KURTNEY ELIZABETH POV**
Narito na kami ngayon sa school at kasalukuyang ginaganap ang orientation namin. Nabigay na rin sa amin ang schedule ng pasok namin at magka-klase kami ni Nixon sa lahat ng subjects.
Kami ang laging magkasama dahil kami lang naman ang closed sa isa't-isa. Lagi pa naka akbay sakin ang mokong nato. Wala naman akong pake dahil wala namang malisya yun samin. Tsaka sanay na sanay na kami ni Shiena sa kaniya.
Hindi naman maikakaila ang angkin tangkad at gwapo ni Sean Nixon kahit moreno siya. Kaya hindi maiwasan na may napapatulala sa kaniya kapag napapadaan kami ni Nixon sa harap nila. Dahil likas na chickboy ang isang toh, feel na feel naman niya ang maglakad na parang model at ang ganda pa ng ngiti na akala mo eh nasa commercial ng colgate yung close up.
Dahil same lang naman ang schedule namin ni chickboy at magkatabi lang din ang condo units namin, syempre sabay na rin kaming umuuwi. Isang linggo na rin ang nakalipas simula ng mag start ang class namin. Dahil nga lagi kaming magkasama ay napagkakamalan na kaming mag jowa. Pag sinasabi naming magkaibigan lang kami ay puro malisyosa at malisosyong tingin lang napapala namin. Magtatanong tapos ayaw maniwala. Tsk. Pinoy nga naman. Kaya hinahayaan na lang namin at hindi na kami nag aabala pa mag explain.
Naninibago ako ngayon dahil parang hindi na sanay ang utak ko mag - aral at gumawa ng assignments na may deadline. Iniisip ko na lang ang anak ko, si nanay Isay at Shiena na todo suporta sakin kaya hindi ko yun sasayangin.
Nakakadagdag bigat pa sa akin na nami - miss ko na talaga sila lalo na ang Ezekhiel ko. Tuwing break time namin ay tumatawag or nag mi-message ako sa kanila pati sa pag - uwi. Pero bakas simula next week mabawasan ang time ko sa kanila dahil mag a-apply kami ni Nixon na part timer sa isang fast food chain na malapit dito. Ayaw ni Nanay at Shiena dahil kaya naman daw nila pero nahihiya ako dahil sila nag aalaga at nag papakain sa anak ko. Kailangan ko kumita ng pera para sa pangangailangan ng anak ko. At sa palagay ko kasi ay hindi rin sasapat ang allowance namin galing sa gobyerno dahil sa taas ng mga bilihin dito sa Maynila. Lahat may bayad.
"Pssst.. Bes, pakopya ng sagot sa assignment natin." bulong ng dem0nyito sa tenga ko.
Hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa pag re - review sa notes ko bago man lang pumasok sa room yung professor namin.
"Babaita! Pakopya!" Parang tanga naman tong lalaki na toh.
"Oh bilisan mo! Puro nood kasi ng p0rn inaatupag eh kesa gumawa ng assignment!"
"Shhh... Wag ka nga maingay diyan. Marinig ka pa ng mga chix nating classmates. " Mahinang sabi niya sakin sabay tingin sa paligid kung may nakarinig. Tsk. Dito pa ata magkakaroon ng panganay ang pasaway na lalaking toh.
Napatingin naman ako saglit sa kaliwa ko dahil may tumabi sakin na kaklase ko na bagong dating lang. Hindi kami close kasi masyado siyang tahimik. Nerd siya at may makapal na salamin sa mata. Hindi siya masyadong nakikipag usap. Lagi lang siyang nasa isang sulok at nag re - review pag wala pang prof. Siya si Jennie ng black pink.
Chariz! Wala talaga akong POV na matino. Author ano na?!
Jennie Nieves ang full name niya. Matalino naman talaga siya at laging nakaka perfect sa mga quiz namin. Edi china oil! Mukhang mabait din naman siya at hindi nangangagat, sadyang tahimik lang talaga siya at matured na mag-isip kumpara sa katabi ko sa kanan na todo kopya sa assignment ko.
Maya-maya pa nga ay pumasok na si Professor Ricardo, Ric for short. Ayaw niya patawag ng Ricardo dahil ang lakas daw makatanda kahit nasa 40's palang naman daw siya. Prof namin siya sa Literature. Hindi ko lang gusto ang mga tinginan ni Prof Ric sa aming mga estudyante niyang babae para kasing tumatagos sa uniform namin yung mata niya lalo na sa parteng dibdib. Nakikita niya siguro yung internal organs namin at balak niya ibenta! Yawa.
Nakapasa kami ni Nixon sa inapplyan naming fast food at next week na rin ang start namin doon. Sana talaga kayanin ng katawang lupa namin. Rotation ang trabaho namin, kada araw iba - iba ang assign samin na trabaho. Minsan taga hugas ng plato, minsan taga serve or taga linis ng comfort room at sahig. Depende.
Laban lang! Bawal tamarin dahil maraming bayarin at hindi pa tayo mayaman.
"Bruha, kamusta ka diyan? Nagsusunog ka ba ng kilay?"
Basa ko sa message ni bff.
"Kilay mo kaya sunugin ko? Mabuti naman ako dito. Walang dapat alalahanin. Kamusta ang baby boy ko?" Reply ko naman sa kaniya. Waiting pa kami ni Nixon sa next subject namin.
"Ito yung baby boy mo mukhang may baby girl na. Hehe. Mag-aral ka mabuti diyan ha? Hindi mag - aral mag bote!"
"Pinagsasabi mo diyan? Hindi na ako lasengga noh! Nag bagong brand na ko este nag bagong buhay na ko! At sinong baby girl sinasabi mo diyan?"
"Hehe! Eh kasi yung baby boy mo binata na! Mukhang na love at first sight dun sa anak nung bagong kapitbahay natin. Laging nakatanaw dun sa batang mukhang manika. Ayaw na makipag laro sa ibang bata dito. "
Aysos! May pag ganun na ang Ezekhiel ko! May pinag-manahan talaga. Nung bata pa lang ako may bumabakod na rin sakin eh at talagang naanakan pa ko!
"Wag mo turuan ng mga kalokohan yan bff ha! Makukurot talaga kita sa singit pag naging batang ama yan!"
"Grabe naman batang ama agad? Pwede namang gumamit ng condom! Orient ko kaagad si Ezekhiel habang bata pa."
Parang gusto ko lumusot sa screen ng selpon at sabunutan si Shiena. Parang maku-corrupt pa ang isip ng anak ko dahil sa kaniya eh!
"Bwisit ka! Uuwi talaga ako diyan at kakalbuhin ko yang buhok mo sa taas at baba!"
"Hahaha. Biro lang naman bff! High blood ka na agad. Ganiyan ba talaga pag matagal nang tuyot ang petals? Hehe. Sige na, galingan mo sa pag-aaral. Labyuu!"
"PISTI KA TALAGA SHIENA!"
Nakuuuuuu... Pasalamat talaga siya malayo siya sakin. Hindi lang sabununot sa patilya abutin niya sakin! Nag tagumpay talaga siya bwisitin ako ngayong araw.
"Tsk. Baliw na ang isang toh." Mahinang sabi ni Nixon na nasa tabi ko nga lang pala. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Sabi kasi sayo wag ka mag papalipas ng gutom eh. Ayan tuloy lagi mo na lang kausap sarili mo." Agad ko naman siya hinampas ng librong hawak ko.
"Awww! Napaka amazona mo talaga! Kaya walang nanliligaw sayo eh!"
"At ano naman kinalaman nun? Mag review ka na nga lang diyan! Tapos mangungopya ka na naman sakin mamaya!"
Napatigil ako sa pakikipag bardagulan kay Nixon ng mapansin kong nakatitig samin si Jennie. Nang makita niyang napansin ko siya ay agad siyang umiwas ng tingin at yumuko. Nakatambay kami dito sa isang kainan sa loob ng campus at nasa kabilang lamesa lang siya.
Tumahimik din bigla si Nixon at nang lingunin ko siya ay titig na titig siya kay Jennie. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Don't tell me balak niya rin ibudol si Jennie?
"Bakit ganiyan ka makatitig kay Jennie?"
"Ha? Hindi noh! Sinong naka titig? Doon ako nakatitig sa chix na nasa likod niya yung malaki ang balakang!" Sabi niya sabay iwas ng tingin.
Tinignan ko naman yung sinasabi niya at may mabalakang na babae nga ang nakaupo sa bandang likuran ni Jennie. Matang lawin talaga!
Pingot naman ang inabot niya sakin. Grabe! Napakamakasalanan ng mata niya, kung anu-anong nakikita!
Pumunta na kami sa room ng next subject namin dahil malapit na rin mag start ang class namin.
"Classmates, announcement. Bukas wala tayong klase sa first at second subjects natin dahil magkakaroon daw ng pag welcome sa lahat ng estudyante ngayong taon kasabay ng pag welcome sa bagong Director ng school. Required tayong lahat umattend at bawal ma - late dahil mag sisilbi itong attendance natin. Ayon lang. " Announcement ng class president namin.
"Classmates, balita ko anak daw ng may-ari ng school ang bagong Director. Kakauwi lang daw nun galing France."
"Ay talaga? Lalaki ba o babae?"
"Lalaki daw. At balita ko pa binata pa daw yun at napaka gwapong tunay. Sana makabingwit naman ako ng kagaya niya!"
Dinig ko sa chismisan ng clasamates ko. Wala naman kami pakialam ni Jennie dito sa gidli dahil hindi naman kami interesado kung ano itsura nun. Si Nixon naman ay busy makipag flirt sa ibang classmates naming may dala - dalang pakwan araw - araw.
Alas - sais ang tapos ng last subject namin tuwing tuesday. Naglalakad na lang din kami ni Nixon papunta sa condo para makatipid. Sayang din yung pamasahe dahil malapit lang naman.
"Wag ka nga umakbay sakin. Kadiri ka baka kung saan-saang malansa mo pa hinawak yang kamay mo."
Napa ngiwi naman ako ng inamoy - amoy niya ang dailiri niya.
"Hindi naman ah! Nag alcohol naman ako agad! Awwww! Nakakarami ka na ah"
"Bwisit ka! So, may hinawakan ka ngang malansa!"
"Biro lang naman eh. Syempre wala! Yung Cocomelon lang naman yung hinawakan ko eh" pabulong na ang pagkakasabi niya sa huling salita niya. Akala naman niya hindi ko narinig!
"At kaninong Cocomelon naman ang hinawakan mo aber?"
"Anong Cocomelon? May sinabi ba ko? Bilisan mo nga mag lakad bansot! "
Edi ikaw na matangkad! Napuna na naman ang height ko!
Kinaumagahan ay maaga kaming nakarating sa school. Naka pwesto na rin dito ang mga estudyante sa malawak na auditorium ng university. Halatang pang mayaman talaga. Parang pinaghandaan talaga ngayong araw ang pag welcome sa new Director ng school na anak din daw ng may-ari.
Nakapwesto kami ni Nixon dito sa may bandang dulo at magkatabi kami. Sa kaliwa niya naman ay si Jennie at sa kanan ko ay ang isang classmate namin na lalaki, si Jake. Hindi naman kami super magkakadikit sa isa't-isa, magkakalapit lang ang upuan namin. Pero kami ni Nixon magkatabi talaga dahil naka akbay siya sa sandalan ng upuan ko. May pahabang lamesa din sa harap namin.
Pumunta na ang Dean namin sa harap at nagsalita. Ang mga professors at ibang officials ng school ay nasa stage nakaupo. Nasa pinaka gitna nila ang isang matandang lalaki na panot at malaki ang tiyan. Siya na ba yung bagong Director? Siya lang kasi yung nandoon na hindi ako familiar sa mukha.
Bakit sabi ni binata at gwapo? Eh bakit parang tatang na yun? Matanda pa nga yan sa papa ko eh!
"Bes, inaantok ako sa speech ni Dean." bulong sakin ni Nixon.
"Manahimik ka nga diyan baka may makarinig sayo!" Balik ko namang bulong sa kaniya.
Kinuha naman ni Nixon ang selpon niya gamit ang isang kamay habang naka akbay pa rin ang isang kamay niya sa upuan ko.
"May sinend ako sa messenger mo." bulong ulit ni Nixon sakin. This time, umakbay na talaga siya sa balikat ko.
Binuksan ko naman ang messenger ko at nasamid ako sa sarili kong laway ng makita ko ang short video na sinend niya. Pigil na pigil ang tawa ko para hindi ako makalikha ng ingay. Agad naman tinakpan ni Nixon ang bibig ko para hindi ako matawa.
Panong hindi ako matatawa? Nag send siya sakin ng video na nagti - t****k siya ng kantang "Alibi" habang nakasuot ng lingerie! Kanino naman niya nakuha yun eh puro sila lalaki sa condo nila? Para siyang baklang bakulaw na sumasayaw tapos naka lipstick at wig pa! Gustong - gusto ko na talaga humagalpak ng tawa kaso nakakahiya.
Napatigil lang ako sa pag tawa ng mapatingin ako sa harapan. Napatulala ako ng makita kong hindi na lang ang Dean namin ang nasa stage para mag salita.
Galit ang mga mata niyang nakatingin sa direksyon ko habang ipinapakilala siya ng Dean.
"Let's all welcome Mr. Khiel Maximo Guevarra. Let us all give him hand of applause."
Nagpalakpakan naman ang mga estudyante at guro maliban sakin na nakatulala pa rin sa lalaking hanggang ngayon ay nagpapatibok pa rin ng puso ko.
Nakaramdam ako ng kaba at the same time, excitement. Hindi ko alam kung para saan pero yun ang nararamdaman ko ngayon.
Naputol naman ang titigan ni Khiel ng hilain ni Nixon ang kamay ko para maka-upo na. Pagka- upo ko ay nakita ko naman na mas lalong dumilim ng awra ni Khiel na nakatingin sa direksyon namin.
"Ah, Sir Khiel?" pukaw ng Dean kay Khiel. Doon naman naputol ang tinginan namin.
Huminga muna ito ng malalim at pumikit saglit na para bang nagpapakalma ng sarili bago ito nag salita.
Wala akong naintindihan sa mga sinasabi niya dahil ang utak ko lumilipad sa masasayang nakaraan namin.
"Akala ko makakalimutan din kita pag tagal ng panahon pero hanggang ngayon pala ay mahal na mahal pa din kita at ikaw lang ang kinikilala ng puso ko."