Nag start akong magbasa ng panibagong book. Nakakapang hinayang lang dahil hindi ko natapos ang libro na pinabili ko kay Adina. Yung lalaki kasi sa library inispoil na nga ang story tapos iniuwi pa ito.
Yung story ay tungkol sa dalawang magkasintahan. Tutol ang mga magulang ng babae sa pagmamahalan nila kaya pinaglalayo sila. They fight for their love for each other kahit marmaing sagabal ay lumaban sila.
Bandang huli ng storya ay kinuha ang female lead ng story ng kanyang mga magulang dahil may malubha itong sakit. Walang kakayahan yung male lead na ipagamot ito kaya ang ending ay pumayag siya. And the saddest part is unconscsious ang babae dahilan para akalain niyang inabandona siya ng mahal niya.
Gusto ko pa sanang malaman if magkakabalikan ba sila. Kung may happy ending ba. Hays nakaka frustrate naman.
"Anong nangyayare sayo? kanina ka pang tulala"
"Hindi ko kasi natapos yung libro and someone spoil it for me!" nakabusangot kong sagot.
"Ayon lang? e kung makanguso ka jan halos umabot na sa mars.."
"Sayang kasi yung story ang ganda panaman.." pagmamaktol ko pa.
"Alam mo sumama ka nalang kasi sakin, just this once ipapakilala ko na sayo ang crush ko" Tiningnan ko ang ekspresyon nitong tuwang tuwa. Pag ganyan siya alam kong masaya talaga siya kaya pumayag nalang din ako.
Umattend lang ako ng klase and after noon ay pinuntahan siya sa gymnasium. Same time padin ang vacant ko sa kahapon. Gusto ko sana pumuntang library kaso naka oo na din ako kay Adina.
"Halika na.. Kahit kailan talaga may pag kapagong ka!"
"Oo na bibilisan ko na po Star.." Sumimangot nalang ito at hindi na ako hiniratan pa.
Paakyat na kami ng bench ng biglang tumalsik ang bola sa gawi namin dahilan para matamaan ako sa aking ulo.
"Sorry Miss" tumakbo sa pwesto namin yung lalaking nakatama ata saakin ng bola. Hinilot ko lang ito dahil may kalakasan iyon.
"Ayos lang.."
"Okay kalang ba? lumabas ba ang utak mo?" hinawakan ni Adina ang magkabila kong pisngi. Hindi ko alam kung concern ba ito o mas lumalamang ang pang aasar.
"Don't you know how to hold a ball?" Isang malamig na boses ang aming nadinig. Nilingon ko iyon at nakita ang apat na lalaking kapapasok lang sa gym.
"They're here" Bulong ni Adina na hindi nakatakas sa aking pandinig. Pamilyar sila saakin lalo na ang lalaking inagaw na ang bola sa nakatama saakin kanina. Parang nakita ko na ito.
Iginala ko ang paningin ko sakanila. Napakalakas ng karisma nilang lahat at hindi mapapagkailang ang gagwapo nga ng mga ito.
"You're here again Adina.." bati ng lalaking may hawak ng bola. Siya lang itong naglakad papalapit saamin at ang ibang kasama ay naupo na sa players bench. "I know you.. Parang nakita na kita.." Napakamot pa ito sa kanyang ulo tila nag iisip kung saan kami nag kita.
Ipinilig ko ang aking ulo para mag isip din. Saan nga ba?
"Tama! sa library.. ikaw yung."
"Arlo!" Sigaw ng isang lalaking kasama nito na mukang suplado.
"I'll get going.."
"Tss. kahit kailan talaga yang lalaking yan." Nagawa pang iikot ni Adina ang kanyang mg mata. So siya pala iyong sa library at kung hindi ako nagkakamali ay Arlo ang pangalan niya dahil iyon na din ang tinawag ng kasama niya sakanya.
"Saan kayo nag kita? at paano?"
"I think sa library.. It was just an acident long story." Tiningnan ko ang grupo nila na ngayon ay nag wawarm up na. Pabalik balik naman ang tingin ni Adina sa pinakamatangkad na lalaki sakanila. Siya iyong may nakadepinang panga at napaka gwapong muka. Si Arlo ay mukang mabait na may pagkasuplado gayon din ang tatlo pero parang sampung beses ata ang pagiging suplado nito.
Naagaw ng atensyon ko ang paglalaro nila. Hindi ko alam kung varsity ba sila dito o P.E class nila ito. Sobrang dami na din kasing manonood ang nandito. Nadidinig ko na din ang pag sigaw ni Adina sa aking tabi.
"Go Hazee!!!" sa sobrang lakas noon ay tinakpan ko nalang ang tenga ko. Parang sasabog ang ear drums ko ngayon. Sana pala pumunta nalang akong library.
Speaking of library, ibinalik na kaya noong lalaki ang libro ko? Babasahin ko pa nga pala ang librong pinahiram niya. Iniintay ko nalang matapos ang laro at makapag paalam kay Adina. I still have more time. Yayayain ko na sana ito lumabas ng gym ng makababa kami ng hinila niya ako sa grupo ng mga lalaki kanina.
"Haze.." paninimula nito.
"Adina. You're still here" Sabat ng lalaking si Arlo. Samantala naman yung Haze na tinawag niya ay tiningnan lang siya.
"Oo, Arlo."
"Ah.. Adina mauna na siguro ako.." Naagaw ng boses ko ang atensyon nilang lahat. Nilingon nila ako sa likuran ni Adina.
"May kasama ka pala?" tanong ng isang lalaki
"Ahh. Oo Draven this is Blaire my best friend. Sila naman si Draven, Arlo, Silas and Haze." Isa isa niyang turo sa mga ito. Si Draven iyong nagsalita kanina. Si Arlo naman yung nakabungguan ko sa library. Si Silas itong napaka seryosong muka at akala mo ay anytime ay susuntukin ka. Si Haze siya itong kanina pang tinititigan ni Adina na ubod ng suplado. Nakakaintimidate maningin. "Nasaan si Zyair?" Luminga linga pa si Adina tila may hinahanap so lima pala sila..
"We don't know." Maikling sagot noong nag ngangalang Silas. Kahit ang boses niya ay napakalamig.
"Nice to meet you all.. Aalis na ako ha may pupuntahan pa ako." Pagpapaalam ko sakanilang lahat pagtalikod ko ay nadinig ko pa si Adina na tinawag iyong si Haze. Hindi ko na sola nilingon at dirediretsong pumuntang library.
Tinahak ko ang pasilyo kung nasaan ko nakita ang lalaki kahapon at kung saan nakatago ang librong pinaheram niya. Nakita kong nandoon ang libro na pinaheram niya pero bigo ko siyang nakita doon. Baka naman hindi na iyon babalik dito. Para akong nadismaya na hindi ko maintindihan dahil hindi ko nakita ang nga mata niya. Ganitong ganito din ako sa mga matang plagi ko nasisilayan noon. They have similarities tho.. Hindi kaya? Ano ka ba Blaire.. Malamang hindi e ngayon mo lang naman iyon nakita.