When They First Met

1630 Words
Unti-unting ibinuka ni Eve ang kaniyang mga mata. Unang nakikita niya ay ang puting kisame. Naririnig niya ring may nag-uusap sa paligid. Tumingin siya sa paligid at napagtantong nasa hospital siya. Ang huling naalala niya lang ay sugatan ang kamay niya at nang makita ang dugo mula sa sugat ay unti-unting nagdidilim ang kaniyang paningin. "A-anong nangyari," tanong ni Eve. Kapadaka'y lumingon sa gawi niya ang isa sa mga nakatalikod at iyon ay walang iba kundi si Jen. May kausap ito na lalaki na nakatayo din malapit sa kurtina na naghihiwalay ng mga kama sa emergency room. "Oh, gising ka na. Tinakot mo kami ah," wika ni Jen. Sumilip din ang lalaking kausap ni Jen at nagtama ang kanilang paningin. Mukhang pamilyar ang lalaki, hindi niya lang matandaan kung saan niya ito nakita. Napaka-amo ng mukha nito at medyo makapal ang kilay. May suot na salamin at pormal ang dating ng pananamit. Hindi naman ganoon ka tangkad ito pero tiyak niyang mas matangkad ito sa kaniya ng mga tatlong pulgada. Katamtaman lang din ang tangos ng ilong nito pero siya ang tipong lalaki na kapag nasalubong mo sa daanan ay mapapatingin ka dahil sa amo ng kaniyang mukha. 'Yong tipong kapag nakita mo ang aura niya, gagaan ang pakiramdam mo. May ganoon siyang epekto. Sa katunayan, hindi siya maskulado pero hindi rin naman mataba. Katamtaman ang pangangatawan nito. May sinabi pa si Jen pero hindi niya ito narinig dahil napako ang tingin niya sa lalaki. Ganoon din naman ang lalaki sa kanya. Parang naglock ang kanilang mga paningin. Nang mapansin niyang nagpalipat-lipat ng tingin si Jen sa kanilang dalawa, nakadama siya ng pagka-asiwa at dali-daling binaling ni Eve ang tingin kay Jen. "A-ano uli 'yon?" nauutal na wika ni Eve. Nakaramdam din kasi siya ng hiya. "'Ka ko, okay ka lang ba?" napangiti na wika ni Jen kaya lalo tuloy siyang nakaramdam ng hiya. Papalapit ito sa kinaroroonan niya, ganoon din ang lalaking kasama. Sa tantiya niya, namula ang pisngi dahil may kung anong mainit siyang naramdaman sa parte ng kanyang pisngi. "Oo...oo naman. Medyo takot lang ako sa dugo." "Mukha nga. Maliit lang naman ang sugat mo. Kaso hindi namin alam kung anong gagawin namin sa'yo kanina kaya dinala na lang dito. Nagbigay na din ng anti-tetanus ang doctor." "Pasensiya na kayo sa akin. Imbes na makatulong ako, abala pa ang ginawa ko," dispensa ni Eve. "Okay lang. Nang dahil sa amin, nasagutan ka pa tuloy. Nakakahiya ang eksenang sumalubong pag-uwi ko," wika ng lalaki kay Eve. Doon niya napagtanto na kaya pala pamilyar ang mukha nito dahil ito pala ang sir Nick niya. Medyo nag-iba ang hitsura niya kumpara sa chubby highschool graduation picture nito. Pati hawi ng buhok ay nag-iba. "Ay, oo nga pala. Si kuya Nick. Pinapunta ko na lang para hindi tayo mahihirapan pa-uwi," masayang pakilala ni Jen. Kumindat pa ito kay Eve na para bang naka-amoy ng loveteam. "Pasensiya na po kayo, sir Nick. Hindi ko kayo nakilala. Dalawang buwan pa lang po ako na naninilbihan sa inyo," turan niya sa amo na hindi makatingin nang diretso. "No, it's fine. Ano nga uli ang pangalan mo?" tanong nito. "Eve. Eve Morado po, sir." "Eve," ulit pa nito. Nang marinig ni Eve ang pagbigkas nito ng pangalan niya, parang musika ito sa pandinig niya. Hindi pa kailanman nangyari sa kaniya na makaramdam ng espesyal kapag sinasambit ang pangalan niya ng ibang tao. Si sir Nick pa lang ang may ganoong epekto sa kaniya. Pero mabilis na sinaway niya ang sarili. "Tumigil ka, babae!" piping saway niya sa sarili. "Aasikasuhin mo muna ang bill mo ah. Nandito naman si kuya eh," parang nanunudyo pa si Jen. Papalag sana siya pero ang bilis nitong tumalikod at umalis. Ang awkward ng sitwasyon. Wala siyang lakas ng loob na magsalita at wala din naman siyang alam na salita para simulan ang usapan. Kaya pinili niya na lang na manahimik. "So," binasag ni Nick ang katahimikan. "Huh?" "Paano ka napunta sa amin?" "Mahabang kwento pero iksian ko na lang po," tumigil siya ng lang segundo at humugot ng lakas na ilahad sa maiksi ang pangit na kwento ng buhay niya. "Bata pa lang ako nang mahit-and-run ang mga magulang ko. Si Lola na ang nagpalaki sa akin. After highschool, nagkasakit si lola at namatay. Marami kaming utang kaya naghanap ako ng mapapasukan para makaipon ng pambayad. Mabuti na lang, may kapitbahay kami na nagtatrabaho sa kabilang kanto mula sa bahay ninyo at narinig niyang nangangailangan ng kasambahay na tutulong kay Jen. Kaya napadpad po ako sa inyo," litanya ni Eve. "Wow. Now ko lang na-realized na mas matindi pa pala ang dinadanas mo at your age kaysa sa problema namin ng family ko," namangha si Nick sa narinig. "Wait, ilang taon ka nga? I'm sure mas matanda ako sa'yo," dagdag nito. "Nineteen. Running twenty po this December." "Still, you're almost three years younger than me. Pero ang dami mo nang pinagdaanan sa buhay. May planong kang mag-college?" Kahit seryoso ang usapan nila, kahit pa ayaw ni Eve pag-usapan ang mapait niyang karanasan, nagustuhan niya pa rin ang pakikipag-usap dito. Bago uli ito para kay Eve. Hindi pa nangyari sa buhay niya na sasaya ang pakiramdam sa pakikipag-usap lang. Hindi pa siya kailanman na-in love kaya natatakot siya na baka kapag nagpatuloy ang mga ganitong pakiramdam, baka magkaproblema siya at mawalan ng trabaho. Kailangan niyang ituwid ang mga kakaibang naramdaman niya. "Ano ba, Eve? Ngayon mo pa lang na-meet iyong tao, at amo mo pa, kung anu-ano na lang ang nararamdaman mong kakaiba," piping saway niya sa sarili. "Oo naman po. Pagkatapos ko pong mabayaran ang mga utang namin ng lola. Wait lang po, ah. Medyo nahihilo ako," nag-imbento siya. Gusto lang naman niyang matapos ang usapan. "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Nick. "Gusto mo tawagin ko ang nurse?" dagdag nito. "Huwag na po. Baka epekto lang to kanina. Ipikit ko na lang," alibi ni Eve. "Sure." Dali-dali bumaling sa ibang direksyon si Eve. Humiga siya nang nakatagilid at umiwas sa direksyon ni Nick. Gusto lang naman niya talagang matapos ang usapan. Matagal-matagal bago nakabalik si Jen. Hindi niya alam kung sinadya ba nito o talagang natagalan lang sa proseso. Nang makabalik ito, nag-roving uli ang doctor at siniguradong okay siya bago siya pinayagang makalabas ng hospital. Nang palabas na sila ng hospital, nag-attempt si Nick na alalayan siya sa paglakad pero tinanggihan niya ito at sinabing kaya niya. Totoo naman. Hinimatay lang naman siya dahil sa dugo, wala naman siyang sakit kaya hindi na siya dapat pang alalayan, dahil ayos naman siya. Ayaw niya ding magkalapit sila nito. Gusto niyang umiwas o dumistansiya dito baka ano pa ang isipin ng amo niya. Ayaw niyang sabihan siyang oportunista. Pagkadating nila bahay, ay dali-dali siyang lumabas ng kotse kasi ayaw niyang makita ng amo niyang babae baka isipin nito na pabebe siya. "Salamat po, sir Nick!" pasigaw na wika niya para marinig sa loob ng kotse ang boses niya. Pagkatapos ay dali-dali siyang naglakad pumunta sa likurang bahagi ng bahay sa may maid's quarter. Hindi na niya narinig pa ang sinabi ng among lalaki. Nang pumasok si Jen sa quarter, nakangiti ito kay Eve at waring may pinapahiwatig. Sinulyapan lang siya ni Eve at nagpatuloy si Eve sa pagtutupi ng mga damit. Nagpatay-malisya siya sana kaso hindi nakatiis itong si Jen. "Ano 'yong kanina sa ospital?" nakangiting tanong nito sa kanya at tumabi sa pag-upo. "Anong ano?" patay-malisya ni Eve. "Ito naman oh. Hindi naman ako bulag. Kitang-kita ng dalawang mga mata ko ang tinginan ninyo eh. May something talaga eh. Ipaliwanag mo," demand ni Jen. Humarap si Eve kay Jen, "Ano bang ipapaliwanag ko?" "Eh 'di ano pa? 'Yong tinginan niyo nga." "Wala akong dapat ipaliwanag. Nagkagulatan lang kami, binibigyan mo naman agad ng kulay." "Oy..." tukso nito kay Eve. "Pero alam mo, sobrang bait niyan ni kuya. Siya lang ang tao sa pamamahay na ito. Lahat sila mga halimaw. At higit sa lahat, wala pa 'yang naging girlfriend," excited na wika nito. "Tumigil ka na, baka marinig tayo ni ma'am. Baka may masabi na naman iyon sa akin. May utang pa akong binabayaran." "Ay basta ako, may naaamoy akong loveteam," napangiti pa ito na parang kinikilig. "Kaka-pocketbook mo 'yan. Pwede ba..." naputol ang pangungusap ni Eve dahil may kumatok. "Jen, nandiyan ka ba?" Tunog lalaki ang nagsalita. Oo, ito'y walang iba kundi si Nick. Mas lalong kinilig si Jen. "Bakit kuya?" tugon ni Jen. "May naiwan si Eve sa kotse. Hinahatid ko lang." Dali-daling binuksan ni Jen ang pinto. Tumingin ito kay Nick saka ngumiti. 'Yong ngiting panunukso. "Bakit ka nakangiti?"tanong ni Nick. "Wala. Masama bang ngumiti?" "Oo. Lalo kung nanunuksong ngiti," sabay tapik nito sa noo ni Jen. O siya, pakibigay mo lang kay Eve ito. Kailangan ko nang matulog. Ngayon lang ako nakaramdam ng pagod. Ang daming nangyari sa araw na 'to." Inabot nito kay Jen and panyo ni Eve. Tinanggap naman ito ni Jen. "Ayaw mo bang ikaw ang personal magbigay nito kay Eve?" "'Wag na, hayaan na nating makapagpahinga siya." Sabay talikod nito at nilisan ang lugar. Pagkasarado ng pinto, napasigaw si Jen sa kilig at niyuyugyog ang balikat ni Eve. "Ang palad mo, te!" wika nito kay Eve. "Bakit naman? Tumigil ka nga riyan." "He's into you. Nakikita ko sa mga mata niya." "Tama na, please. Tigilan na natin 'to. Ayaw ko ng gulo. Ang gusto ko lang naman ay magtrabaho at magbayad ng utang para makaalis na ako dito. At isa pa, ngayon nga lang kami nagkita n'ong tao eh, ganyan na agad ang iniisip mo. Nakakabasa ka ba ng utak? Malay mo naghatid lang talaga iyon ng panyo." "Ito naman. Puwede naman niyang sa'kin ibigay nang hindi kailangang pumunta dito eh. Maka-alis na nga lang. Baka mainis ka pa eh." "Mabuti pa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD