"Hi Blaire.." Bati saakin ng kaklase kong nakasalamin. Shocks nakalimutan ko tanungin ang name niya I even forget na nag paalam siya na tabihan ako sa subject na mag kaklase kami. Hindi ko din naman alam na seseryosohin niya iyon.
"Hello.." Bati ko sakanya. Nag hehesitate pa akong tanungin ang pangalan niya kaya tanging pagbati nalang din pabalik ang nagawa ko.
"Charmelle nga pala.." nahihiya nitong sabi habang umuupo na sa upuan.
"Hello, Charmelle.." pag uulit ko sa bati ko kanina. Tahimik lang din naman katabi si Charmelle. Nakikinig siya at nag susulat din naman ng mga notes sa notebook niya.
Maagang nakatapos sa discussion ang professor namin kaya tumayo na ako at nag imis ng gamit para makapunta na sa next subject ko.
"Bye, Charmelle.. Nice seeing you again. Mauna na ako ha may next subject pa ako." pagpapaalam ko naman dito dahil pansin ko ang paglingon niya saakin.
Naglakad na ako papunta sa room namin. Wala pa si Adina dito baka hindi pa tapos ang klase nila. Habang nagiintay ng mga kasamahan ay nag browse muna ako sa cellphone ko ng soft copy ng librong binbasa ko. Pampalipas oras manlang para kahit papaano ay makausad na ako sa pagbabasa. Kakaunti lang din naman ang difference ng soft copy sa nilalaman ng physical book. Mas prefer ko lang talaga ang physical book.
"Ang aga ha!" Tinapik pa ako nito saaking lukiran.
"Where have you been?" Tanong ko habang iniintay na makaupo ito. "Bakit ngayon kalang?"
"Isa isa lang naman ang tanong!"
"hmpp.." nakanguso kong sagot dito.
"Para namang miss mo ako e ayan nga at hindi mo namalayan na dumating ako dahil jan sa pagbabasa mo ng libro."
"Oo na.. I just ask lang naman po.."
"After nito lunch break mo na din?" pagiiba nito sa topic namin kanina. Hindi talaga sinagot ang tanong ko kanina.
Tumango lang ako bilang sagot. Ewan ko na talaga sa babaeng to. Napaka secretive din talaga.
"Ano ba Blaire, matagal ka pa ba jan? tara na.. I'm starving!"
"Akin na nga yan tulungan na nga kita.. bakit ba kasi ang bagal bagal mo kumilos"
"Ako na Star.. tingnan mo oh nagugusot mga notebook ko." Nakasimangot kong sagot, at inalis ang mga nagusot kong notebook na pinagsasalpak niya sa loob ng bag ko.
"Ano ba Blaire.. sabi ko wag mo na akong tawaging star diba. Adinah.. o kaya Celeste. Tawagin mo akong ganon. Doon na ako sanay" pagmamaktol pa nito habang pinapanood akong maingat na inilalagay ang mga gamit ko. Asar nanaman yan!
"Bakit naman.. Sanay na akong Star ang tawag sayo. Ayon nga pakilala mo saakin nung una tayo magkakilala. Na ikaw si Star kasi Celes—" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng tinakluban niya ang bibig ko. Ayon naman talaga ang sabi niya noon ang pangalan niya kasi ay Adinah Celeste Rosales. Celeste daw means star kaya star nalang tawag ko sakanya. Kaya ewan ko ba ngayon bakit nagagalit siya pag star tawag ko sakanya. Weird.
Bukod doon ay ayan lang talaga ang nag aatahimik sakanya. Asar na asar din talaga siya pag binabanggit ko iyan.
"Noon yon, bata pa tayo non. First year college na nga tayo ngayon"
pagmamaktol niya
"Bata panaman tayo hanggang ngayon ah.." mahinahon kong sabi sakanya
"Dalaga na kaya tayo.. ano kaba! at anong bata baka kamo isip bata ka Avery Blaire Milana." Ng matapos ko ang aking pag liligpit ay agad agad din niyang inangkla ang kamay niya sa braso ko.
Adina ordered a lot. Ganyan talaga siya pero hindi naman tumataba.
"After this samahan ko ako sa gymnasium" nagmamadali niyang sabi halos mabulunan na kakasalita. Malamang pupuntahan nanaman niya ang crush niya. Past time na ata niya ito.
"Uh.. ikaw nalang muna siguro." Minsn sinasamahan ko ito dhil may suhol siyang mga libro saakin. Para lang akong batang nagbabasa habang nasa tabi niya. Madalas naman ay naghihiwalay na kami at pumupunta akong library.
"Ha? bakit?" nagtataka niyang tanong.
"Pupunta pa kasi ako ng library may kailangan akong basahing libro para sa research natin kay Sir Enriquez."
"Ha? e diba next week pa ang pasahan non?" pabalik balik na ang tingin niya saakin at sa pagkain niya.
"Gusto ko lang i advance.." pinaningkitan niya ako ng tingin na tila binabasa ang aking isipan.
"Sus! kung hindi lang kita kilala maniniwala na sana ako.. Sige na enjoy reading books!"
One thing na maganda kay Adina ay basng basa na niya ako at hindi niya din ako pinipigilan sa gusto ko lalo na at taliwas iyon sa kanyang gusto. We just both support each other.
She also knows na dito lang din naman ako nakakapagbasa ng mga hilig kong libro kaya hinahayaan na din niya ako. Isa pa nga siya sa tumutulong saakin para makapuslit ako ng mga libro.
"Sorry.."
Tinatahak ko ang daan papuntang library ng biglang may nakabungguan akong babae na tila nagmamadali. Tiningnan lang ako nito at agad agad din naman patakbong umalis.
Nang makadaan ako sa pasilyo ng mga tao kanina ay agad agad akong nag tungo sa dulo ng library. I was hoping to see my books here dahil dito ko ito inilagay.
But there's no signs of romance book here. Nasan iyon! Impossible naman may mag iinterest doon e tinago ko iyon sa kasuluksulukan.
Paghakbang ko ay napansin ko ang isang lalaki na natutulog sa dulo. Bago ito saakin dahil s ilang buwan kong tambay sa library ay ito na ang nag silbing tambayan ko. Ngayon lamang may naligaw dito.
I saw my book na nakatabon sa muka niya dahan dahan ko itong kinuha s pag aakalang hindi ito magigising. Laking gulat ko ng hawakan niya ako sa aking palapulsuhan at tinanggal ang librong nakatabon sa muka niya.
"Who are you what are you doing here!" Imbis na pansinin ang sasabihin niya ay nakatitig lang ako sa mga mata niyang medyo pamilyar.
"Are you deaf??" bumalik ako sa aking katinuan at nag iwas ng tingin. Ang kamay niya ay nananatili pa din saaking pala pulsuhan. Ng mapansin niya iyon ay agad din niya akong binitawan.
"Sorry.. gusto ko lang sana kunin ang book ko.." Tinaasan niya ako ng kilay at tiningnan ang hawak nitong libro.
"How come this is your book? e nasa library ito.. Kaya pag mamay ari ito ng library. Kumuha ka ng ibang libro jan. I'm still using this"
"Pero.. that's mine" malungkot kong sabi. Oo nas library ito at tama naman siya lahat ng nandito ay natural na sa library at lahat ay pwedeng gumamit. But that romance book is mine.
"Do you have your name on it?" Itinaas pa niya ito para suriin. "Are you the author of this book?" He said. Ang gwapo gwapo naman sana niya kaso bakit ang sungit. I need to get that book para naman may patunguhan ang lunch break ko and last 10 chapters nalang oh! kailangan ko malaman kung nagkabalikan ba ang bida o hindi.
"Wala.. and I'm not the author of that book"
"Ayon naman pala e.. Go find another one." Bbalik na sana ito sa pagkakatulog ng hilain ko ang palapulsuhan nito na nakapag patigil sakanya.
"Pero 10 chapters nalang matatapos ko na iyan. Just please let me borrow that book.. Promise mabilis ako magbasa!" I raised my right hand na parang manunumpa. Nginitian ko na din ito ng pilit para pagbigyan niya ako. Hindi ito sumagot at tinitigan nalang ako.
"Ginagamit ko pa nga."
"Just 10 minutes please.."
"I'm still using it. Besides ako ang nauna."
"Please.." pinagsiklop ko pa ang dalawa kong daliri.
"Mamamatay lang naman ang bida dito." Laking gulat ko sa sinabi niya. Did he just spoil the story! No way!
"Really.." Tumango lang ito. Agad naman akong napabusangot. Tinitigan lang niya ako gamit ang kanyang seryosong ekspresyon nakasalampak padin kami parehas sa sahig. Wala na ata akong balak tumayo dahil sa nalaman. Sayang naman at wala silang happy ending ng bida.
"Read this book instend.." Pagbasag niya sa katahimikan. Kinuha ko ang inilahad niyang libro saakin.
"Wala masyadong libro dito.. lalo na at romance book. Is this yours?" Tumango lang siya bilang sagot saakin. Kinuha ko nalang iyon at balak nang basahin ng tumayo siya.
"Thank you.."
"Read that and just leave it here if your done. O kung hindi mo matapos bago mo nalang balikan." Sabi nito na ikinatango ko. Pinanood ko ang likod niyang nag alakad palayo akala ko ay tuluyan na itong lalabas pero laking gulat ko ng tumigil ito at bumalik sa gawi ko.
"Is this really yours?" Itinaas niya ang libro kong hawak pa din pala niya hanggang ngayon.
"Ah.. Oo iniiwan ko lang dito kasi.." Ng marealized ko ang sasbaihin ko dapat ay agad ko itong tinigil.
"Let me borrow this. Tutal I let you borrow mine." Tumango nalang ako at hinayaan na itong umalis. Akala ko ba nabasa na niya iyon. Ang gulo din pala nitong lalaking to.