hindi Blaire e nakita ko yung ginawa niya!" Galit na galit na binalingan ni Adina si Angelica na bakas na din ang takot dahil sa nag pupuyos na galit ni Adina. Kilala ko ang babaeng ito napakapalaban nito. "A-anong sinadya.. Hi-hindi ah" mautal utl na sagot ni Angelica. Ang mga alipores nman nito ay dahan dahan na din nag iiwas ng tingin. Nananatiling hawak ko ang palapulsuhan ni Adina dahil baka ano mang oras ay sumugod ito. "Siya itong pahara hara sa daan ko!" "It's okay.. hayaan nyo na wag na natin itong palakihin pa." I smiled a bit ng balingan ako ng tingin ni Adina. "Hindi Blaire.. Kung ikaw mabait ako hindi!" Akmang susugurin ni Adina si Angelica ng buong lakas ko itong hinila. Ang dami na ding nakikiosyoso saamin dahil na din s lakas ng boses ni Adina. "Wag na Adina.. Hayaan mo na. Baka mag ka problema ka pa sa mga papers mo pag nakipag away ka. You know It will be a major offense." Pangungumbinsi ko pa dito. Agad agad namang naalis ang pagkakakuyom ng kamay nito. Ngunit hindi pa din naalis ang nag aapoy na ekspresyon. "Siya itong ta-tanga tangang pahara hara sa daan!" Dagdag pa ni Angelica. Isa din itong ang tumigil ang bibig. "Ikaw ang bumangga saakin Angelica.." mahinahon kong sabi. "Kung hindi kalang sana—" "Saan ba siya pahara hara, Angelica?" Hindi na naituloy ni Angelica ang sasabihin nito ng pinutol iyon ng mapanutsang tanong ni Adina. Ang kaninang galit na galit na muka ay ngayon ay nakangisi na. "Sa daan ba? o baka naman sa pagpaantasya mong ikaw ang magiging class valedictorian?" Kitang kita ang pagdilim ng ekspresyon ni Angelica sa sinabi ni Adina. Ako naman itong hindi na alam kung anong ggawin dhil anytime ay mag sasabong na ang dalawa. "You freak!" Susugod na sana si Angelica kay Adina ng biglang dumating ang aming home room adviser. "Ladies!" malaawtoridad na sabi nito "Anong nangyayari dito?" "Wa-wala po Ma'am nag uusap lang po sila.." Isa sa mga kasama ni Angelica. "Anong—" "Tama na, Adina. Please.." Binalingan ako ng tingin ni Adina pabba saaking mga siko. Ng makita niya itong dumudugo ay dali dali niya akong hinila doon. Nakatingin lamang saamin ang home room advicer namin, sila Angelica at ibang mga naroon sa pag alis namin. Hindi palang kami nakakalayo ay sumigaw si Angelica. "Wag kang pakasiguro Blaire na natalo mo na ako.. Baka hindi mo alam bigla nalang palang hindi ikaw.." lilingunin ko na sana iyon ng hinatak ako muli ni Adina. "Pandadaya nalang ang tawag don, Angelica.. Kahit kailan hinding hindi ka makakapantay sa galing ni Blaire.. Saksak moyan sa baga mo!" Tahimik lang ako hanggang makarating kami sa clinic. Tapos na din gamutin ni Adina ang aking mga sugat. Binisita ako ng adviser ko dito at tiningnan ang lagay ko. Ayos naman na ako. Hindi ko nalang binanggit sakanya ang nangyare. Kinabukasan na din naman kasi ang graduation at ganito pa ang nangyare. Si Adina naman ay nakahalukipkip sa kabilang kama ng clinic. Kanina pa kami dito at ayaw pa umalis. Kahit siya naman ay mukang wala pa ding balak bumalik doon. Dito nalang daw kami habang matapos ang practice. Wala din naman daw kwenta. "Ayos ka lang ba, Adina?" Malumanay kong tanong. Kanina pa siyang tahimik na nakahalukipkip doon sa kama. Nakasandal siya sa head board at nakataas na ang paa. "Tss.. Ako pa ang inalala mo e ikaw na nga itong nasaktan ng panget na yon! Ingitera!" "Ano ka ba.. Sabi ko naman sayo ayos lang ako.. At hindi ka pa nasanay kay Angelica e lagi naman iyong ganoon." I smiled a bit para ipakitang ayos lang ako. Hindi ko nalang kasi pinagpapapansin si Angelica. Dahil sayang lang sa oras. At ayaw ko naman talaga makipag away sakanya. " Tss. Bakit ba kasi ganyan ka?" "Huh?!" nag tataka ko siyang nilingon. "Bakit ganyan ka kabait.." Nakita ko ng nanggigilid na luha sa mga mata niya. Hindi ko alam kung para saan iyon pero parng kumirot din ang puso ko. Nag iwas siya ng tingin at nag patuloy sa pagsasalita. "You are always kind.. You're always smiling.. You're always trying to please your mom.. Bakit ganyan ka Blaire.. na kahit nasasktan ka na ay ayos lang saiyo.. You don't deserve this." Nag iwas ako ng tingin. Hindi ko na din alam kung anong deserve para saakin. Hindi ko na alam. Ang alam ko lang ay kailangan kong sundin ang ano mang utos ni mommy. "I don't even know what I deserve Adina.." Tumungo ako at hinayaang tumulo ang aking mga luha. Dinaluhan niya ako at sabay kaming umiyak. Siya na ang palagi nanjaan sa tabi ko simula ng magkakilala kami. Palagi siyang nandiyaan para maiyakan ko dahil alam din nitong iyakin ako. It feels so good lalo na at may taong nanjan para saiyo. "Iyakin.. Dinadamay mo pa ako!" Bahagya akong natawa sa sinabi nito. Niyakap ko soya ng mahigpit. Alam ko kahit malupit saakin ang mundo meron parin isang tao na sasamahan ako hanggang dulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD