2 weeks na ng mangibambansa sila mommy patuloy lang ang aking piano lesson at pag momonitor nila. Medyo pakiramdam ko ay malaya ako dahil hindi naman singhigpit ni mommy si manang. Tumatawag naman sila para kamustahin ako.
"And they kissed.." Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang impit kong sigaw dahil sa sobrang kilig. This is still library kahit nasa pinakadulo ako at malabong madinig ng librarian.
Kahit nga mga studyante ay parang hindi nagagawi dito sa pwestong ito. Nakaupo ako sa sahig habang nag babasa.
"Tss. isip bata" malamig na boses ang umagaw sa atensyon ko. Tiningala ko ito at nakita yung lalaking natutulog dito. Lumawak agad ang ngiti ko.
"You're here.." Nakangiti kong sabi dito. "Ang ganda ng librong pinaheram mo saakin nakakakilig.." Sunod sunod kong sabi.
"Tss. Malamang isip bata ka kaya ka kinikilig." Agad akong napasimangot sa sinabi nito. Umupo naman siya para makapantay niya ako.
"I'm not isip bata no! nadala lang ako sa story.. Sobrang ganda niya. Yung lalaki sobrang mahal na mahal niya yung. Imagine they separate for 10 years but when they so each other for the first time nainlove ulit sila sa isa't isa—" Tuloy tuloy kong sabi ng marealised na nakatitig nalaang ito saakin at hindi nagsasalita. Baka ayaw niya pala sa maingay tapos ako dirediretso magsalita
Noong mapansin niyang natigilan ako ay inangatan niya ako ng kilay.
"Why did you stop?"
"Ba-baka ayaw mo sa maingay kasi.."
"Continue.. I'll listen." Lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya at halos mapupunit na ang labi ko sa kangingiti. Tuwing nagbabasa kasi ako ng libro ay gusto ko itong kinukwento kaso hindi ko alam kung kanino. Madlas ay nabobored lang si Adina pero tinatry naman niya makinig. Wala lang kasi talaga iyong hilig doon. Hindi naman ako pwede magkwento kela mommy dahil magagalit iyon.
Si daddy masyadong busy, tapos si manang naman madami ginagawa sa bahay. Si Shaggy nalang kinukwentuhan ko minsan e.
"Talaga?!" inalog alog ko pa ang magkabilang balikat nito.
"Oo"
Pinagpatuloy ko ang pagkukwento sakanya ng mapagod ay tumigil din ako.
"Edi pagod ka ngayon.." nakangisi nitong sabi. I just pouted, pinapagod lang pala niya ako para manahimik.
"Mahilig ka din ba sa libro?" I ask para mabasag ang katahimikan slna namagitan saaming dalawa. Ngayon ko lang ata siya nakita dito sa library.
"A bit." maikling sagot nito.
Akala ko ay hindi na ito magsasalita ng bigla niya akong tinanong muli "How about you?"
"Sobra.. Actually ang dami ko nang nabasang libro."
"So you have a collections of book?" Agad akong umiling. Maganda sanang idea iyon na ilagay sa kwarto ko ang mga libro kaso ayaw ni mommy. Nakita ko ang pagtataka sa kanyang muka.
"I'm not allowed to read books at our house kaya sa library ako nagbabasa. Nagpapabili ako sa kaibigan ko ng libro then after ko basahin iniiwan ko malang iyon sa library." I said nakatingin lang siya saakin at nakikinig. "Siguro madami na akong naiwan na book sa building ng highschool" I chuckled. Tiningnan ko siya na seryoso lang naman ang tingin walang halong bakas ng kahit ano.
"Why?" Tanong niya ng mahuli ang mga mata kong nakatitig sa kanya. Tinitingnan ko kasi ang mga mata niya. Para talagang pamilyar ang mga ito gustong gusto ko pa titigan.
"Ah-eh wala.. Para lang kasing pamilyar ka sakin.. yung mga mata—" naudlot ang sasabihin ko ng mag alarm ang aking cellphone. Kahit siya ay napatingin na din doon. Chineck ko ito at 2:30 na pala. Malalate na ako sa next subject ko.
Inobserbahan niya ako habang dali daling tumayo pinagpagan ko pa ang aking suot na uniporme dahil sa alikabok na dumikit dito.
"Ah.. I have to go.. Nice meeting you! bukas nalang ulit. Byeee" Kinaway kaway ko pa ang aking mga kamay para mag paalam sakanya. Tumango naman ito senyales para agad agad akong maglakad palabas ng library. Kalagitnaan ng aking paglalakad ay bigla akong may napagtanto.
Opss! I forgot to ask his name. Kung ano ano na ang dinaldal ko sakanya tapos hindi ko naman naitanong ang pangalan niya. Bukas nalang siguro, sana mag kita pa kami bukas.
"Milana.. tumatawag ang mommy mo sa telepono" bungad saakin ni manang ng umagang iyon. Nakapaguniporme na ako at ayos ng sarili ko.
"Sige po manang, bababa na po ako." ng makababa ay kinuha ko ang telepono at itinapat sa aking tenga. Hindi kami ng videocall ngayon dahil patravel travel sila ni daddy for work. sa loob ata ng dalawang linggo ay naka apat na bansa na ang mga ito.
"Mommy?"
"What took you so long, Blaire? hindi ka pa ba handa sa pagpasok mo?" ayon agad ang bumungad saakin.
"Hindi po mommy.. I'm already wearing uniform po and kakain nalang—"
"Okay." pagputol nito saakin. "I just call to make sure that you attended your piano class." tumango pa ako kahit hindi naman ako makikita sa kabilang linya.
"Did you take your piano lesson seriously?" kinakabahan na agad ako kahit ganito palang ni mommy feeling ko pag may nasabi akong mali ay mapapagalitan ako.
"Yes mommy.."
"Make sure that you improved everyday. Next 2 weeks ay uuwi na kami ready yourself dahil may party tayong aattendan and gusto kong mag perform ka infront of my business partner." pinal na sabi nito. Wala naman akong magagawa sa mga ganito ni mommy kundi ang sumunod.
"Opo mom.."
Natapos ang tawagan ng umagang iyon. Pagkatapos kong kumain ay nagpahatid na din ako sa skwelahan. Malapit na kaming makarating sa skwelahan ng matanaw ko sa bintana ang isang batang babae na nag bebenta ng sampaguita.
"Manong.. pwede po bang pakihinto muna." Tiningnan ako nito sa unahang mirror ng aming sasakyan.
"Ah.. bakit po ma'am? may problema mo ba?"
"Wala naman po.. gusto ko lang sana bumili ng sampaguita." I smiled cutely. Itinigil ni Manong ang aming sasakyan. Pag bukas ko palang nito ay lumapit na agad ang batang nag bebenta ng sampaguita.
Bumaba ako at bahagyang bumaba para makalebel ko ito. Napaka cute na bata. May dungis nga lang pero ang cute niya para saakin.
"Ate ganda bibili ka ba?" sabi nito sa maamong boses. Mahilig ako sa mga bata kaya nadudurog ako pag nakakita ako ng mga batang sa muranh edad ay nag tatrabaho na.
"Oo pabili ako.." Agad niyang itinapat saakin ang mga sampaguita. Madami pa iyon kaya naisipan kong bilhin nalang ang lahat. Masyadong tirik ang araw at hindi maganda kung magbibilad pa siya dito ng matagal.
"Kukunin ko na iyan lahat, how much?"
"Talaga po?" tuwang tuwang sagot nito tumango lang ako bilang sagot. "500 pesos po para sa lahat" Kumuha ako sa wallet ko ng isang libo at inabot ito sakanya.
"Ang laking halaga naman nito ate, wala ho ba kayong barya wala akong panukli e" nag aalalang tanong nito.
"Hindi na saiyo na yung sukli. Umuwi ka na din sa bahay nyo ha.."
"Salamat atee may pambili na kaming bigas." bakas s mga mata nito ang tuwa. Hinawi ko ang buhok niya na tumatabong sa kanyang muka habang siya naman ay maingat na sinisiksik ang pera sa pitaka nito.
"Ilang taon ka na ba? nasaan ang mga magulang mo?"
"6 years old na po.. Nag tatrabaho po si tatay namamasada habang si nanay naman po ay nasa bahay labandera."
"Hindi ka pa ba nag aaral?" muli kong tanong.
"Hindi pa po. Pero dapat ay grade 1 na po ako kaso.. hindi na daw po kaya nina nanay at tatay ang pagaralin ako dahil pito po kaming magkakapatid ang apat po saamin ay nag aaral din. Tapos may sakit pa po si lola kailangan po nito ng pambiling gamot. Kaya tumutulong nalang po ako sa trabaho." Parang piniga ang puso ko sa nadinig ko. Maraming bata ang hindi swerte sa buhay. Marami naman ang swerte pero nagagawa padin mag reklamo.
"Gusto mo bang matuto?" Tiningnan ako nito a mga mata at dahang dahang tumango. "Sige.. pag may free time si ate bukas ay mag kita tayo dito mga alas kwatro. Tuturuan kita.." Pinal kong sagot. Matuturuan ko panaman ang batang ito habang hindi pa umuuwi sila mommy. mga isang oras lang naman ang makakain noon dahil 6 p.m panaman ang piano lesson ko.
"Talaga po?! sige ate.. dito naman ako nagbebenta ng sampaguita kaya sigurado akong ano mang oras ay nandito ako."
"Sige.. umuwi ka na ha, ingat ka!" kumaway saakin ang bata habang umaalis. Pumunta naman kaagad ako sa sasakyan. Kaunting lakad nalang din naman ay ang school na na pinapasukan ko. Titingnan ko pa bukas kung makakapasok ang bata para naman doon nalamang kami sa school mag aral.
Nang makababa ako ay dirediretso akong nag tungo sa aming silid aralan. I was so excited para bukas. Ito ang hilig ko mag turo sa mga bata. Ganon ang ginagawa kong past time pag mag isa ako sa kwarto at grounded ni mommy. Kahit papaano ay matutupad ang pangarap ko.
"Hindi ka nanaman mag lulunch?" Adina asks nang mapansing nag mamadali nanaman akong mag imis ng gamit pangalawang subject ko na kasi at kaklase ko nanaman ito.
"Hindi na.. Mauna na ako byee" hinalikan ko ito sa pisngi at dirediretsong lumabas. Inabotuan ko din siya ng sampaguita kanina pero tinawanan niya lang ako. Hindi naman daw siya santo para alayan ko ng sampaguita. Tinanggap pa din naman niya it at isinilid sa bag.
Nagtira ako ng iilang sampaguita s aking bag par pag nakita ko iyong lalaking yon s library ay bibigyan ko din siya.
Hindi nga ako nagkamali ng nakita ko siya s pinakadulo ng pasilyo ng library. Agad na nahuli ng mga mata niya ang akin. Lumiwanag naman ang paningin ko at nginitian ito ng matamis. Siya itong nakatitig lang saakin at hindi manlang ngumiti pabalik. Suplado!
"Kanina ka pa ba dito?" Tanong ko
"Nope, I just came"
Umupo na ako sa sahig para makalebel ito. Naandoon na din kasi ang libro na pinaheram niya hindi na ako nag abalang kunin pa. Pansin ko din na may mga bagong libro na ang nandoon. Binuksan ko ang bag ko para kunin ang mga sampaguita at ibigay ito sakanya.
"For you.." I giggled.
"What's that??"
"Flowers.. Sampaguita. Bili ko sa bata kanina.."
Tiningnan niya ito ng matagal. Nagawa ko pang iwagayway ang kamay ko dahil mukang wala siyang balak na kunin ito.
"Do I look like a saint?" Tanong niya laglag ang panga ko sa sinabi niya. Para lang ba sa mga santo ang sampaguita. Ganyang ganyan din ang sinabi saakin ni Adina kanina.
"A-ayaw mo ba?" akma ko na sanang itatago ito sa bag ko ng hawakan niya ang aking palapulsuhan.
"Thanks."
"Welcome.." nginitian ko ito ng malaki na ikinaiwas lang niya.
"Did you eat?" Oo nga dumiretso kaagad ako dito at hindi na kumain. Pero hindi ko na iyon isasaboses sakanya.
"Oo—" ang balak kong pagsisinungaling ay isinatinig naman ng kumakalam kong sikmura.
"Tss.." dinig kong pagsusungit nito. Galit ba siya? "Wait for me here." Tumayo ito at hindi ko umalis. Anong nangyare don bakit nag walk out?
Tinuloy ko nalang ang pagbabasa babalik panaman ata yon. Ilang minuto lang ay bumalik din naman siyang may dala dalang dalawang paper bag.
"Here.." abot nito saakin ng paper bag. Tinanggap ko naman iyon kahit wala akong ideya kung ano ang laman nito.
"Ano to?" kuryos kong tanong.
"Food."
"Bumili ka? bawal kumain dito.. pinayagan ka ng librarian magpasok ng pagkain?" sunod sunod kong tanong.
"Just eat it.. Ang dami mong tanong." Ngumuso nalang ako sa linatanya niya. Ang suplado talaga.
Binuksan ko ito at nakita ang ibat ibang uri ng pagkain. May pasta, sandwich, kanin at ulam. Sa kabilang paper bag naman ay mga desert, halos mapapalakpak ako ng makitang may strawberry cake dito. Sa sobrang excited ay yun agad ang kinuha ko at binuksan. Akma ko na sana itong kakain ng makita ko nanaman ang seryoso niyang pagtitig saakin.
"Sorry.. nakalimutan kitang alukin" napahagikhik ako ng maalalang siya ang bumili nito tapos hindi siya makakakain.
"Tsss. Muntikan mo na ngang bawasan agad." pagsusuplado pa nito.
"Mahilig ka din ba sa strawberry??"
"Not really." tipid nitong sagot.
"Ako to ang favorite ko.. Kaso hindi ako madalas makakain nito kasi sabi ni mommy bawal daw ako kumain ng masyadong matamis." Oo nga muntikan ko na makalimutan. Dahan dahan kong ibinaba ito sa sahig at tinakpan. Baka mapasobra ako.. Kahit hindi naman ako nakikita ni mommy ay labag padin sa loob ko ang pagsuway. Kahit sa pagbabasa ng libro ay hindi ko din mapigilan na maguilty.
"Why did you put it down?" bakas din ang kuryusidad nito. Napahinga ako ng malalim at dahan dahan dinampot nalang ang sandwich.
"Babawas nalang ako ng kaunti kasi bigay mo nakakahiya naman kung masasyang. Hindi ako pwede ng masyadong matatamis." Nagpeke ako ng ngiti para hindi masyadong maging awkward. Sayang naman ang effort niya sa pagbili.
"Your mom's not here. Hindi din naman kita isusumbong." Mahinahong sabi nito. Kinagatan ko ng sandwich habang nag iisip. Matagal din akong nagisip bago damputin ang cake sa sahig. Lumiwanag naman ang muka nito ng makita ang aking ginagawa.
"Sige na nga! ngayon lang to promise" natatawa kong sabi. Na kahit siya ay naiiling nalang din.
"Weird.." bulong pa nito.
"Thank you.." Bulong ko na ikinalingon niya. Sumubo ako ng cake at nag sasasayaw pa sa sobrang sarap. Tahimik lang naman siyang nanonood sa king galaw. "Try this.. dali!" Itinapat ko ang kutsara sa bibig niya. Ayaw pa niya itong isubo kaya inilapit ko pa ito lalo.
"LC ka ba? as in laway conscious?"
"Hindi."
"Then eat it.." Sinubo niya ang cake. Tuwang tuwa naman ako sa ekspresyong hindi niya maipinta. May kaasiman kasi ang strawberry at nag hahalong tamis dahil sa icing. "yummy right?"
"Ang asim.." I laughed at his expression. Ngumingiwi na kasi ito.
"Look at your face HAHAHAHAHA" Pagtawa ko pa habang tinuturo ang kanyang muka.
"Tsss." tanging sagot nito.
Ng mauhaw ako ay inabot ko ng bottled water na binili din niya. Akma ko na itong bubuksan ng inagaw niya ito saakin at siya na ang nagbukas. Ang bait naman niya.
"Thank you.." Uminom ako ng tubig. Ng maalala ang isang bagay na hindi ko nagawa kahapon ay agad akong lumingon sakanya.
"Anws.. What's your name?"
"Why?" gulat ako sa tanong niya. Ofcourse gusto ko malaman dahil magkaibigan na kami diba?
"Where friends ofcourse.. Gusto kong malaman" Nalukot ang ekspresyon niya sa sinabi ko. Teka. May mali ba akong nasabi? sobrang feeling close ko ba para sabihing magkaibigan na kami? Dapat pala tinanong ko muna.
"Friends. Tss." matabang nitong sabi.
"Ahh... sorry feeling close ko ba? pero akala ko kasi magkaibigan na tayo kasi diba ang magkaibigan—"
"Zyair.. Zyair Asher Vasquez." Putol nito saakin. Zyair Asher Vasquez.. Ang ganda ng pangalan niya. Bagay na bagay sakanya. Vasquez? Kamag anak ba siya nina tita Adriana? Gusto ko sanang isatinig iyon pero natutop din naman ang aking bibig ng bigla itong nagsalita.
"My friends call me Zyair.."
"Mas bagay sayo ang Asher.. I'll call you Asher.." Hindi ito sumagot kaya I assume na ayos lang sakanya. Mas maganda pakinggan ang Asher. "Ako naman si—"
"Blaire.." Bulong nito.
"Huh? pano mo nalaman pangalan ko?" Napaawang ang kanyang bibig. Bakas sakanya ang pagkagulat pero napawi din naman ng ituro niya ang aking ID.
"I read it." Ahh oo nga naman ang laki laki ng pangalan ko sa ID.
"Ah.. Pero to formally introduce my self. I'm Blaire... Avery Blaire Milana Silva. You can call me Blaire.. my friends and parents calls me Blaire, Si manang naman Milana.. You can give me nickname if you want."
"Tss. you're not that special para bigyan ng nickname." cold nitong sabi. Pero magkaibigan naman na kami. Bago ko a iyon sagutin ay nagsalita itong muli.
"It's 2 o'clock you have class right?"
"Oo.. napabalikwas ako at agad agad na tumayo. Mauna na ako Asher.. byeee" Kinaway ko ang aking kamay para mag paalam pagtayo ko ay hindi ko namalayan na bukas pala ang aking bag at nalaglag ang iba kong mga gamit. Lumuhod ako para kunin ang mga iyon at ipasok sa bag. Tinulungan naman ako ni Asher doon. Ng matapos ay sinara ko ito at siniguradong wala na akong naiwan.
"Thanks, Asher.."
"Be careful next time.. Bye Avery.."