Nagising si Eve sa dahil sasinag ng araw na sumisilip sa mga siwang ng lumang bintana. Naamoy niya ang halimuyak ng kahoy na basa at ang banayad na simoy ng ilog na malapit sa kanyang inuupahang silid. Hindi man ito marangya pero sa unang pagkakataon, nagising siyang walang inaalalang amo na matapobre at mahirap pakitunguhan. Isang maliit na papag, isang lamesa, at isang upuan ang meron siya. Sa gilid ng kama ay kanyang maleta pero kahit papano may espasyo siyang matatawag na komportable.
Huminga siya nang malalim, pilit pinatitibay ang loob. Isang bagong araw, isang bagong simula. Nanatili mang mabigat ang kanyang dibdib ang nangyari pero kailangan niyang magpatuloy. Kailangan niyang turuan ang sarili na mamuhay ng walang Nick. Nabuhay naman naman na siya dati na walang Nick kaya iniisip niya, makakayanan niya ito. Kailangan niyang kalimutan si Nick.
Nang araw ding iyon. Nag-simula si Eve na maghanap ng mapapasukan. Buong araw siyang nag-ikot pero wala siyang nakita. Palibahasa high school lang ang tinapos niya. Maliban pa sa maraming nakapagpatapos ng pag-aaral ay unti lang din ang oportunidad sa bayan ng Catbalogan.
Pagabi na noon ng mapadaan siya sa may palengke upang mamili ng panghapunan. Nahirapan ang isang ale na magbuhat ng mga paninda nito kaya nagboluntaryo siya upang tulunangan ito.
"Tulungan ko na po kayo," wika niya sa ale. Nakaginhawaan naman ang ale sa ginawa niya.
"Salamat, puring," nakangiting pasasalamant ng ale. Ang 'puring' ay katumbas ng 'bunso' sa wikang tagalog.
"Wala ho 'yon," matipid na sagot ni Eve.
Napansin ng babae na mukhang hindi maganda ang araw ni Eve. Malumbay ang awra nito. "Ayos ka lang ba, puring? Mukhang hindi maganda ang araw mo," usisa nito habang nilalapag ang mga paninda sa mesa.
"Buong araw po kasi akong naghahanap ng trabaho kaso wala po akong nahanap."
"Ganoon ba? Kung okay lang sa'yo ang palengke, kailangan ko ng magtitinda ng angkat kong isda. Diyan lang sa tapat. Umalis kasi ang tindera ko. Ang pasok lang ay ala sais umaga hanggang ala una ng hapon, tapos alas kwarto ng hapon hanggang ala sais ng gabi."
Nabuhayan ng loob si Eve. "Magkano po ang bigayan niyo?"
"Bente singko ang araw mo. Okay lang ba sa iyo? Kasisimula ko lang kasi. Kapag marami tayong benta. Gawin kong trenta ang araw mo. 'Yan ay kung pumayag kang mangamoy isda."
Natuwa si Eve. Kahit papaano, may kikitain siya. Hindi rin naman malayo sa minimum wage ang bigayan dahil kasulukuyang minimum wage ng manggagawa ay trente i-singko kada araw. "Okay lang po sa akin. Kailangan ko po ng trabaho," tugon ni Eve.
"Sige, simula ka na bukas."
Nagtrabaho siya sa palengke bilang tindera ng isda. Mabigat ang trabaho, kumakapit ang amoy ng isda sa kanyang balat kahit anong kuskos ang gawin niya, pero marangal ito. At higit sa lahat, kahit paano, natutulungan siya nitong takasan ang lungkot na bumabalot sa kanyang puso at matustusan niya ang pangangailangan niya.
Samantala, sa bahay ng mga Castillo ay nagkakagulo. Nalaman na din ng ama ni Nick ang nangyari noong nakaraang araw. Gaya ng inaasahan, hindi pabor ang ama ni Nick sa gusto niya - ang ipagpatuloy ang relasyon nila ni Eve.
Umalingawngaw ang sigawan sa loob ng maluwang nilang sala. Nagtatalo ang mag-anak.
"Hindi niyo ba talaga ako kayang suportahan kahit minsan?" sigaw ni Nick, nakakuyom ang kamao habang nakatayo sa harapan ng kanyang mga magulang.
"Suportahan sa ano, Nicholas? Sa kahibangan mo?" matalim na sagot ni Lerma, nakapamewang. "Tumigil ka na sa kahibangan mo bago pa tuluyang mapahiya ang pamilya natin!"
"Mapahiya? Mom! Sa paanong paraan kayo mapapahiya? Dahil ba nagmahal ako ng ordinaryo?"
Napalakhak ni ama niya sa narining. "Nagmahal? Come on, son? Ano bang alam mo sa pagmamahal. You're just a kid. Besides, hindi lang ito sa babae. Tungkol ito sa kinabukasan mo! At wala siyang lugar sa kinabukasang 'yon."
Napakuyom si Nick. "At ano ang alam niyo sa pagmamahal? Ni minsan nga hindi ko maramdam 'yon. Ikaw ba mom, naramdam mo rin ba 'yon? Tell me!" hamon ni Nick sa nanay niya. Kahit kailan hindi naramdam ni Nick na mahal ang tatay niya ang nanay niya. Umuuwi lang ito kung tatlong beses sa isang taon at buwan dahil kung saan-saan ito madestino, doon ito naglalagi. Minsan pa nga narinig niyang may kasama itong babae pero hindi lang ito pinansin ng nanay niya.
"Tumigil ka na!" banta ng nanay niya.
"Dahil ba masakit ang katotohanan? Well, ayaw kong matulad kami sa inyo."
"'Pag 'di ka pa tumigil diyan. Itatakwil na talaga kita," nangingig na sa galit ang nanay niya.
"Mas gustuhin kong mabuhay sa kahirapan kay sa mabuhay sa pamilyang walang magpagmamahal."
"Tarantado!" Nagmamadaling lumapit si Donny at isang malakas na suntok ang pinakawalan at nasapol sa sikmura si Nick. Sa sakit ay napatikluhod ito. "Wala kang utang na loob!" dugtong ng tatay nito.
Halos mawalan siya ng panimbang, pero agad niyang itinuwid ang sarili. Tiningnan niya nang diretso ang kanyang ama, puno ng galit at hinanakit ang kanyang mga mata. "Hindi niyo ako kayang kontrolin habambuhay. Hindi ko na kailangan ang inyong basbas!"
Unti-unti siyang umatras at sabi, "Kung ito ang pamilya na ipinagmamalaki niyo, hindi ko na gustong maging parte nito!" At lumabas siya ng bahay, tangan ang galit at determinasyon sa dibdib.
Hindi pa man nakalabas ng bakuran si Nick, agad siyang hinarang ni Jen.
"Hindi ko akalaing duwag ka, kuya," matalim na sabi niya. "Akala ko iba ka sa iba ka sa kanila."
Napasapo ng noo si Nick. Kagagaling niya lang sa matinding eksena sa loob at heto, sinumbatan siya ng pinsan niya. "Jen, please huwag ngayon," pilit na pinakalma ni Nick ang sarili. Baka si Jen ang mabuntunan ng galit niya.
"Bakit mo hinayaan itong mangyari! Nakita mong itinaboy siya na parang basura at wala kang ginawa, kuya!" Puno ng poot ang boses ni Jen.
"Hindi ko ginusto 'yon, Jen. Wala lang akong magawa. Alam mong mahal ko siya!"
"Kung mahal mo talaga siya, bakit mo siya hinayaang mag-isa?"
Napasinghap si Nick. Alam niyang may punto si Jen. Alam niyang nabigo niya si Eve.
"Saan siya, Jen? Kailangan ko siyang makita."
Ngunit umiling si Jen. "Hindi ko sasabihin sa'yo. Kung mahal mo siya, hanapin mo siya kung kaya mo." Pagtapos ay iniwan ni Jen si Nick dali-dali itong pumasok sa bahay.
Tanggap ni Nick ang pagkululang niya. Pero kailangan niyang huminga. Kailangan niyang makapag-isip. Isa lang naman matalik niyang kaibigan. 'Yong totoong kaibigan talaga - walang iba kundi si Pablo.
Si Pablo ay anak ng dati nilang hardinero at ngayon ay nagtatrabaho sa pier bilang cargo shipment supervisor. Hindi man sila madalas magkita pero si Pablo ang tipong kaibigan na masasandalan niya. Laging handang makinig sa kanya. Tumatanaw pa rin ito ng utang na loob sa kaniya dahil noong mga bata pa lang sila, naging mabait si Nick sa kanya kahit pa anak ito ng dati nilang hardinero. Masipag at madiskarte si Pablo kaya nakakuha ng magandang trabaho sa pier pagkatapos ng high school nito.
Pinuntahan niya si Pablo sa pier. Malayo pa ma din ay nakita na siya nito kaya dali-dali itong sumalubong kay Nick.
"Oh, tol! Mukhang hindi maganda ang araw mo ah," bungad nito sa kanya. Nahalata agad ni Pablo na may nangyaring hindi maganda sa kaniya. Basang-basa nito ang mukha niya.
"I messed up, tol," sumbong niya dito.
"Naku, mukhang marami-raming bote nga ang kailangan natin nito. Halika, pasok sa office," yaya nito kay Nick. Agad namang sumunod si Nick. Pagka-upo nila, nagkwento agad si Nick sa nangyari sa buhay niya kamakailan lang. Maging si Pablo kasi ay walang alam sa relasyon nila ni Eve. Ang tanging nakakaalam lang talaga noon ay si Jen. Ayaw niya kasi na maramin ang makaalam pero ngayon, wala ng saysay ang pagtatago nila.