"Where is she?" nagpalinga linga ako sa paligid hinahanap si Ari sa kumpol ng mga batang nag lalaro doon. Hindi ko ito makita kaya naisipan kong mag tanong sa mga batang nagbebenta din ng sampaguita.
"Uh.. hello? pwede ba mag tanong?" Nakangiti kong sabi sa batang lalaki. Tumango naman ito habang nakatitig saakin. Binalingan ko saglit si Asher na nakatayo saaking likuran buhay buhay padin ang mga gamit na ibibigay ko kay Ari.
"Kilala mo ba si Ari.. yunh batang babaeng nag bebenta din ng sampaguita kagaya mo.."
"Ah... si Ari.." sagot pa nito. Kinakamot kamot pa niya ang ulo niya na tila nag iisip. "Opo ate.. Nandoon siya nag bebenta sa may bandang gitna ng park. Malapit po sa may simbahan." Sabi pa nito.
"Thank you..." Akmang aalis na sana ito ng hinawakan ko ang maliit nitong palapulsuhan. "Mukang kakaunti palang ang benta mo ah.."
"Opo.. medyo mahina po kasi. Madami na din po kasing bata ang nagbebenta ng sampaguita. Tapos madalas ay wala naman nabili saamin." I felt a sudden pain in my heart. Sobrang tirik ng araw at kailangan nilang magbenta suot ang mga maninipis at maduming damit.
"Akin nalang yan.. bibilhin na ni ate.." Lumiwanag ang mata ng batang lalaki at agad agad na binilang ang sampaguitanh binebenta nito.
"300 nalang po ate.." dumukot ako sa pitaka ko ng 1,000 at ibinigay ito ng buo sakanya. "Sobra po ito ate..."
"Ayos lang, para makauwi ka na din. Hindi ka ba nag aaral?" tanong ko dito. Kagaya ng tanong ko kay Ari ng magkita kami ay ganoon din ang itinanong ko sa batang lalaki. Uming ito bilang sagot. Nkakadurog ng puso na malamang madaming bata ang hindi nakakapasok sa paaralan dahil walang kakayahan ang mga magulang nila.
"Mahirap lang po kami.."
"Gusto mo bang sumali saamin?.. Magaaral kami ni Ari mamaya."
"Opooo.. iuuwi ko lang po itong pera kela nanay at tatay babalik po ako."
"Sigeee..." kinawayan ko ito at pinagmasdan na tuluyang makaalis.
"If you keep on giving them the money that easy. They would think that everyone is as kind as you." sabi ni Asher saaking likudan nilingon ko ito dahil doon. I don't get his point. Kids deserve to see kindness.
"Pero they deserve it.."
"I know.. Pero not everyone had a mindset like you. Tss." napanguso ako sa sinabi niya. Well matutuwa nalang ako kasi he thinks I'm kind.
Naglakad nalang ako papunta doon sa simbahan na tinutukoy ng batang lalaki. Pumunta saakin si Asher sa paglalakad. Nas a malayo palang ako ay nakita ko na si Ari na magiliw na nag aalok ng sampaguita.
"Ari.." Sigaw ko na agad na nakaagaw ng atensyon nito. Agad agad siyang tumakbo sa gawi ko na sinalubong ko naman ng yakap. Hanggang bewang ko lang kasi ito kaya ayon lang ang naabot niyang yakapin sakin. Habang ako naman ay hinahaplos na ang buhok nito.
"Napaaga ka po ata ate.. Hindi pa ako tapos magbenta ng sampaguita.." Masayang sabi nito. Bahagya pa akong lumuhod para makapantay ako sakanya.
"Diba sabi ko maman sayo pag maaga kaming pinalabas ay maaga din akong pupunta dito." Kinurot ko ang ilong niya ng bahagya dahilan para mapahagikhik ito. Napakacute talaga niya pag humahagikhik siya.
"Ate.. sino siya?" tanong ni Ari. Hindi ko namalayan na kanina pa pala niyang sinisilip saaking likuran si Asher na tahimik na nakatayo doon. Ang cute nga niyang tingnan dahil kanina pa niya hawak hawak ang unicorn printed na paper bag.
"Ahh siya si Kuya Zyair Asher.. Asher nalang ayon kasi ang tawag ko sakanya." Sabi ko kay Ari. Tinitigan niya si Asher at halatang halata ang pagkamangha sa imahe nito.
"Ang gwapo niya ate.." bulong pa nito.
"Talaga?" tanong ko. Gwapo naman talaga si Asher. May pagkamasungit ngalang.
"Oo ate.. sobrang gwapo niya." we both giggled. nadadala na din ako sa pag hagikhik niya. Bakas na din sa muka ni Asher ang kuryusidad kung bakit kami naghahagakgakan ni Ari.
"Ehemm*" putol nito saaming dalawa.
"Ah... Asher si Mariah.. Ari nalang for short." Bahagyang lumayo sa harapan ko si Ari at lumapit sa gawi ni Asher.
" Hello po kuya Asher.."
"Hi Ari.." Ani to sa baritong boses. He also bended his knees para makapantay kay Ari at bahagyang ginulo ang buhok nito. Kita ko naman ang pamumula ni Ari dahil sa ginawa ni Asher.
"Bo-boyfriend ka po ba ni ate Blaire?" Nanlaki ang mata ko at agad na pinamulahan sa tanong ni Ari.. Ako nama ngayon itong panamumulahan ng pisngi. Lokong bata to! Nakakahiya kay Asher.
"Ateee..." hindi palang nakakasagot si Asher ay boses ng batang lalaki ang umagaw ng atensyon naming tatlo. Siya iyong binilhan ko ng sampaguita kanina. Nagtungo ako sa gawi nito. May kasama pa siyang dalawa pang lalaki at dalawang babae.
"Sasali din po daw sila ate.." Natuwa ako ng makita ang madaming bilang ng mga bata na tuturuan ko. Ang lawak na ng ngiti ko sa sobrang nag uumapaw na saya ko. Nilingon ko si Ari at Asher na nagbubulungan na ng kung ano.
"Sigee mag handa na kayo doon." Tinuro ko ang upuan kung saan kami mag aaral. "Pupuntahan ko lang sila.."
"May boyfriend si ate ganda?" sabi ng isang batang lalaki na hindi ko na masyadong pinansin dahil naglkad na ako papunta sa dalawa.
"Let's go?" sabi ko na ikinalingon nilang dalawa. Bahagyang may binulong si Asher na kinahagikhik nanaman ni Ari. Humaba na din ang nguso ko. May secret sila hindi nila ako sinali.
"Go, Ari.. join them" utos ni Asher sa bata at agad agad na nagtungo sa mga bata.
"May secret kayo ni Ari?" tanong ko sa matabang na tono. Ngayon ko lang ata nadinig ang sarili ko sa ganitong tono ng pananalita.
Imbis na sumagot ito at nakita ko ang tumakas na ngisi sakanyang mga labi. Teka tinatawanan ba niya ako? Ngayon ko lang siya nakitang ngumisi. Siguro ay pinagtitripan nila akong dalawa.
"Why are you laughing?" I asked curiously. Sinilip ko pa ng ekspresyon nitong hindi nagbabago.
"Wala.. Nosy." Sagot nito na nagpahaba llo ng nguso ko. "Halik na nag hihintay n ang nga bata." Nilingon ko ang mga bata sa upuan at nakitang nakatingin saming dalawa. Humahagikhik nanaman si Ari doon. Napakamasayahing bata talaga.
Nagsimula din akong magturo sa mga bata ng basic na alphabet. Kahit ang numbers ay tinuro na dun namin ni Asher.
"A for?" Tanong ko sa mga bata
"Asher po.. Kuya Asher" magiliw na sagot ni Ari na ikinatawa ko.. Tiningnn na din kmi ni Asher at bahagyang napangiti. Ang ganda ng ngiti niya. Hindi ko namamalayan na matagal na pala akong nakatingin sa mga labi niya ng biglang inagaw ni junjun ang aking atensyon.
"Ate Ari.. tama po ba ito?" pinakita niya saakin ang sulat niya sa kanyang pangalan. Tanging Junjun lang ito.
"Tama.. Ngayon you have to repeat it hanggang mamaster mo." Nakakatuwa dahil karamihan sa mga batang nandito ay talaga fast learner. Kung nabigyan lang siguro sila ng chance makapasok ay ng paniguradong pasok sa honors ang mga batang ito.
Nilingon ko si Asher na nakikipagkulitan na kay Ari. "Do you want ice cream?" magiliw na sabi nito kay Ari.
"Opo.." tuwang tuwang sagot ni Asher.
"Okay then.." Pumunta siya sa gawi ng nagbebentang ice cream binili na niya ang buong ice cream na binebenta ng matanda. Tuwng tuwa naman ang mga bata na kimukuha na dito. Gayon din ang mga batang nag lalaro lamang sa park. Nakatitig lang ako ng masaya sakanila. Ramdm ko naman ang presensya ni Asher saaking tabi at tiningnan ito.
"For you.." Iniabot niya ang strawberry ice cream na hawak nito.
"Thank you.." namumula kong sabi. "Thank you for the ice cream and thank you for bringing smile on their faces." binigyan ko ito ng isang matamis na ngiti na ikinaawang ng bibig nito. Agad naman niyang tinakpan ang buo kong muka gamit ang palad niya. Hinawakan ko ang palapulsuhan niya ara alisin ang kamay niyang tinabon sa muka ko.
"Why?" nag tataka kong tanong.
"You're smile is deadly..." Huh? panong deadly e ang ganda ganda nga ng ngiti ko. "I almost forgot how to breath." Hinawakan pa nito ang dibdib niya. Weird nman nito ni Asher.