Chapter 14

1701 Words
"M-A-R-I-A-H, Mariah.." "Very good Ari.." Hinaplos ko ang buhok nito. Sa park na malapit sa school na kasi ako dumiretso ng matapos ang among klase. Hindi na din ako nakadaan sa library dahil sa paghahanda sa uwian. Para makapunta kay Ari. Mariah ang pangalan nito pero mas sanay daw siyang tinatawag na Ari. Hindi ko tuloy nakita si Asher.. Pero baka hindi din naman iyon pumuntang library. Pag nagkita kami bukas ay ikukwento ko nalang sakanya ang nangyare saakin ngayon. "Nasan na ang chocolate ko ate Blaire.." sabi ni Iah while gigling. Pinisil ko pa ang pisngi nito sa sobrang cute. Tuwang tuwa siya kasi kaya na niya i-spell at isulat ang pangalan niya sa papel. Masasabi kong fast learner itong si Ari dahil konting oras palang kami nag aaral ay natuto na agad ito. "Bukas po ba ganitong oras ba po ulit?" Tanong nito. "Oo, Ari.. ito lang kasi ang libre kong oras. Saka isang oras lang ako pwedeng mamalagi dito.. Hayaan mo pag maaga ang dismissal namin bukas ay pupunta agad ako dito." "Talaga ate?" Masigla nitong tanong na ikinatango ko. "Aagahan ko din po mag benta ng sampaguita para pag maaga din po akong makatapos." Pinanood ko lang itong kumain ng bigay kong chocolate at nag paalam nang umalis dito. Binigyan ko din ito ng 1,000 pesos para pambili nila ng bigas at ulam. Ayaw pa nga sana niya iyong tanggapin pero pinilit ko ito. Nakakatuwa lang kasi siyang bigyan dahil sobrang appreciative nito. 5:30 na nung makauwi ako sa bahay. Nag message na din saakin ang piano teacher ko na malalate ito ng ilang oras. Usually kasi ay ala sais palang ay nandito na ito. Mabuti nalang din dahil mag hahanda pa ako ng aking sarili. Tumaas ako ng kwarto at sinuot ang nakahandang dress ni Manang para saakin. Naupo muna ako at inaliw ang sarili sa pag cecellphone. Hindi naman ako ma social media kaya wala akong masyadong nakikita sa feed ko kundi mga post lang ni Adina. I was about to turn off my phone ng biglang nag message saakin si Adina. Star: Where have you been? I click her message at nireplyan ito. Me: Umuwi ako ng maaga.. Star: Nakabalik na ba sila tita sa pilipinas? Me: Nope. Why? Star: Just askin' Sineen ko nalang iyon at bumaba na sa engrande naming hagdan para pumunta sa music room. Sabi ni manang ay padating na din ang piano teacher ko kaya nag hintay nalang ako dito. Dinalhan lang ako ni manang ng meryenda habang nag hihintay. "Ma'am Blaire.." bati saakin ng aking piano teacher. "Hello po.." "Pasensya na po at nalate ako. Wag nyo nalang po sana sabihin kay ma'am Stella.." Dirediretso nitong sabi. Tumango nalang ako na ikinaliwanag ng muka nito. Kahit naman hindi ko sabihin ay alam ko naman na malalaman ito ni mommy. Lalo na't mamayang gabi ay tatawg ito para mangamusta. Kahit hindi ako ang mag report ay alam kong sila Manang o ang ibang kasambahay ang mag sabi noon. "Rivers daw po ang inyong tutugtugin sbai ng mommy nyo po." "Okay po.." Nag tipa ako sa piano at nag simulang patugtugon ito. Dinama ko ang bawat nota nito. Natapos din naman ang aming session para sa araw na iyon. Tunawag din si mommy ng kinagabihan at kinausap si manang. Ganon lang ang nangyare sa buong araw ko. Bago ako tuluyang tumaas sa aking kwarto ara iready ang mga papel at notebook na hindi ko na ginagamit. Balak ko kasing ibigay ito lahat kay Ari. Kahit ang mga designer back pack ko na pinaglumaan ko na ay pinagkukuha ko at nilagay sa paper bag. Kinaumagahan ay dala dala ko na ang mga gamit ko na ibibigay ko kay Ari. Muka pa akong nag shopping ng makapasok ako sa loob ng silid. Nakatitig lang sa mga dala ko si Adina tila nag tataka bakit ang dami kong dala. Ng hindi siya makapagtimpi ay inagaw na niya ang isang paper bag saakin at sinuri ang loob nito. "Maglalayas ka ba Blaire?" Tanong nito habang sinisilip ang bag sa loob ng paper bag. "Hindi ha.." "E bakit ang dami mo atang dala? Ako nahihirapan sayo.." "Ibibigay ko ito sa batang nakilala ko sa park sa tabi ng school.. Naawa kasi ako wala siyang gamit." "Saan mo naman nakilala ang batang yon?" Nagtataka nitong tanong. "Dun din sa park, siya yung binilhan ko ng smpaguita.." Nakabusangot na ngayon ang muka nito. Kinuha ko naman sakany ang paper ba na ang laman ay bag. "Sige na Adina.. pupunta muna akong library.. See you next class." Ikinaway ko ang kamay ko sakanya para magpaalam nadinig ko pa itong may sinabi ngunit hindi na malinaw. Pagpasok ko sa lirbary ay nag tinginan pa saakin ang mga nagbabasa doon. Naagaw ata ng mga dala ko ang atensyon nila. Hindi ko nalamang pinansin ang mga matang pinupukol nila saakina at dumiretso sa pinakadulong pasilyo. Nagpalinga linga pa ako at hinahanap si Asher. Lagi kasi siyang nauuna saakin dito. Pero ngayon ay mukang hindi siya pumunta dito. Parang nalungkot ako ng hindi ko nakita ang presensya niya. Ibinaba ko nalang ang mga paper bag sa gilid at tumalikod para kuhain ang librong tinago ko. Pagkakuha ko ng librong itinago ko sa pinakadulo ay akma na akong haharap ng mauntog ako sa matigas na dibdib ng isang lalaki. Napaatras pa ako ng bahagya dahilan para matabig ko ang mga libro at mahulog ito. Mabuti nalang ay iniharang ng lalaking nasa harapan ko ang kanyang katawan para hindi ako mabaksakan nito. Tumingala ako para makita ang imahe nito. Namilog ang aking mga mata at napaawang ang aking bibig ng magtama ang mata namin. It was Asher.. Ramdam na ramdam ko ang hininga niyang lumalapat na saaking noo. Halos wala na ding distansya ang namamagitan saaming dalawa. Hindi ko namamalayan kung ilang oras na akong nakatitig sa mga mata niya. Hindi ko alam kung ilang oras na kami magkatitigan. May umusbong na kaba sa aking mga dibdib. Sobrang bilis nito at hindi ko alam kung bakit. Na kahit ang buong sistema ko ay tila nag wawala na. Naputol lamang iyon ng bigla akong napasinok. Dahilan para takpan ko ang bibig ko. "Kanina ka pa ba ihk* jan sa ihk* likuran ko" pilit kong sabi sa kalagitnaan ng pagsinok ko. Tiningnan niya ako ng seryoso at laking gulat ko ng hinila niya ang aking palapulsuhan. Sa sobrang lakas noon ay tumama nanaman ang aking muka sakanya noo. Lalayo na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang baba ko at pinisil ang ilong ko. "Try to hold your breathe for a while." Ginawa ko iyong iniutos niya. Ang kanang kamay niya ay nanatiling nakahawak saaking baba at ang isa naman ay sa ilong. "Now breathe.." bulong ulit nito. Sinunod ko ang sinasabi niya at laking gulat na nawala ang sinok ko. "Ang galing..." parang bata kong sabi dito. Tinitigan lang niya ako at naupo na sa sahig. Kinuha ko muna ang nalaglag na libro ko at mga aper bag na inilagay sa gilid bago lumapit at umupo sa pwesto kung nasaan siya. "Salamat ha.." sabi ko habang inaayos ang mga dala kong gamit. Nakatitig naman siya sa mga ito na parang interesado sa kung ano ang aking dala. "Ah.. mga lumang gamit ko iyan.. Balak ko sna ibigay sa tinuturuan kong bata." Panimula ko. Tumango lang ito at nagpatay malisyang dinampot ang libraong nasa kanyang tabi. "You didn't come here kahapon.." mahinang sabi nito na sapat lang para madinig ko. "Pumunta ka dito kahapon?" Imbis na sagutin ang tanong ko ay nag iwas lang ito ng tingin. "Hindi ako nakapunta dito kahapon. Kasi I got so excited na turuan yung batang pinangakuan ko.."pagkukwento ko pa dito. Naging interesado naman ang kanyang ekspresyon kaya pinahpatuloy ko ang pagkukwento ko. "Sayang nga at isang oras ko lang siya tinuturuan dahol sa curfew ko. Bibigyan ko din siya ng mga gamit na nakalagay jan sa paper bag. How I wish wala na akong sunod na klase para makapunta na ako doon." Kinuha niya ang cellphone niya at may tinipa dito. Ng matapos siya don ay binalik niya ang atensyon saakin. Anong ginawa niya? Hindi ko na iyon isinatinig dahil baka akala niya ay nosy ako. "I just texted someone.." Tiningnan ko ito at tinanguan. Sino naman kaya? "It's just may friend.." lalaki o babae? tanong ko muli sa isip ko na hindi ko isinatinig. "My guy friend.." Nanlaki ang mata ko. Hindi ko naman isinatinig lahat ng sinabi ko ah. "Ahh.. okay." nagpatuloy na ako sa pagbabasa. Namumula na din ang aking pisngi. Nadidinig ba niya anh nasa utak ko? "What's wrong?" tanong nito. Napansin niya ata ang pamumula ko. "You're whole face turn red." "Ah-eh wa-wala... sige na mauna na ako.. Kasi may klase pa ako mamaya—" Ang plano kong pagtayo ay naantala dahil sa tawag saaking cellphone. Kinuha ko ito at nakitang tumawag si Adina. "Hello?" "Where are you? wait let me guess sa library padin? Wala na tayong klase.. umuwi ka na at baka saraduhan ka pa ng guard jan." Sunod sunod na sabi nito. "Suspended?" nagtataka kong tanong. "Oo.. kanina lang. Ang weird nga, hindi ko alam kung bakit pero ang mahalaga ay suspended." Sabi nito at binaba ang tawag. Binalingan ko si Asher sa so rang excited ko. Mapapaaga akong pumunt kay Ari. Hindi ko na muna tinawagan ang driver ko mamaya nalang ako mag papasundo. Mahaba haba ang talakayan namin mamaya dahil ala una palang. "Asher.. walang pasok." inalog alog ko pa ito sa sobrang saya ko. "Yeah.. I know." "Pano mo alam?" "I just know.." kibit balikat nitong sagot. Hindi ko na din naman inusisa kung pano niya nalaman at tumayo na. Nakita ko din siya na tumatayo na. Nakit ko itong dahan dahan umaalis. Yayain ko kaya siya? "Asher.." Nilingon ako nito na nay bahid na pag tataka. "Why?" "May gagawin ka ba?" "Wala. Why?" "Ahh.." "Hmm?" sagot nito tila nag aantay sa aking sasabihin. "Gu-gusto mo bang.. Sumama?" Hindi na ito sumagot pa at dirediretso nang lumapit saakin para kuhanin ang mga paper bag na dala ko at dirediretsong nag lakad. Napaawang ang bibig ko sa ginawa niya. Natigilan pa ako ng bigla itong nagsalita. "Avery.. Let's go."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD