Maagang humiga si Nick. Pagod siya sa biyahe at kulang sa tulog. Ang dami pang ng nangyari sa buong araw na ito pero hindi siya dinadalaw ng antok. Hindi niya mawari kung dahil ba ito sa adrenaline rush o dahil kay dalaga nakilala. Aminado naman siyang nagulat siya kanina nang makita si Eve. Alam niya ding ganoon ang naramdaman ng dalaga. Nagmagtama ang kanilang paningin, waring may magnetong naglock sa mga ito. Ilang segundo din iyon. May kung anong kakaibang naramdaman si Nick. Hindi niya mawari. Nang makita niya si Eve, para bang matagal na niya itong kilala. May koneksyon siyang nararamdaman. Hindi naman iyon dahil sa pisikal na anyo ng dalaga. Oo, nagandahan siya nito. Petit na kayumanggi, halos kasing tangkad niya, hanggang balikat ang buhok, at may biloy. Manaka-nakang nakikita ang biloy nito tuwing nagsasalita. Pinagmasdan niya ito kanina sa hospital. Katamtaman lang naman ang tangos ng ilong pero malakas ang dating ng dalaga kay Nick. At parang may bumubulong kay ni Nick kilalanin pa niya ito. Hindi pa siya nagkaroon ng ganitong pakiramdam para sa isang babae kaya hindi niya ma-contain ang sarili. Dahil hindi matiis ang kakaibang pakiramdam, tinawagan niya si Jen.
"Busy ka ba?" bungad niya dito.
"Hindi naman masyado, kuya. Maaga lang pasok ko bukas," tugon nito sa kabilang linya.
"Punta ka muna sandali dito. May itatanong ako," utos niya dito.
"'Di ba puwedeng bukas na lang?" reklamo nito.
"Ngayon nga lang ako magre-request sa'yo eh." Nangunsensiya pa ito.
"Oo na, sige na."
Hindi na nakatanggi si Jen. Ang ipinagtaka niya ay kung bakit alas onse na nang gabi, saka naman siya pinatawag ng kuya Nick niya. Totoo nga naman, hindi naman ito demanding, hindi gaya ng ibang miyembro ng pamilya nito. Kaya naman naiisip ni Jen baka nga talagang importante.
Pagkadating sa tapat ng kwarto ni Nick, kumatok si Jen.
"Kuya, ako 'to," wika ni Jen. Agad-agad na may bumukas ng pinto. Luminga-linga pa ito sa paligid. Pagkuwa'y,
"Tulog na ba sila mama?" tanong nito para bang aligaga.
"Hindi ko alam. Bakit, may problema ka ba?" usisa ni Jen.
"Ah...wala naman. Halika, pasok ka bilis." Hinila ni Nick papasok si Jen.
"Ano bang nangyari sa'yo? Ang weird mo ah," naguguluhang wika nito kay Nick. Pagkatapos ay pinaupo siya nito sa upuan ng study table. Huminga nang malalim si Nick na nakatingin sa kaniya. Hindi muna ito nagsalita ng ilang segundo kaya tumaas ang isang kilay ni Jen bilang reaksyon si tinuran nito.
"Jen, magkakampi tayo sa bahay na ito hindi ba?"
"Okay... ano ba nangyayari?"
"May gagawin ka sa aking pabor at dapat hindi malalaman ng kahit sino sa bahay na ito, lalo na kina mama at papa."
"Ano nga kasi 'yon. Diretsuhin mo na ako kasi nawiwirduhan na ako sa'yo eh."
"Gusto kong set mo ako ng date kay Eve." tuwirang sabi nito.
"Ano!" sa sobrang pagkabigla ni Jen napalakas ang boses nito.
"Shhh. Ano ba? Hinaan mo ang boses mo," saway ni Nick kay Jen.
Pinipigil ni Jen ang pagtawa niya.
"O bakit ka natawa?
"Akala ko kasi kung ano ang problema mo eh. 'Yan lang pala," tumawa uli ito nang pigil. Maya-maya ay sumeryoso. "Teka lang. Bago ko 'yan gagawin, gusto ko munang malaman ang motibo mo. Oo, magkamag-anak tayo pero kaibigan ko si Eve. Kuya, wala nang ibang kamag-anak iyon. Hindi biro ang pinagdaanan n'on. Huwag mo namang sanang dagdagan pa. Kahit pa natutuwa ako kanina sa reaksyon niyong dalawa pero baka nabigla ka lang. Hindi mo pa naranasang makipagdate dahil sa sobrang focus ka sa studies mo, kaya bakit mo nasabing idi-date mo 'yong tao? Pasensiya na ha, imbestigador ako ngayon," seryosong wika ni Jen.
Natigilan din si Nick. Tahimik ito ng ilang sandali. Umupo sa kaniyang kama at tumingin sa kawalan. Malalim ang iniisip. Pagdaka'y,
"Baka nga tama ka. Siguro nga, nabigla ako nang makita ko siya. Jen, hindi pa ako nakaramdam ng ganito. Alam mo 'yon? " taimtim na wika ni Nick. "'Yong pakiramdam mo matagal na kayong magkakilala na hindi mo lang mawari kong saan. 'Yong malakas koneksyong nararamdam mo para sa taong ngayon mo pa lang nakita," patuloy pa nito.
"Naiintidihan ko, kuya. Nakita ko kayo na pareho ang reaksyon. Kaya nga tinutukso kita kanina eh, pero dahan-dahan lang. Pahupain mo muna ang damdamin mo. She's volunerable. Baka makasakit ka ng tao," payo ni Jen kay Nick.
"Tama ka. Sige, salamat. Bumalik ka na sa kwarto mo."
Umalis si Jen na may takot na nararamdaman. Kanina natutuwa pa siya sa loveteam na ideya pero nang makita niya ang realiyad kung lalalim ang pagtingin ni Nick sa kaibigan niya, natakot siya para kay Eve, baka mapahamak ito. Hindi niya ma-imagine ang pagdadaanan nito sa kamay ng pamilya ni Nick kung sakali.
Isang buwan ang lumipas, napansin ni Eve na kapag nagkita sila ni Nick sa loob ng pamamahay ay hindi na siya nito tinitingnan. Umiiwas ito nang tingin sa kaniya. Iyon naman din ang gusto niya pero may bahagi sa puso niya ang nakaramdam ng sakit. Akala ni Eve na maalis niya sa isipan ang lalaki pero hindi. Buhat nang araw na nagkakilala sila, hindi niya makalimutan ang sandaling iyon sa ospital. Hindi na niya maitangging gusto na nga niya ang amo niyang si Nick. Pero pansin niyang umiiwas ito sa kaniya. Bawat pagkakataon na pwede silang magkasalubong ay umiiba ito ng direksyon. At kahit noong isang beses na nagkasabay sila sa kusina upang magtimpla ng kape, hindi sila nag-imikan. Dali-dali itong nagtimpla at pagkatapos ay iniwan siya sa kusina. Kahit na umiiwas si Nick kay Eve, nakikita pa rin ito ni Eve tuwing nililinis nito ang kotse sa garahe tuwing umaga. Ganyang oras din kasi si Eve naglilinis ng bakod. Nagtatalo ang puso at isipan niya. At natatakot din siya baka kung saan hahantong ang lahat kung hindi niya supilin ang damdamin niya.
Isang araw, may inorganisang sayawan ang mga kabataan sa siyudad. Usong-uso ang disco kahit saan at ito ang madalas na dinadayo ng mga kabataan mula sa iba't-ibang lugar para makakilala ng mga prospek na kasintahan. Palibhasa ay day off ni Eve kinabukasan, niyaya si ni Jen na sumama sa disco.
"Sama ka sa amin tonight. Day off mo naman bukas. Ipag-paalam kita kay tita," wika ni Jen. Hindi mahilig si Eve sa ganyang lakad pero dahil gusto niyang ma-iba naman ang nasa isip, pumagayag ito.
"Okay. Hindi naman tayo magtatagal, hindi ba?"
"Hanggang alas dose lang tayo. Kasama ko mga kaklase ko. Sila kasi ang organizer. SK chairman ang isa sa mga classmates ko kaya libre ka na sa entrance. At isa pa..." hindi natapos ang pangungusap ni Jen dahil nakarinig siya ng sigaw na nanggaling sa loob ng bahay. Nasa maid's quarter kasi sila.
"Nasaan ka ba Eve!" sigaw ng babae. Oo, si Lindy ang nakababatang kapatid ni Nick.
"Nandito ako, maam," tugon ni Eve kumaripas nang takbo papunta sa living room kung saan nandoon ang kapatid ni Nick. Sumunod din si Jen.
"Nasaan ba ang black dress ko? Gagamitin ko 'yon tonight," nakapamaywang pa ito nang nilapitan ni Eve dito. Mukhang hindi na naman maganda ang araw nito at nakakunot-noo na naman ang amo.
"Dinala ko na po 'yon sa kwarto niyo, maam," wika ni Eve.
"Puwes wala. Tatawagin ba kita kung nakita ko? Saan mo ba nilagay, ha?" Umarko pa ang kilay nito.
"Sa...sa closet po ata..." siguro si Eve sa sinabi kasi nakalimutan niya kung doon nga ba. Madalas absent-minded si Eve nitong huli dahil kay Nick.
"Wala nga," pagdiriin nito.
"Wait," putol ni Jen. "May nakita akong black dress sa closet ni tita kanina. Tingnan ko lang sandali," patuloy ni Jen. Saka dali-dali itong umakyat sa kwarto ng tita niya at maya-maya ay may dala na itong dress. Iyon nga ang dress ni Lindy.
"Ito ata, insan," wika ni Jen habang pababa ng hagdan.
"Kita mo na! Hoy, Eve absent-minded ka lately. Umayos-ayos ka ha," wika ni Lindy kay Eve sabay hablot ng dress at umakyat pabalik sa kwarto niya.
Napabuntong-hininga na lang si Jen sabay tapik sa balikat ng kaibigan.
"Alas otso tayo aalis mamaya. May tatapusin lang ako," paalam ni Jen.
Mabuti na lang at pinayagan si Eve ni Mrs. Castillo na sumama. Nadala ata sa paki-usap ni Jen. Sabagay, ngayon lang naman siya aalis ng gabi at kasama naman si Jen kaya siguro pumayag.
Nang marating ang covered court, hindi magkamayaw ang mga tao sa pagsayaw. Kanya-kanyang puwesto at giling sa loob ng covered court. Usong-uso ang Italo's Disco song, big hair, denim jacket, straight cut demin pant, neon colored shirt sa mga lalaki. May mga naka-baloon skirt, loose blouse, sneakers with cuff socks, dotted headband, at bold make-up naman sa mga babae. Ang 1980s ang taon kung saan ang synthesizers, disco ball light at colorful fashion ang naghahari. A generation of great of the best music and musicians.
Ngayon lang din nakapasok sa disco-han si Eve kaya namangha din siya sa nakikita. Nakasuot siya ng ruffled-sleeve dress with big belt and flat pointed toe shoes. Ang ganitong fashion ang wholesome sa panahong iyon. Nang tumugtog ang Tonight ni Ken Laszlo at pagkatapos ay Dial My Number ni Romano Bais, na-excite si Jen.
"Tara, sayaw tayo!" wika nito kay Eve.
"Hindi ako marunong," nahihiyang wika ni Eve.
"Huwag kang mag-alala. Tingnan mo, wala naman eksaktong steps. Basata gumalaw ka lang. Isipin mo masaya ka."
Pumunta sila ni Jen sa gitnat at sumayaw. Bilib siya kay Jen dahil magaling ito sumayaw. Kaya sumabay na lang din siya sa saliw ng musika kahit hindi niya alam ang pinaggagawa niya. Ang saya! Iyong ang naramdaman ni Eve. Masaya pala sumayaw, nakakawala ng stress kahit pansamantala. Pati mga kaklase ni Jen sumama na rin. Nag-formation sila pabilog at nasa gitna si Eve.
"Eve! Eve! Eve!" cheer ng mga ito. Naging sentro sila ng atensyon ng karamihan.
Maya-maya ang kaklase ni Jen na lalaki na nakainom ay sinabayan si Eve sa gitna. Noong una, sumayaw lang ito pero kinatagalan ay unti-unti na itong humahawak sa baywang ni Eve habang sumasayaw. Nang maramdaman ni Eve na humahawak ito sa baywang niya, nagpupumiglas si Eve.
"Bitiwan mo ako," sabi ni Eve dito.
"Bakit? Hindi mo ba gusto? Come on," wika nito at akmang yumakap kaya napasigaw si Eve.
"Ahhhh!"
Maya-maya, nalaman na lang ni Eve bumulagta na ang lalaki sa sahig. Napasigaw ang ilang babae na nandoon.