Nang pauwi si Eve at Nick mula sa Buri Island, hindi nila inakala na may makakakita sa kanila sa pier. Tirik ang araw pero hindi nila iyon naramdaman. Naglakad sila ng magkahawak ang kamay at wala sila pakialam na nasa kanila nakatingi ang mga tao sa paligid. Ang alam lang nila ng mga sandaling iyon ay masaya sila.
Samantalang si Lindy at ang kaibigan nitong si Carla ay kumain sa isang restaurant na kahanay ng pier. Hindi inaasahang makita sila ng dalawa habang papalabas ang mga ito sa restaurant. Kitang-kita mismo ng dalawa ang sweetness nila Eve at Nick habang binagtas ang passenger sidewalk. Tila ba mag-asawa na bagong kasal ang dalawa. Naka-akbay si Nick kay Eve habang nakayakap naman si Eve sa baywang ni Nick. Manaka-naka'y nagtitinginan ang mga ito sa isa't-isa at nagtatawanan.
Ang nasaksihan ni Lindy ay siyang dahilan ng mantinding galit kay Eve. Nanginginig ang mga labi nito sa sobrang galit habang nakakuyom ang mga kamay. Ang ng mga mata nito ay nanlilisik. Hindi na nito natiis ang sarili at dali-daling hinabol ang magkasintahan. Sinubukan siyang pigilan ni Carla pero mukhang walang narinig si Lindy. Tiyak na maalong gulo ito!
"Ambisyosa palaka!" sigaw ni Lindy sa likuran ng dalawa. Sa gulat ay sabay napalingon ang magkasintahan. Hindi alam kung ano ang gagawin ni Nick ng mga sandaling iyon.
“Lindy!” ang tanging lumabas sa bibig ni Nick, ngunit hindi siya nito pinansin bagkus diretso ang puntirya nito kay Eve.
“Hoy, makating ambisyosa! Halika rito at kakalbuhin kita!" wika ni Lindy. Ang boses nito ay puno ng galit at tuluyang sinabutan si Eve. Hindi agad naka-react si Eve dahil maging siya man din hindi alam ang gagawin. Takot. Pangamba. Iyon naramdaman niya.
"Aray," tanging sambit ni Eve. Padami nang padami ang mga tao sa paligid nila nakiusyuso pero walang pakialam si Lindy.
"Aray? I warned you already pero makati ka. Haliparot ka!" Mahigpit ang pagkakawak nito sa buhok ni Eve at kinuyog niya ito.
Pinilit ni Nick na awatin ang kapatid sa ginagawa nito. Mas malakas siya kaya nabawi niya si Eve. Sinikap ni Eve na ayusin ang sarili habang ang mga luha ay tuluyang umagos. Alam ni Eve malayo ang agwat ng estado ng buhay nila pero wala naman siyang masamang intensyon. Nagmahal lang naman siya.
"Ano bang kasalanan ko sa'yo bakit ganoon na lang ang galit mo sa akin? Naging mabuting kasambahay naman ako sa inyo. Nagmahal lang ako. Hindi ako ambisyosa!" madamdaming wika ni Eve habang niyayakap ito ni Nick upang aluin.
"Ayon na nga eh. Kasambahay ka lang. Know your place! Wala kang utang na loob..."
"Tama na, Lindy. Hindi ka na nakakatuwa ah!" putol nito sa bunsong kapatid. Ang diin ng pagkakasabi nito habang tinuro ang kapatid.
"Kuya naman! Huwag kang magpa-uto sa ambisyosang 'to. Ginayuma ka ba ng haliparot na 'to!"
Hindi makatiis si Eve sa tinuran nito.
"Mahal ko si Nick!”
“Ha?! Mahal mo siya? Anong karapatan mo?! Mahirap ka lang. Hindi ka bagay sa pamilya namin!” sigaw ni Lindy. Lalong bumuhos ang mga luha sa mga mata ni Eve. Pakiramdam niya wala ng karapatang umibig ng patas ang mga mahihirap na tulad niya.
“Lindy, tumigil ka na. Baka makalimutan kong kapatid kita," banta ni Nick. Nagalit siya sa tinuran nito. Sumusobra na ito. Ginagap niya ang palad ni Eve inakay palayo sa kapatid.
"Huwag mo ng pansin iyon," wika niya sa kasintahan habang naka-akbay upang alalayan ito.
“Wala kang kwenta! Hindi ka karapat-dapat sa pamilya namin! Katapusan mo na!” sigaw ni Lindy sa dalawa habang papalayo ito sa kaniya. Binalikan niya ang puwesto ni Carla.
"She's done. She's really done!" nagngangalit na wika nito sa kaibigan. "Let's go," sabay alis nito. Ang kaibigan nitong si Carla na hindi alam ang sasabihin ay sumunod na lang sinabi dito.
Hindi na nagtakang magtago ng dalawa sa totoong estado nila. Pumasok ng bahay si Nick at Eve na magkahawak ang kamay. Hinatid ni Nick si Eve sa maid's quarter at pinakalma. Wala si Jen Ng pagkakataon iyon.
"Ano n'ang gagawin natin?" tulirong tanong ni Eve sa nobyo.
"I'll figure it out. For the meantime, dito ka lang. Huwag ka ng umiyak. Malalampasan din natin 'to."
"Nick, natatakot ako. Baka paghiwalayin nila tayo. Baka 'di na kita makikita kailanman," umiiyak la rin si Eve.
"Shhhhh. Hangga't nandito..." naputol ang sasabihin ni Nick dahil sa malakas na kalampag ng pinto.
"Lumabas ka diyan, haliparot ka!" sigaw ni Lerma na nanay ni Nick. Lalong nakaramdam ng takot si Eve. Alam na nito ang relasyon nila.
"Nick," tanging lumabas sa bibig niya.
"Dito ka lang. Ako na ang haharap." Pagkatapos ay tinungo ni Nick ang pinto upang buksan. Nakaramdam man ng takot pero kailangan niyang maging matapang upang ipaglaban ang kasintahan. Kung palayasin man sila, tatangapin niya iyon.
"Ma, hindi mo pwedeng saktan ang si Eve," bungad ni Nick pagkabukas ng pinto. Pahingi nito sa sinabi ni Nick ay tumaas ang kilay nito sabay sampal nito kay Nick.
"Tonto!" Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa daming babae 'yan pa ang napili mo,” galit na wika ni Lerma.
"Mom, hindi lang 'babaeng 'yan' si Eve. She's a great woman. Mahal ko siya. Nasa kaniya ang hinahanap ko sa ibang babae. Walang kinalaman ang agwat natin sa buhay dito," pagtatangol ni Nick habang hinaharangan ang ina para 'di makapasok sa maid's quarter.
"Hmmp! And what do you know about love? You're just a kid! You can't even do a single repair in the house. Now move!" tinulak nito ang anak kaya nakapasok ito sa loob ng silid.
"Mom, you can't do this!"
Dire-retso sa kinaroroonan ni Eve si Lerma at walang kaamog-amog na hinila niya ang buhok nito at kinaladkad palabas ng silid. Pinilit ni Nick na awatin ang ina pero hindi siya nagtagumpay.
Pinilit pa ring magsalita ni Eve kahit sobrang siyang nasaktan sa ginawa ng among babae sa kaniya. “Wala akong kasalanan sa inyo para saktan mo niyo ako nang ganito. Nagmahal lang po ako,” wika ni Eve dito.
Nang makarating sila sa may pinto, tinulak siya nito papalabas. Nasubsob si Eve.
"Lumayas ka sa pamamahay ko! Bumalik ka kung saan ka mang lupalop nanggaling. Walang hiyang haliparot ka. Anak mo pa talaga ang balak mong bingwitin. Well, tell you what. Hangga't nabubuhay ako, hindi ako papayag na mauto mo ang anak ko," wika ni Lerma kay Eve habang dinuduro-duro niya ito.
Pinilinit ni bumangon mula sa pagkasubsob. Tumama ang tuhod niya sa matigas na bato kaya nasaktan siya nang labis. Si Nick hindi maka-react sa nangyari. Nabigla at hindi alam ang gagawin.
"Nick, ano ba? Panunuorin mo lang ba ako? Hindi mo man lang ba ako kayang ipagtanggol?" madamdaming baling ni Eve kay Nick sa likuran ni Lerma na parang tuod.
"Mom, tama na po! Itigil niyo na 'to, please," makawa ni Nick kay Lerma. Kahit na ang malalim ang pagmamahal niya kay Eve, pakiramdam niya'y wala siyang laban sa galit ng nanay niya. He's helpless.
“Hindi lang 'yan ang aabutin niya kapag hindi pa siya lumayas dito ngayon," banta ni Lerma kay Eve.
Samantalang si Lindy ay sumulpot sa likuran ni Lerma na para nakangiti na parang nasiyahan sa sinapit ni Eve.
"Haven't I told you that you're so done? You messed up with the wrong family, b***h!" wika nito kay Eve.
Hindi na kinaya pa ni Eve ang bigat ng mga salitang narinig. Awang-awa na siya sa sarili niya. Hindi niya deserve na tapak-tapakan nang ganito. Binalingan niya ng tingin ang nobyo pero parang tuluyan nang maduwag. Pinahid niya ang luha at tumakbo palayo sa bahay na iyon. Habang palayo siya nang palayo, pa panay pahid pa rin siya sa kanyang mga luha na tila hindi maubos-ubos. Oo masakit ang ginawa ng mag-ina pero mas masakit para sa kaniya na hindi siya kayang ipag-laban ni Nick sa mga ito. Naisip niya baka mga hindi pa siya ganoon kamahal nito.