Nang makauwi si Eve sa tahanan ng mga Castillo, ang bumungad sa kanya ay si Lindy. Nakaupo ito sa couch ng sala. Pinagmasdan siyang maigi nito mula ulo hanggang paa. Umarko uli ang isang kilay nito. Sinisikap ni Eve na maging kalmado na tila ba walang malisya. Hindi niya alam kung nandoon na ito sa loob ng disco at napanood ang eksena kanina pero sinikap niyang huwag maasiwa sa tingin nito sa kaniya.
Umiling ito at nakangiwi ang mga labi.
"Grabe, what a scene!" bungad nito sa kaniya.
"Good evening po, ma'am," bati niya.
"At dinamay mo pa si kuya kanina ah."
Doon nakumpirma ni Eve na nakita nga sila nito kanina sa disco. Walang mahagilap si Eve na sasabihin kaya nagsorry nalang siya.
"Sorry po. Hindi na mauulit," wika niya sabay tungo.
"Teka nga, bakit nga ba nangi-alam si kuya kanina? Huwag mong sabihin..."
"Sinabi ko na tulungan kami," biglang singit ni Jen sa likuran. Tumingin ito kay Eve at dinilatan si Eve.
"Grabe kayo. Gumawa kayo ng eskandalo. Hoy, Eve! Huwag mong ipahiya ang pamilya namin ah. Sa susunod huwag ka na sumama sa ganoong lakaran. Nakakahiya ka. Baka mang-uusyuso na naman mga friends ko. Isipin pa nila 'yong kuya ko mababa ang taste pagdating babae."
"Opo. Hindi na mauulit," wika ni Eve.
Maya-maya'y tumayo ang among dalaga at pumanhik sa taas. Nang mawala na nang tuluyan ang amo,. dali-daling hinila siya ni Jen papunta sa maid's quarter.
"Ano 'yong kanina?" wika ni Jen.
"Pasensya ka na kung umabot sa ganoong sitwasyon. Naisip ko lang na kailangan kung magpakasaya. Hindi ko naman inaasahan na ganoon ang gagawin ng kaklase mo,"dispensa ni Eve.
"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Nawala kayo ni kuya pagkatapos hilain ka niya palabas."
"Gusto ko lang naman talaga sumaya kasi sa buong buhay ko puro pait ang nararanasan ko. At noong..." hindi tinapos ni Eve ang sasabihin. Nanahimik siya bigla. Nagdududa na si Jen.
"Tapatin mo ako. Ano ang ginawa sa'yo ni kuya kanina?" usisa nito.
"Kam..." humugot siya ng malalim na hininga at lakas upang ipagtapat kay Jen ang nangyari. "Kami na ni sir," patuloy niya.
Hindi na nagulat si Jen. Pero mababanaag sa mukha nito ang pag-aalala.
"Hindi naman kaysa ayaw kita para kay kuya pero alam mo naman ang ugali ng tito at tita. Ayaw kong mapahamak ka. Napakabait mong kaibigan sa akin. Concern lang ako sa'yo."
Unti-unting umuusli ang mga butil ng luha sa gilid ng mga mata ni Eve.
"Sinubukan ko naman eh. Pero the more na iniiwasan ko siya at iniiwasan niya ako, the more na nagugustuhan ko siya. Hindi ko alam bakit ako ganito. Ngayon lang naman ako nakaramdam ng ganito eh. Ganoon din naman siya. Alin ang mali doon? Dahil ba mahirap lang ako kaya wala akong karapatan na ibigin siya?" At tuluyan nang umagos ang mga luha ni Eve.
Awang-awa si Jen sa kaibigan anupa't niyakap niya ito.
"Shhh. Tahan na. Sige, ituloy mo lang ang damdamin mo. Tutulungan ko kayo hangga't kaya ko."
Pinahid ni Eve ang mga luha niya. At least may totoong kaibigan siya na tulad ni Jen.
"Grabe kinilig naman ako. Dati pa naman buto ako sa inyong dalawa. Ano, dinapuan na ba 'yang kissable lips mo ha? Oh baka naman...?" Tumaas ang kilay ni Jen na animo'y may pinapahiwatig. Hinampas naman ni Eve ang balikat ng kaibigan.
"Ang green mo talaga. Siyempre hindi. Saka, 'yon di naman ang sabi niya. Bawal muna hangga't hindi pa kami kasal."
"Oh..." nanlaki ang mga mata ni Jen. "Kaya bilib kay kuya eh. Ang bait niyan talaga. Sana magtagumpay kayo. Ay pero..."
"Ano?"
"Nahalikan ka na niya?" tukso uli nito. Namula ang pisngi ni Eve. Tawang-tawa si Jen at kinikilig.
"Unexpected naman 'yon. Kasi nag-ayaw kami, tapos lalayasan ko na sana siya eh. Bigla akong hinila. Nagtapat siya sa akin. Ayon..." kwento ni Eve at nakangiti habang binalikan ang first kiss niya.
"Ayiiee...Baka hindi ka makatulog niyan ah."
"Loko. Bakit hindi? Mas magiging masarap na nga tulog ko at hindi na ko mapupuyat kakaisip sa kaniya kasi kami na."
"Oo na. Ikaw na ang masaya. Mag-half bath ka na nga. Matutulog na ako at maaga pa pasok ko bukas."
At pumunta sa banyo si Eve upang maglinis sa sarili.
Ilang araw din silang nagpapalitan ng sulat ni Nick. Ang aga niyang naglalagay ng sulat sa refrigerator cover, samantalang mga gabi na kinukuha ni Nick ang sulat. Tinitiyempo niya na nakapasok ang iba sa kani-kanilang kwarto. Iniipit ni Nick ito sa libro para kung sakaling may biglang makakita sa kaniya, aakalaing libro lang ang hawak niya.
Iksaktong isang buwan ng kanilang pag-iibigan. Sa pamamagitan ng sulat ay nag-paplano sila kung saan pwede mag-date. Excited na excited si Eve dahil first niya pa man din na makipag-date kaya gustong-gusto na niya na dumating ang araw ng linggo. Itinaon nila ng linggo para maka-alis siya ng libre. Sa Buri Island nila naisip mag-date baka may makakita sa kanila na kakilala ng pamilya ni Nick kung sa mismong Catbalogan City proper sila mag-didate. Naghanda si Eve ng kaunting regalo para kay Nick.
"Jen, aalis lang ako. Off ko naman today," wika ni Eve sa kaibigan.
"Uy... mukhang alam ko na kung anong gagawin niyo today. Ay, 'mo' pala," tukso ng kaibigan na halatang kinikilig.
"Monthsary namin last Friday. Ang bilis ng mga araw, hindi ba?"
"Wow. Isang buwan na pala 'yon? Hoy, teka. Huwag mo muna isusuko ang Bataan, ha! Kailangan paghirapan ni kuya 'yan."
"Hindi. Napag-usapan na namin 'yan. Bawal muna hangga't hindi kami kasal. Gusto lang naming masolo ang panahon namin sa isa't-isa."
Nainggit tuloy si Jen.
"Haaay. Wish you all the best. Sana magkatuluyan kayo ni kuya. Mag-iingat kayo na walang ibang makakakita sa inyo. Na-excite naman ako. Sige na, umalis ka na para masulit niyo ang buong araw. Magpa-alam ka muna kay tita na aalis ka."
"Sige. Aalis na ako."
"Happy monthsary sa inyo," nakangiting bati ni Jen sabay yakap kay Eve.
"Thank you."
At umalis si Eve upang magpa-alam sa amo. Si Nick kagabi pa ng alas nuwebe umalis pagkatapos mag-iwan ng sulat. Ang paalam nito sa magulang ay mag-overnight sila ng mga kaibigan niya. Pero ang totoo pumunta na si Nick sa Buri Island at nagrenta ng private rest house near Buri Baras Beach.
Pagkadating ni Eve sa isla, naghihintay si Nick sa pier. Kahit pa hindi alam kung anong oras eksakto ang dati ni Eve, nagtiyaga itong naghintay kay Eve. Wala namang paraan para makontak nila na isa't-isa dahil sa wala nama si ng alam na may landline si Nick sa isla. Tiwala lang talaga sa isa't-isa ang kailangan.
Pagkababa ni Eve, sinugod ito ni Nick na mahigpit na yakap. Matagal. Nakatira sa iisang bahay pero hindi naman sila nakakapag-usap.
"I miss you so much, love," bulong ni Nick sa sabay halik sa tungki ng ilong ni Eve.
"I miss you so much, sir," tugon ni Eve.
"Sir na talaga ang tawag mo sa akin? Hindi na talaga mababago 'yan?"
"Mas comfortable ako eh."
"Sige, papayag na ako basta isang kiss naman diyan," sabay nguso nito kaya hindi na nagpakipot pa si Eve nagkusa itong humalik sa kasintahan.
Walang ginawa ang dalawa buong araw kundi sulitin ang panahon na magkakasama. Nang bandang hapon habang nasa yakap-yakap ni Nick si Eve,
"Hanggang kailan kaya tayo ganito?" wika ni Eve kay Nick.
"Tiisin mo na. Magiging malaya din tayo balang araw."
"Handa naman akong maghintay basta huwag mo lang akong iwan."
Tumingin nang diretso si Nick sa mga mata ni Eve saka sinabi,
"Love, kaya kung patunayan sa'yo na totoo ang hangarin ko sa'yo. Sa katunayan, may monthsary gift ako sa'yo." Sabay dukot nito sa bulsa. Oo. Singing. Simple pero maganda.
"Love, will you be my future wife? Hintayin mo lang na makapundar ako at aalis tayo at magpapakasal," sobrang taimtim ng pagkakasabi ni Nick. Kahit ibang-iba sa mga linya ng pelikula tuwing nagpopropose pero ramdam ni Eve ang pagkaseryoso nito.
“Respect is the fruitage of love. If the person loves you, that person will respect you. Hindi akong hintayin ang araw na iyon na tuluyan ka nang maging akin,” dagdag pa ni Nick. Naiyak si Eve sa sinabi ni Nick.
"Or course gusto ko na magiging future wife mo. Kaso wala akong gift sa'yo. Hindi ko naman alam magpo-propose ka eh." Ginagap ni Nick ang mga kamay nito at hinalikan saka isinuot ang singsing sabay sabi,
"Happy monthsary, love."
"Ang palad ko na nakilala kita."
"Mas mapalad ako na nakilala kita."
Luminga-linga si Eve sa paligid at biglang may pinatas.
"Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng clover leaf? It's hope, love and joy at ito ang gift ko sa'yo. 'Yan ang wish ko para sa ating dalawa."
"That's the most meaningful gift I received. Come here," sabay yakap ni Nick kay Eve.
"Thank you, love."