Napapansin ni Gill na mag – isa na itong lumalakad at hindi pa nagpapahatid sa kanya. Napapaisip na lamang siyang baka may itinatago ito sa kanya ngayon. Noong nakaraang araw lumakad ito na hindi niya nalalaman at pagbalik pa ay basang – basa naman ito sa ulan. Kailangan niyang kausapin ang kanyang kapatid, ayaw naman niyang paghinalaan at paghigpitan ito dahil may sarili na itong buhay kagaya niya. Minsan lang naman ito nagkwento sa kanya. Alam naman niyang abala silang dalawa sa trabaho, pero, umiiral pa rin ang pagiging kapatid niya rito, dahil nga nag – iisa lang niyang kapatid si Mariely. “El.” Tawag niya rito, kinatok na lamang niya baka nagbibihis pa ito. “Yes po, kuya?” tanong naman nito sa kanya na pinagbuksan siya, nakabihis na ito ng pambahay, galing lang niya sinundo ang ka

