bc

Doña Paz

book_age16+
10
FOLLOW
1K
READ
fated
second chance
confident
inspirational
drama
tragedy
serious
first love
ancient
servant
like
intro-logo
Blurb

Teaser:

Sa isang parte ng malagim na kasaysayan ay may nakatagong lihim na kwentong pag-ibig. Isang pag-iibigan na sinubok ng trahedya, panahon, at sitwasyon. Maaring nabaon na sa limot ng karamihan ang pangyayari ngunit para kay Eve kahapon lamang ito nangyari.

Dise-nuwebe lamang noon si Eve nang umibig kay Nick na anak ng kanyang amo. Tutol ang mga magulang nito sa kanilang pag-iibigan dahil sa agwat ng kanilang pamumuhay. Dahil mahal nila ang isa't -isa, minabuti nilang magtanan na lamang upang makapamuhay nang may kalayaang umibig. Habang lulan ng barkong Doña Paz, punong-puno ng pag-asa ang magkasintahan. Hindi nila lubos akalain na ang nagdala sa kanila ng pag-asa ay siya rin namang nagdala ng trahedya. Mas matibay kaya ang kanilang pag-ibig kaysa nagngangalit na apoy sa malawak na karagatan?

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Disclaimer: Ang kuwentong ito ay kathang-isip lamang base sa malagim na trahedyang sinapit ng barkong Doña Paz. Kung mayroon mang kapareho ng pangalan sa kuwento, ito ay nagkataon lamang, maliban sa ilang kumpirmadong nakaligtas sa trahedya. Hindi po layunin ng kuwentong ito na siraan ang sinumang biktima ng trahedya. Bilang pagbibigay-galang sa mga biktima ng trahedya at pamilya ng mga naiwan, sinikap po ng manunulat na gumagamit ng pangalan na wala sa manipesto ng barko sa pangyayaring iyon. Maaring hindi na naabutan ng mga bagong henerasyon ang tungkol sa pangyayari, maging ang manunulat ay hindi pa pinanganak ng taong iyon, pero sa pamamagitan nito, maaaring maabot ang mga puso ng bagong henerasyon ito at mahikayat na tingnan at alalahanin ang nakaraan at matuto mula sa pangyayaring iyon.

chap-preview
Free preview
Unfolding The Past
August 08, 2022 - Manila "Tama na, baka makita tayo ng parents ko," wika ni Enya. Pilit itong kumakawala sa yakap at halik ng kasintahang si Eddie. Kasulukyang nasa huling taon sa koloheyo si Enya Castillo na kumukuha ng Tourism Management. Sa edad na bente-dos ay patago itong nakikipag-relasyon sa kaklase niya. Palibhasa'y kinantiyawan ng mga kaibigan na wala pang boyfriend, napilitan si Enya na sagutin si Eddie. Habang tumatagal ang relasyon nila, lalong nagiging mapusok si Eddie at niyaya siya nito na gawin ang bagay na hindi dapat mangyari. Hindi sang-ayong si Enya sa bagay na ito, kaya unti-unting nawalan siya ng tiwala niya sa lalaki. Nasa kotse sila sa harapan ng bahay nila dahil inihatid siya nito pauwi. Kahit na tinutulak niya ito, hinigpitan nito ang pagkakayap kay Enya at patuloy pa rin ito sa paghalik sa kanya. Hindi na nakatiis si Enya at sinampal niya ito. "Ayaw ko na! Hindi mo na ako nirerespeto eh. Let's end it here," madiing wika ni Enya. Sa lakas ng pagkakasampal ni Enya, natauhan si Eddie. "What!" "You heard me. Huwag mo akong ituring na kaladkarin. Hindi ka na nakakatuwa." "Are you serious?" naguguluhang tanong nito? Akala kasi nito ay liberada si Enya tulad ng ibang mga kaklase niya at na ayos lang kay Enya ang pinag-gagawa nito. "Mukha ba akong nagpapatawa? Break na tayo." "Okay. If that's what you want. You're not a good kisser though," ininsulto pa nito si Enya. Noon lang napagtanto ni Enya ang habol sa kanya ni Eddie. Hindi makapinawala si Enya sa tinuran ng lalaki. "You know what, mabuti na lang talaga nagtira ako para sa sarili ko. At least may pride ako para ipaghambog na hindi mo ako maihahanay sa mga babaeng nakuha mo. Akala ko pa naman may chance kang maging matino. Mabuti na lang talaga," parang pakiramdam ni Enya nakaligtas siya sa panganib. Dali-dali siyang bumaba ng kotse. "Para sabihin ko sa'yo, pinagpupustahan ka lang namin kung kakagat ka..." biglang sumabad si Enya, "At natalo ka sa pusta!" at tumawa si Enya. 'Yong tawang may halong mapang-asar. "You're not even beautiful compare to other hot girls following me around," napipika na si Eddie kaya sinagad na ni Enya ang sitwasyon. "Kaya nga eh. Ako pa na hindi maganda ang tumalo sa'yo. Umalis ka na, kung hindi..." may sasabihin pa sana si Enya nang may nagsalita sa likuran niya. "Sino 'yan, Enya?" tanong ng daddy niya na papalapit sa kaniroonan nila. "Ah, naliligawa daw po siya dad. Sabi ko hindi rito ang address na hinahanap niya," palusot ni Enya. "Sige po, salamat," wika ni Eddie at nagpa-alam. Bakas sa mukha nito ang galit at frustration. Napahampas pa ito sa manibela nang makamaniobra ang sasakyan. At pagkatapos ay pumasok na silang mag-ama sa loob ng bahay. Tahimik si Enya pero mas natatakot siya dahil mas tahimik ang daddy niya. Pakiramdam niya gigisahin siya nito pagkapasok. Mabait ang daddy niya, hindi sila pinagbabawalan sa mga gusto nila pero kapag ang mabait ay magalit ay matindi. Pakiramdam ni Enya katapusan na niya. Naiisip niya, magkunwari ba siya o magsabi ng totoo? Hindi naman siya pasaway na anak. Ang tanging kasalanan niya ay ang pumayag sa pambubuyo ng mga kaklase niya. Akmang aakyat siya sa kwarto niya nang magsalita and daddy niya. "Enya, we need to talk," seryosong wika ng daddy niya. Ganoon na lang ang kaba ni Enya. Ito na nga yata ang katupusan niya. Napakuyom siya ng palad upang humugot ng lakas para magsalita. "Can we talk tomorrow? It's been a long day, dad," palusot ni Enya. "This can't wait until tomorrow. We need to talk now. And by the way, where's your car?" "Pumunta si kuya kanina sa university. Kailangan daw niya ng sasakyan para sa field study sa work niya. Nasa mechanic daw ang kotse niya." "Ah, ganoon ba? Bakit hindi na lang ang kay mommy ang ginamit niya? Anyway, mamaya na siya. Follow me. Mom and I will talk to you." Wala nang magawa si Enya. Ayaw naman niyang magmatigas baka lalong magalit ang daddy niya sa kaniya at baka lalong madagdagan ang kasalanan niya. Hindi deserve ng parents niya na suklian ng masama ang kabaitan nila. Wala siyang masasabi sa kabaitan at very tolerant na parents nila. Lahat ng gusto nila basta lang alam nila ang limitasyon ay pinapayagan sila. When she asked for a car, they gave her. They can go out to party. Ang tanging hiling lang ng parents nila ay huwag maglihim kung may manliligaw man sa kaniya. Sila ng kuya niyang si Nick Jr. ay maluwang sa lahat ng bagay. Bagay na wala ang ibang kabataan na kaedad nila. Ito ang bagay na dapat nilang pahalagahan at ipagpasalamat nila sa mga magulang nila. Tinuruan sila ng mga magulang nila na maging close friend, hindi lang magkapatid. Handa silang magsakripisyo para sa isa't-isa. Kahit pa matanda ng apat na taon ang kuya niya, para lang silang magka-edad kung ituring ang isa't-isa. Pero hindi alam ng kuya niya ang tungkol kay Eddie na ngayon ay ex-boyfriend na niya. Inilihim niya ito pati sa kuya niya sa takot na baka magkagulo. Napaka-protective kasi ng kuya niya kaya tiyak niyang gulo ang magaganap kapag nagpang-abot sila ni Eddie. "Bahala na nga," wika niya sa isip. Pagdating sa study room ng daddy niya, nandoon na ang mommy nila. Inabutan siya nito ng hot chocolate. Tinanggap naman ni Enya ito sabay upo sa harapan ng mommy niya. Tahimik. Nakakailang ang katahimikan, kaya naglakas-loob siyang magsalita. "Okay. So, what is this all about?" tanong ni Enya. Kunwari hindi niya alam ang pag-uusapan, pero alam niyang ito ay tungkol sa ginawa niyang lihim na pakikipagrelasyon. Baka may nag-sumbong, o nakakita sa kanila na kakilala ng mga magulang niya at ipinaalam sa mga ito. Nagbulung-bulungan ang mag-asawa, waring nagtutulakan kung sino maunang magsalita. "Gusto mo bang marining ang love story namin?" wika ng mommy niya. Hindi maintindihan ni Enya kung bakit ganoon ang sinabi ng mommy niya. Ang inaasahan niya kasi ay sisermunan siya ng mga ito. "You've told us hundred times already. Oo na, kayo na ang may pinakamagandang love story. Sana all," sarkastikong wika ni Enya. "What you've heard was just a small part of what really happened. We tried to forget that part of our love story but I think this is timely, especially that you guys are now in the process of exploring this kinda thing." So, kumpirmado nga. Alam na ng mga ito na nakipagrelasyon siya. Kung sinuman ang nakapagsabi sa mga magulang niya ay may utang sa kaniya. Pakiramdam niya, na-invade ang privacy niya. Imposibleng ang kuya niya nagsumbong dahil kung alam lang ng kuya niya ang ginawa niya, baka nauna pa siyang pagalitan nito. Pero sa kabilang banda, aminado siyang malaki ang kasalanan niya. Mabuti na lang hindi siya naisahan ng mokong na iyon. Sabagay, laging pangaral ng parents niya dapat ay hanapin niya ang tao na igagalang siya. "What do you mean?" naguguluhang tanong ni Enya. "Hindi kami unang nagkakilala ng mommy mo sa rest house natin sa Pola," wika ng daddy niya. "O-Okay," medyo interesting ang maririnig ni Enya. Palipat-lipat siya tingin sa mommy at daddy niya na naka-arko ang kaliwang kilay. "So, what really happened?" pahabol niya. "Dise-nuwebe lamang ako noong namasukan ako bilang kasambahay sa pamilya ng daddy mo. Na-hit and run ang mga magulang ko noong sampung taong gulang pa lang ako. Ang lola na ang nagpalaki sa akin. Pero dahil may-edad na ang lola at siya ang kumakayod sa amin, nagkasakit siya at..." naging emosyunal ang mommy niya habang inalala ang kabataan niya. Alisto naman ang daddy niya upang aluin ito. "At hindi na niya nakayanan anupa't iniwan ako. Napilitan akong pumasok bilang kasambahay sa Catbalogan City, sa pamilya ng daddy mo," lahad ng mommy niya. "Wow," tanging nasambit niya. Napanganga pa nga si Enya sa natuklasan. "At hindi lang iyan," dagdag ng daddy niya. "Oh so, mayroon pa?" "Gaya ng sabi ko sa'yo maliit na parte lang ng kwento ang narinig niyo," wika mommy niya. "Binibitin niyo ako eh." Na-excite tuloy si Enya. Imbes na kakabahan siya sa maaaring maging parusa niya, napalitan ng excitement.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook