4: Tita Meerah

1823 Words
KURTNEY ELIZABETH POV** Laking tuwa ni nanay Isay at Ezekhiel nang malaman nila na nakapasa ako sa scholarship program. "Naku anak, masayang-masaya ako para sayo. Matutupad na ang pangarap mo makapag aral ulit. Wag mo alalahanin ang apo ko. Hinding-hindi namin yan pababayaan." Nakakataba ng puso na may taong nagmamahal samin ng anak ko ng ganito na walang hinihinging kapalit. "Oo nga mama. Ayos lang po ako dito kay lola at tita Shiena kahit sometimes she's annoying." "Hoy, grabe ka talaga sakin pamangkin ha! Mahal na mahal mo talaga ako!" Natawa naman ako sa pag aasaran nila. "Maraming salamat nanay. Utang ko sa inyo lahat ng ito dahil sa pag tulong mo sakin lalo na nung mag buntis ako hanggang sa makapanganak. Hindi mo kami pinabayaan. Gagawin ko po lahat para makapag tapos ng pag-aaral." Sobrang nagpapasalamat ako sa palaging pag suporta sakin ni nanay, Shiena at ng anak ko. Sino ba naman ako para biguin sila? Sa sunod na linggo na ang alis naming mga nakapasa scholarship. Nasa 20 din kami na mga babae at 10 na lalaki. May van na mag susundo sa amin papunta sa Makati. Meron na rin kaming matutuluyan. Condo daw yun. Tag 10 katao kada isang unit. Bed space ang bawat isa sa amin. Malapit lang din daw yun papunta sa L. M. University. Kahit daw lakarin ay pwedeng-pwede. Nai-excite ako na nalulungkot. Iba talaga pag nanay na. Laging nasa isip ay ang anak. Sobrang mami-miss ko talaga ang baby ko na yun. “Bff, mami-miss talaga kita. Wag mo alalahanin ang anak mo dito at si nanay. Ako ang bahala sa kanila. Mag iingat ka doon ha? Baka masagasaan ka, tanga ka pa naman!” “Ayy, wow! Salamat sa concern na may panglalait ha?! Tsk.” “Totoo naman eh. Kita mo nung masagasaan ka namaga tiyan mo na parang pakwan. Hehe.” “Pisti ka talaga! Ibang sagasa naman yang sinasabi mo!” Puro kalokohan talaga ang babaeng toh! Kasalukuyan akong nag aayos ng mga gamit na dadalhin ko tapos may pang gulo lang yung ambag! Sa sunod na araw na ang alis namin kaya balak ko ngayon makipagdate sa anak ko. Dadalhin ko siya bayan. May naipon pa naman ako dito para ipang kain namin sa Jalibee at pang bili ng kahit mumurahin na laruan lang. "Nay, alis po muna kami ni Ezekhiel. Paki tali na lang po si Shiena baka mangagat ng kapitbahay." "Hoy! Narinig ko yun ha! Wof wof!" "Haha. Kayo talaga. Oh, sya sige anak. Enjoy kayo ng apo ko." Pagkarating namin sa bayan ay tuwang-tuwa naman ang anak ko dahil sa mga maraming laruan na naka display sa paligid. Hindi naman siya nagpapabili pero kita ko sa mga mata niya ang kagustuhan niya. Don't worry anak, mabibilhan din kita niya. Not now but not sure! Eme! "Opsss! Sorry po!" Rinig kong sabi ng anak ko. Napatingin naman ako sa kaniya mula sa pamimili ng mga damit dito Uk as in UKay. "Woah! You looked exactly my brother when we were young! I'm Meerah. You can call me tita Meerah. May I know your name please?" Namamangha niyang tanong sa anak ko. Meerah? Siya ba yung kakambal ni Khiel Maximo? OMO! Kinuha ko ang ecobag na dala namin at itinakip sa mukha ko. Agad kong hinila ang anak ko palayo. Shocks! Anong ginagawa niya dito? " Sandali! " Dinig kong tawag niya sa amin. Hindi ko naman sure kung siya nga si Meerah na kakambal ni Khiel. Nag assume lang ako agad dahil sabi niya kamukha ni Ezekhiel ang brother niya. Kumpara naman sa akin, di hamak na mas kamukha ni Ezekhiel ng 99% ang papa niya! Grabeng kaba ang nararamdaman ko ngayon. Parang lalabas na sa ribcage ko yung puso ko! Hingal na hingal ako ng makalayo na kami. "Mama? Bakit po tayo umalis agad? Kilala mo ba yung girl?" "Ha? H-hindi anak. Tska diba sabi ko sayo wag ka makikipag usap sa stranger?" "Hindi naman po ma. Nag sorry lang ako sa kaniya kasi nabangga ko siya dahil hindi po ako nakatingin sa daan." "Very good ka diyan anak pero hanggang dun lang dapat ha? Hindi pa rin natin yun kilala. Okay? Mas lalo ka mag-iingat habang wala si mama sa tabi mo para hindi naman ako mag-alala ng sobra." "Yes mama. Promise po. Uuwi na po ba tayo ma?" "Ikaw kung ano gusto mo. Gusto mo na ba umuwi or gusto mo pa mamasyal?" "Uwi na po tayo mama. Marami na rin naman tayo napuntahan. Mas gusto kita makasama ng matagal sa bahay tapos ipag luto mo po ako ng meryenda." Napangiti naman ako sa suggestion ng anak ko. "Sige anong gusto mo? Dito na rin natin bilhin mga sangkap." "Yung favorite ko po sana mama." Pareho ng paborito ang mag-ama. Favorite nila ang hot cake na maraming margarine at asukal. Binili ko na rin dito sa bayan ang mga sangkap na kakailanganin ko sa pag luluto. "Flour, margarine, asukal at vanilla essence. Ano pa ba? Wala na ba ako nakalimutan?" Tanong ko sa sarili ko. Nang makabili ay agad narin kami umuwi ni Ezekhiel. Mula ng umalis kami kung saan nakita ni Meerah si Ezekhiel ay naging mapagmasid na ko sa paligid. Pakiramdam ko kasi parang laging may mga matang nakasunod kahit saan kami pumunta. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan. "Welcome to the land of happy people! Kung saan bagyo ka lang, pinoy kami at kung saan 3 years na, wala parin ang national ID! Philippines!" Bungad na bati sa amin ni buang pag bukas ko ng pintuan. Ano na naman kaya nahithit ng babaeng toh habang wala kami? "Tita Shiena, are you sick?" Natawa naman ako sa tanong ng anak ko. Haha "Oo nga anak parang may sakit ang tita Shiena mo. Dalhin na natin siya kay Inang Rosa!" "Hoooooy!!!! Wala akong sakit noh! Grabe talaga kayo sakin! " "Ano ba kasi yang trip mo at ganiyan ang itsura mo?" Mukha kasi siyang clown na nadapa, plakda ang mukha! "Eh kasi naman nanuod ako ng make up tutorial sa YT, ay grabe ang panget nung kapitbahay nating chismosa!" Napapailing na lang ako sa babaeng toh. Trying hard sa pagmi-make up. Nainggit na naman siguro toh sa mga turista na natural ang beauty. Maganda naman siya eh. Hindi lang siya marunong mag appreciate ng sarili niya. " Ikaw nga iwas-iwasan mo yang kaka-kumpara ng sarili mo sa iba. Mas maganda ka tignan sa simple polbo at lipstick lang. Kulang ka lang talaga sa ligo." Sabi ko habang inihahanda na ang mga sangkap na gagamitin ko sa pagluluto ng hot cake with lots of cheeeesseee. "Salamat bff ha? Hindi ka talaga pwede mag advice ng walang lait sakin!" Nakanguso niyang sabi. "Hindi yun lait noh! Pagsasabi yun ng totoo. Tulungan mo na nga lang ako dito bago ko pa maisip na ipatingin ka kay Inang Rosa." Dali-dali naman siyang kumilos. Sa aming dalawa parang siya pa talaga yung nagka - trauma. "Tao po! Shing? Beth? Pasok na ko ha? Welcome sakin! " Napataas kilay naman ako kay Nixon. Isa pa toh! Nagkahawaan na sila ni Shiena. Siya na talaga nag welcome sa sarili niya sa pamamahay namin. "Wow, parang masarap yan ah!" "Bakit ka nandito?" Tanong ni Shiena. "Ay, oo nga pala. Beth, alas siete daw umaga ang alis natin. Dun tayo sa van number 2. Yung kulay puti na nangunguha ng magaganda at gwapo." Oo nga pala. Nag-apply din si Nixon dun sa scholarship program at kagaya ko nakapasa din siya. Same lang din kami ng course na kinuha kaya baka maging classmates din kami. Bachelor of Science in Accountancy (BSA) major in Financial Management. Yan ang kinuha namin ni Nixon. Ewan ko ba bakit yan kinuha ko eh bob0 naman ako sa math! Magaling lang naman ako sa pagbibilang ng mali. Dahil makapal ang mukha ni Nixon, syempre dito na rin siya naki-meryenda. Siya na rin ang nag-aya sa sarili niya na kumain. Nakihati pa talaga sa anak ko. Tsk. "Hoy, Nixon boy. Bantayan mo ang bff ko dun ha! Baka masagasaan na naman yan ng rumaragasang ano! Tsaka ikaw maging alerto at observant ka sa paligid. Balita ko nangangain daw ng tanga yung MRT dun eh. Baka makain ka. Hehe." "Ay wow! Ako pa talaga tinuruan mo samantalang hindi ka pa rin naman nakakarating dun. Tsaka pag-aaral ipupunta ko dun hindi taga bantay ng kalabaw! " Sinamaan ko naman ng tingin si Nixon. Ginawa pa kong kalabaw! Suwagin ko siya diyan eh! "Hehe. Peace! Sarap ng cake nagawa mo." "Anong cake? Hot cake yan!" "Hindi na kasi hot kaya cake na lang! Hehe. Aray!" Deserve niya makurot. Promise! Bakit ba ako napapalibutan ng mga baliw? Dati takot ako sa kanila, ngayon naging mga kaibigan ko pa talaga! Ngayong araw na ang alis namin papuntang maynila pero bukas pa ang start ng klase namin. Malayo-malayo din kasi ang biyahe. Tama lang para may time pa kami makapag ayos ng gamit at makapag pahinga. Todo yakap at halik ako sa anak ko dahil ngayon pa lang sobrang miss ko na siya. Hindi ko naman maiwasang maiyak. Mag tita-tiyaga na muna kami sa video call gamit ang low quality na cellphone namin. Kakagawa ko lang din kahapon ng F.B account ko. Maging si Shiena at Nixon. Ginawaan ko na rin ng sariling account ang anak ko. Doon ko na lang siya tatawagan pag video call gamit ang cellphone ni nanay. Ayaw kasi ni nanay magpagawa ng sarili niyang account. "I love you po mama. Mag-iingat ka po dun. Wag mo po kalimutan bilin ko ha? No boys!" "Opo anak. I love you too. Bantayan mo si nanay kasi alam mo naman minsan sumasakit na ang tuhod niyan. At yung mga bilin ko rin sayo ha?" "Depunggol na bata toh, nadamay pa tuhod ko." "Hehe. Sorry na nay Isay. Ikaw na po bahala sa anak ko ha? Maraming salamat po. At yang bff ko, lagi niyo paiinumin ng gamot para hindi inaatake." "Oo anak. Ako bahala sa anak mo. At yang kapatid mo pag inatake, ipapatawag ko agad si Inang Rosa." "Nanay naman!" "Oh siya anak. Lagi kang tatawag pag may time ka at laging mag dasal." "Opo. Nanay." "Ingat ka bff. Wag kang uuwi ng buntis ha! Labyuuuu! " "Siraul0 ka talaga! Kaagad na rin kami umalis. Katabi ko si Nixon dito sa loob ng van. Balak sana namin mag part time pag andun na kami. Para yung sweldo ko maipadala ko para kila nanay. May allowance naman kami para sa pang araw-araw. Medyo tanda ko pa naman sa maynila. Tahimik ang naging buong byahe namin at gabi na rin ng makarating kami. Pagkarating namin ay nag message agad ako kay Shiena. Inayos ko na rin ang mga gamit ko para makapag pahinga na after kumain. Alas siete ng umaga ang orientation namin bukas. Dalangin ko na lang na maging maganda ang 1st day namin at maka-adjust agad. Kami lang ata kasi ang mahihirap doon. Bahala na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD