Chapter 10

1687 Words
"Ready ka na ba Milana?" Nakatayo si Manang Esmeralda sa kanang bahagi ng aking Vanity table. Kanina pa siyang pabalik balik saakin at tinititigan ako. This past few months ay ganyan na siya. Siguro dahil na din sa nangyare noong graduation ko. "Yes po, Manang.." "Ah.. Milana anak, pwede ba mag tanong si Manang?" bakas sa muka niya ang hesitasyon ng tanungin niya ako. Tumango ako bilang sagot. "Hindi mo na ba ulit nakikita yung babae sa parking lot?" Hindi ko alam pero ng mga nag daang araw ay napapadalas din talaga ang tanong niya saakin tungkol sa babaeng nag abot saakin ng panyo. "Hindi na po, Manang. After that incident po I never got the chance to see her again. Bakit po Manang may problema po ba?" Agad naman na umiling si Manang. "Ay nako hayaan mo na nga iyon.. Masyado lang ako matanong pasensya na. Halika na mabuti pa ay bumaba na tayo para makapag almusal ka na." Wala sila mommy at daddy ngayon sa bahay dahil may business trip sila sa ibang bansa. One night ay ng videocall si daddy nas likudan lamang nito si mommy at hindi nakikisali sa kulitan naming dalawa. Ng matapos kami ni daddy ay kinuha niya ang cellphone dito. "Blaire.. I know you know that you are being monitored. Hindi porket wala ako jan ay susuway ka na." Panimula nito. "Yes po mommy I know." "Attend your piano lesson. After school umuwi ka agad sa bahay. No romance book.. malaman ko lang na nagbabasa ka jan sa pamamahay ko you will face a consequences I'm expecting you to have a good grades so you have to study well. I don't want a burden ayako sa sakit sa ulo". "Yes po mommy. I will.. I miss you po mommy nd I love you" Sandaling natigilan si mommy. Ako naman itong hinihintay ang isasagot niya. "Bye!" Ilang segundo din itong napatigil. at pinatay na ng tuluyan ang tawag. Parang kumirot ang puso ko ng dahil doon. What am I expecting mommy isn't affectionate. Alam ko naman deep down na namimiss niya din ako. Gaya ng sabi ni mommy I was monitored by everyone of them special kay Manang from time to time ay nirereport nila ang ginagawa ko kela mommy. Mas lalong humigpit saakin si mommy kailangan ay bahay, piano lesson sa bahay at pag aaral ang aatupagin ko. As expected mommy choose a Financial business course for me. Hindi ko man iyon gustong kurso ay wala din akong magagawa. Adina took an Architecture masaya ako para sakanya dahil alam kong ito ang gusto niya. Noon palang she's very vocal s pagiging architecture sobrang galing nga din nitong mag painting at mag drawing. What more sa pagdedesenyo ng bahay. May isang o dalawang subject nga lang ata kami mag kaklase. Minsan ay hindi pa sabay ang aming vacant kaya bumalik ako sa dating gawi. Bumibili ng romance book at tatambay sa library para magbasa. "Booo!" napapitlag ako sa pang gugulat saakin ni Adina. "You scared me" Napatalon ako sa gulat ng makabawi ay sinamaan ko ito ng tingin na ikinatawa lang niya "Tapos na ang klase mo?" "Oo e! sobrang kapagod! Tara kain tayo.." Hihilahin na sana niya ako sa palapulsuhan ng iiwas ko ito. "Ayoko nga, tapos mamaya yayayain mo nanaman ako sa gym.. Hindi na lang Star!" Nanlaki ang mata niya at agad agad na tinakpan ang aking mga bibig. "Adina nga Adina.. Alam mo namang ikaw lang nakakaalam nung kakadiring nickname na yon!" "It's not nakakadiri no" pag eemphasize ko pa sa kadiri na word. "Ang cute kaya.." Napanguso lang siya. Nasanay nalang din siya saakin na inaasar siya. Pag kasi niyaya niya akong kumain ay dumiduretso kami sa gym para manood daw ng basketball dahil nandoon ang crush niya since high school. Ayaw ko nga noon hindi ako mahilig. Kaya ang ginagawa ko para tigilan niya ako ay tinatawag ko siyang Star. Muka namang effective dahil nanahimik na siya sa tabi ko. "Cute ka jan!" "Teka.. did you bring it Adina?" I asked. "Alin?" pag mamaang maangan pa nito. "Yung pinapabili ko.." "Alin nga?" "Yung libro.. Give it to me please.." Inilahad ko ang palad ko sa harapan niya. Matagal siyang napatitig dito. Nangangalay na ako kaya ginalaw gaaw ko pa ito habang nag hihintay. "Oo na.. Oo na. Tingnn mo tong babaeng to kung hindi lang kita kaibigan. Hmm.. nako ka!" Binuksan niya ang bag niya. Medyo matagal pa ito kaya tinulungan ko na siya. "Aray ha excited masyado!" Nanlaki ang mata ko sa bagong biling libro nito. "Thank you talaga! the best ka" niyakap ko ito ng mahigpit sa leeg. Hindi naman ako nahirapan dahil magkasing tangkad lang kami nito. Siguro ay parehas kaming around 5'6 flat. Tinahak namin ang daan papuntang library. Nagulat naman ako na sumusunod padin pala ito. Akala ko kasi ay maiisipan nanaman niyang umalis at dumiretso na doon sa crush niya. "Ang boring naman kasi dito, Blaire.. Kaya nga niyaya nalang kita sa labas e. Wag na dito!" pabulong nitong sabi saakin. Pinipilit na hindi makapag ingay dahil baka mapagalitan ng librarian. "Star.. wag ka masyadong maingay" sinenyasan ko pa ito para tumahimik siya. "Adina nga! Lumabas na kasi tayo—" "Silence please.." saway ng librarian. Hindi talaga maatim ni Adina na manatili sa lugar kung saan tahimik. Para siyang mag kakasakit pag hindi nakapag ingay. "I give up, Blaire.. Lalabas na ako—" "Observe Silence!" madiin na sabi ng librarian. "Oo na oo na.. Blaire aalis na ako magkakasakit ata ako dito. Kainis naman tong librarian na to ang sungit sungit may regla ba siya?" pahabol pa ni Adina. Pinagmasdan ko nalang ang likod nito na unti unting tinatahak ang daan palabas sa library. Finally wala nang makukit at mabbas ko na ang romance book na pinabili ko sakanya. Ang ganda nitong libro na binabasa ko. Pitong series ito at pangalawang book ko na ito. If mommy allowed me to read this kind of book siguro ay tapos ko na ang lahat ng pitong iyon within a month. Nang matapos ang vacant ko ay pumunta naman ako sa next subject ko. Ganoon ulit hindi ko nanaman kaklase si Adina. Nakaupo lang ako sa may bandang gilid maapit sa bintana. Hindi naman sa ayaw ko makipag socialize sa iba It's just that ang hirap makipag usap. "Okay class.. for your activity that will be submitted on monday please refer to the handouts that is uploaded on our school portal. Class dismissed." Nagsitayuan naman ang mga kaklase ko at kanya kanyang tungo sa sunod na subject. Tiningnan ko ng schedule sa phone ko. Next class ko pala ay kaklase ko na si Adina. Finally! may makakatabi na akong komportable ako. "Blaire.." Kaway ni Adina. Nakaupo na ito s pngalawang row. Ang aga niya atang nandito. "You're early.." "You're just late." She rolled her eyes. Ako naman ay inabala na ang pag aayos ng gamit para makaupo sa aking upuan. "Ang tagal naman ng prof!" pagrereklamo pa nito. Kakapasok palang naman sana namin. "Maaga pa kasi.." "Kahit na! ay alam mo ba one thing I like sa pagiging college na recently ko lang na discover." Lumapit siya bahagya saakin. Nag titipa siya sa cellphone niya habang nag sasalita may katext ata. Ang galing! Kung ako siguro yon baka kung anong sinasabi ko ngayon ay yun na din ang nasabi ko sa kausap ko. "Ay pwede n pala tayong umalis if the prof is 15 mins late.." "Really? means.. if our next professor would be late today for 15 mins automatic dismissed na ang klase?" Nabuhayan ako habang sinasabi iyon. Iniisip ko palang na mahaba ang time ko para makapag basa ay tuwang tuwa na ako. "Yeah." Sagot nito ni hindi na ako tinapunan ng tingin. Masyado na ata siuang focus sa cellphone niya. Kulang nalang ay pumasok siya doon. Patingin tingin ako sa cellphone ko par masure kung may 15 mins na bang wala ang prof namin. Nakakainip lang kasi dahil medyo maaga kaming nakapunta dito ni Adina. Wala din naman nangyare sa kaiintay ko dahil dumating ang prof namin. Sayang lang at isng minuto nalang sana. "Sayang.." "That was close!" Sabay naming sabi ni Adina. Both of us ay nadismaya dahil sa pag aakalang hindi na dadating ang professor. Just like the usual setting we tackle about our lesson for this day. Nakikinig ako habang nag tatake down notes while Adina is still on her phone. Just wonderin' sino naman kaya ang kausap ng babaeng ito. Natitigil lang ata siya kanina sa katitipa dahil may group activity kaming gagawin. Ng makabuo ng grupo ay agaran din namang bumalik ang atensyon niya sa kanyang cellphone. "Blaire.. ayos lang ba kung ikaw na ang gumawa sa part na ito? Tapos yung kay Adina naman ay ito.. ikaw nalang sana ang magsabi dahil mukang abala siya." Malumanay na wika ng isang babae kong kaklase. She's wearing a glasses na ang tataas ng grado. Nakatulala din siya saakin muka na parng kinakabisado niya ito. Ng mapansing nakatitig ako ay agad siyang pinamulahan ng pisngi. "Sorry, Blaire.. di lang ako makapaniwalang may ganyang kagandang babae." ng ma realized ang sinabi niya ay agad niyang tinampal ang noo niya "Straight ako ha! lalaki din ang gusto ko. I just appreciate your beauty. At mukang mabait kapa sana ako din ganyan kaganda kagaya mo" "Maganda ka.. And thank you for appreciating my beauty. But I hope you appreciate yours also" I smiled genuineley totoo naman e maganda siya. Para saakin wala naman talagang ginawang hindi maganda ang diyos it's the society that sets the standard for beauty and not God. "Buti ka pa ang bait bait mo.." pagdudugtong pa nito hindi pa din nabubura ang bakas ng paghanga s kanyang mga mata. Medyo nahihiya na nga ako dahil sa pag titig niya. "Hindi naman.." nahihiya kong sagot. "Oo kaya.. saka pala mag kaklase tayo sa iba pang subject pwede ba tumabi ako syo sa upuan?" "Sure.." I answer na ikinalaki ng ngiti niya. Natuon din naman ang buong attensyon namin sa ginagawa activities. Ginawa na din ni Adina ang part niya matapos ko itong maexplain sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD