KURTNEY ELIZABETH POV**
"Ezekhiel anak ko, may itatanong lang sana si mama sayo."
"Ano po yun ma?"
"May pa scholarship program kasi ang gobyerno natin. Magpapa-aral ng kagaya kong kapus-palad pero sa maynila. Okay lang ba kung subukan ko mag apply? Okay lang maman sa akin kung mas gusto mo na dito lang ako."
"No ma. It's okay for me. That is actually great! Hindi naman ako pababayaan ni lola Isay at tita Shiena. Basta lagi ka lang po tatawag para hindi naman kita ma-miss ng sobra and promise me to always take care of yourself. Bawal ka din po tumanggap ng manliligaw lalo na ng boyfriend. "
Napangiti naman ako sa anak ko. Nakikita ko sa kaniya ang tatay niya na over protective at possessive sakin noon.
Hayst. Aminin ko man o hindi, sobrang na-miss ko na siya. Ang lalaking hanggang ngayon ay tinitibok ng puso ko. Wala naman ako balak pa mag-asawa. Kontento na ako sa anak ko.
"Yes, baby. I promise. No boys!"
Niyakap ko naman ang anak ko dahil panigurado ma-miss ko siyang yakapin at makatabi matulog.
Kinabukasan ay agad ako nag-asikaso ang mga requirements. Laking pasalamat ko dahil wala naman ako naging problema. Nang makumpleto ko na ang mga kailangan ay sumunod na linggo sinimulan ko na mag apply.
Maaga pa lang ay umalis na ako sa bahay. Pag karating ko doon ay mahaba na rin ang pila. Karamihan ay mga out of school youth. Nagkaroon muna ng initial screening at fill out kami ng forms. Mayroon din naging exam. Medyo nahirapan ako sa iba pero tiwala naman ako na makakapasa ako. Sana. Para sa anak ko.
Nakita ko rin doon si Perlas na anak ni Aling Myrna. Todo taas ito ng drawing niyang kilay sa akin nung makita niya akong naka-pila.
"Feelingera ka din noh? Palagay mo makakapasa ka dito eh may anak ka na? Asa ka naman girl?! "
"Oo nga! Para lang ito sa mga magagandang dalaga at matatalino kagaya ng anak ko. For sure makakapasa ang anak ko kaysa sayo. Kawawa ka naman. Hahaha"
Napatingin naman ako sa anak niya mula ulo mukhang paa! Sa suot pa lang parang hindi mag apply sa scholarship. Mas papasa pa toh pag nag apply sa club na puro matatandang malapit na mamatay ang puro customers. Ang itim pa ng kuyukot!
"Talaga po ba? Sino?"
"Ang anak ko. Si Perlas!"
"Sino ang may pake?"
Pang aasar ko sa kaniya sabay ngisi. Tinalikuran ko na siya. Wala akong panahon patulan mga kayabangan nila. Wala rin naman sila ipagmamalaki. Kaya nga sila narito dahil nag babakasakali rin sila. Sadyang mataas lang talaga ang tingin nila sa sarili nila.
"Abat! Hoy, wag mo ko talikuran!" Sigaw ni Aling Myrna.
Pinag tinginan naman sila ng ibang aplikanteng naroon. Nakaramdam naman ng hiya siguro kahit konti dahil hindi na ulit ito nag salita at masama na lang na nakatingin sa akin.
Wala akong pakialam sa iniisip nila at sasabihin. Hindi naman sila ang nagpapalamon samin.
Habang nag aantay sa pila para sa final screening, narinig ko na naman ang chismisan ng mag-ina na parang sinasadya iparinig sa lahat.
"Basta galingan mo lang anak ha! Naniniwala akong makakapasa ka. Sure na yan. Sa ganda mo ba namang yan! Mana ka sakin eh!"
Napangiwi naman ako sa maganda. San banda?
"Yes, mommy. For sure na yan."
"Yan ang anak ko! Ano nga ulit yung vital statistics mo anak?"
"Ano, maganda at sexy lang. Ganun!"
"Perfect! Ay teka, message ko lang ang daddy mo na mag handa ng masasarap na pagkain. Ice-celebrate natin pagkapasa mo." Na e-excite na sabi ni Aling Myrna.
Ang arte. Kapag talaga itong anak niya hindi nakapasa, depress talaga abutin nila.
Sa wakas natapos na rin lahat ng procedures. Ipo-post na lang daw nila ang listahan ng mga nakapasa after 3 days. Hindi naman ako umaasa. Makapasa man o hindi ay ayos lang sa akin. Parehas naman ako may benefit dun. Kung hindi man makapasa, atleast makakasama ko pa rin ang pamilya ko dito lalo na ang anak ko.
"Kaawaan ka ng Diyos. Anong balita anak? Kamusta ang pag apply mo ng scholarship? Sabi ni nanay Isay pag
katapos ko mag mano sa kaniya.
" BFF! Andito ka na pala! Chika na dali! "
Apurado namang sabi ni Shiena.
"Hindi ako sigurado sa resulta pero maayos naman. Marami lang talaga ang mga aplikante kaya natagalan natapos. After 3 days daw ang result. "
"Naku, ikaw pa bff! Atleast sinubukan mo pa rin. Ako kasi wala na balak mag-aral baka pumutok na braincells ko sa dami ng kailangan pag-aralan hindi ko naman nai-aapply sa totoong buhay. Ibang putok naman ang gusto ko yung hindi nakakamatay!"
Napa aray naman si Shiena nang kurutin siya ni nanay sa singit. Puro kalokohan talaga ang babaeng toh!
Nag pahinga na rin kaming lahat dahil maaga pa kami ni bff sa palengke mag titinda. Gusto din daw sumama ng anak ko sa hapon para tumulong mag tinda. Wala naman kasi siya pasok at tapos na ang assignments niya. "
Pinayagan ko naman siya dahil sa hapon naman iyon. At parang may kung anong charming ang anak ko dahil kapag sumasama siya sa amin sa palengke, lagi talaga kami dinadagsa at nauubos talaga lahat ng paninda namin. Minsan nga ay kulang pa.
Ang mga batang babae sa lugar namin maging ang mga nag dadalaga ay talagang crush si Ezekhiel. Gwapo, matangkad at matalino kasi ang anak ko. Syempre yung tangkad at talino hindi niya yan minana sakin. Sure ako diyan! Gandang lahi lang talaga ang ambag ng egg cells ko.
Minsan nga ay may nag bibiro pa kay Ezekhiel na aantayin daw siyang lumaki tapos ay aakitin na nila. Sigurado daw kasi na lalaking napaka gwapo ng anak ko at kayang mang lumpo ng mga kababaihan. For sure marami daw si Ezekiel papaiyaking babae at bading. Mga siraul0 talaga. Ang bata-bata pa ng anak ko eh!
"Hi pogi! Pag bilan mo nga ako ng 2 kilo ng galunggong, 3 tilapia at 1 bangus. Wala bang free kiss pag maraming binili?"
Malanding sabi ng isang matandang baklang customer.
"Kulang pa po ang binili niyo eh. May free kiss lang po kapag pakyawin mo na yung bangus namin."
Bibong sabi ng anak ko.
"Ay ganun ba? Sayang naman. Kulang na kasi ang dala kong pera eh! Sige next time papakyawin ko yan. Dapat may kiss na ako nun ha?! Hehe"
Ilang minuto pa nakipag kwentuhan ang customer namin kay Ezekhiel dahil aliw na aliw talaga sila sa anak ko. Parang matanda na daw ang kausap nila.
"Oh, my ghad ate Karen! Look! He looks like our pamangkins!"
Napatingin naman ako sa nag salita na yun at nakita kong nakatingin at tinuturo nila ang anak ko. Curious ko naman silanv tinitignan.
"Oo nga Rosana. Kamukha niya ang mga pamangkin natin lalong lalo na si Khiel! Para silang pinag biyak na arenola na hindi pa gamit! "
Lalo naman kumunot ang noo ko sa binanggit nilang pangalan. Tila nakaramdam ako ng kaba. Lumapit ang dalawang babae sa anak ko at tila namamangha at hindi makapaniwalang nakatingin kay Ezekhiel.
" Oh my gosh, baby what's your name? Kamukhang kamukha mo kasi ang pamangkin ko kaya ko natanong."
"Hello. Bibili po ba kayo ng isda?" Magalang na tanong ni Ezekhiel.
"Ah, eh. Oo bibili kami!" Natatawang sagot nung isang babae.
"Ano po ang bibilhin nyo?" muling tanong ng anak ko.
"Ahmmm... Sige bigyan mo ako nitong pampamo mga 4 na piraso at 2 kilong pusit." Nakangiting sabi nung Karen.
"Grabe mautak at negosyante rin siya gaya ng pamangkin natin." Mahinang bulong nung Rosana dun sa Karen.
"Ma? Bibili daw po sila ng pampano at pusit."
Napabalik naman ako sa reyalidad ng marinig ko ang anak ko. Napatingin sa akin ang dalawang babae at pinaka titigan ako. Nginitian ko lang sila at hinanda na ang mga bibilhin nila. Narinig ko naman na tinanong nila ulit ang pangalan ng anak ko.
"Ano po muna ang pangalan niyo mga ma'am? Sabi kasi ni mama wag daw ako makipag usap sa strangers."
"Ah oo nga naman!" Napakamot ulo naman sila.
"Tawagin mo na lang nanay Rosana at siya naman si nanay Karen." Nakangiting pag papakilala nila.
"Ikaw ba ang nanay ng napaka bibong bata na ito?" Tanong ni nanay Karen.
"Ah, opo. Pasensya na po sa kadaldalan ng anak ko." Napapakamot ulo kong sabi.
"Naku! Okay lang! Nakakatuwa nga siya eh. Pwede ko ba malaman kung sino ang tatay niya? Pasensya na kung nausisa ko. Kamukhang kamukha kasi niya yung mga pamangkin namin noong ganyang edad rin. Na curious lang kami baka kasi nag kalat ng punla ang mga mokong na yun dito. "
" Ah, eh pasensya na po. Private matter na po kasi yun. Pasensya na wala po akong isasagot. "
Nakita ko kasing nakatitig sa akin ang anak ko at tila nag aantay din ng sagot ko. Alangan naman mauna pa ang ibang tao makaalam sa pagkaka kilanlan ng ama ng anak ko kaysa sa mismong anak ko. Si nanay Isay nga at Shiena mismo ay hindi rin nila alam kahit man lang pangalan. Kaya kung may sasabihin man ako, doon muna sa anak ko.
"Oh, okay! Naintindihan namin. Pasensya na, talagang na curious lang kami. Nakaka bigla kasi talaga na makakita ng kamukha ng mga pamangkin ko dito sa napakalayong lugar. Maraming salamat sa pag entertain. Sana mag kita pa tayo ulit." Nakangiting sabi ni nanay Rosana.
Nginitian ko naman sila at nagpa-alam na sa isa't isa. Hindi ko masabi kung may koneksyon ba sila kay Maximo dahil wala naman akong maalala na ibang kamag-anak niya bukod sa parents niya na ang huling ala-ala ko pa sa itsura nila ay nung mga bata pa kami. Bigla ko tuloy namiss sa Cabilao island.
Makalipas ang tatlong araw ay nakapost na sa website ang listahan ng mga nakapasa. Kasalukuyan kaming narito sa likod bahay namin. Mas malakas kasi ang sagap ng internet dito.
"Ahhhh! Oh, my gasshhh bff! Nakapasa ka! Andito ang pangalan mo! Ahhhh!"
Grabe makatili! Kala mo naman nakita yung paborito niyang K-pop sa personal! Baka pa ko makapasok sa school, bingi na ko. Halos malaglag na ko sa upuan kakatulak at hampas niya. Tsk.
"Hoy, ang ingay mo! Napapa silip tuloy mga kapit bahay eh! Pati mga wakwak napapatakip ng tenga sa lakas ng tili mo eh!"
"Eh hayaan mo na ko bff, masayang-masaya lang talaga ako para sayo! Tsaka malay mo magtagpo ulit ang landas nyo ng papa ni Ezekhiel. Si Mr. 13 inches! Hehe!"
Napangiwi naman ako sa bansag niya sa ex-boyfriend ko. Yan lang talaga natatandaan niya sa kwento ko tungkol kay Maximo.
" Ex-boyfriend my a$s! Hindi ka nga nakipag break ng maayos." Eksaheradang kontra ng isip ko. Wag ngayon self!
" Tumigil ka nga! Hindi iyon ang pinunta ko dun noh! Mag tatapos ako ng pag-aaral! Babawiin ko yung pagkakataon na nawala sa akin."
"Ayieee! Kunwari pa si bff for sure nami-miss mo na rin yung boyfriend mo!"
"Ex-boyfriend! "
"Ex ka diyan? Para lang yun sa mga nag break! Eh nag break ba kayo? Naku kung ako kay Mr. 13 inches, pag nakita kita lulumpuhin talaga kita mga 9 months para hindi ka na makawala ulit. Hehe"
"Eh hindi naman ikaw yun. So, manahimik ka diyan! Hindi rin naman makikipag balikan sakin yun. Ikaw ba naman iwan ng walang paalam. Baka nga may asawa at anak na yun eh. "
Shocks! Biglang kumirot ang puso ko! Ang sakit pala isipin na may sariling pamilya na siya! Simula ngayon hindi na ko mag-iisip! Charet!
Kung sakali man na meron na siyang sariling pamilya, magiging masaya na lang din ako para sa kaniya. Deserve ni Maximo yun. He is a good man. Kasalanan ko rin naman talaga lahat. Wala akong ibang dapat sisihin.
Sarili ko na lang pina-plastic ko pa! Tsk. Syempre masakit pa din noh kahit ako pa may kasalanan. Si Ezekhiel na lang ang iisipin at priority ko.
Pero pano nga ba ang gagawin ko pag nagkita kami ng hindi sinasadya? Aarte ba ako na hindi siya kilala? Mag so-sorry ba agad ako? Aarte ba ako ng normal lang na parang hindi kami nag chukchakan buong gabi, ganun?
Mag boyfriend, girlfriend kami nung time na ginawa namin yun pero parang one night stand ang nangyari pero ako yung tumakbo.
I'm sorry Maximo kung na s3x and run kita! Nadali ka ng rumaragasang kabibe ng wala ka sa katinuan! Inupuan pero hindi pinanindigan!
"Hoy bff! Nag i-imagine ka na naman diyan na nag chuchukchakan kayo noh? Sino nasa ibabaw? Hehe. "
"Alam mo bwisit ka talaga! Andun na eh!"
Tumayo na ako at naglakad na papasok sa bahay.
"Oh ha! Hoy bff! Sino nga!?!" Sigaw niya sakin. Ang kulit!
"Ako nga! Bwisit ka! Hindi ka pa makatulog kakaisip! "
That's what friends are for. Hindi kami yan kung hindi kami ganiyan mag usap!
Oh sya! Ba-bye na! Mag aano pa ko! Gupitan ko lang kuko ko para hindi makasugat. Ciao!