Poem Celeste's POV “Ano ba’ng ginawa mo?” Halos mabilaukan ako sa iced tea ko habang nakatitig kay Sofia na parang siya mismo ang personal na kalaban ko sa buhay. Nakaupo lang siya sa harap ko, komportableng nag-i-scroll sa phone niya na para bang wala siyang kasasabi lang ng bagay na kayang magpataas ng blood pressure ko sa loob ng dalawang segundo. “Ako?” inosente niyang tanong. “Yes, ikaw. Ikaw. Sino pa ba?” Umangat ang sulok ng labi niya bago niya inilapag ang phone sa mesa. “Okay, fine. Since dramatic ka naman, sasabihin ko na. I signed you up.” Naramdaman kong bumagal ang mundo. “Ano?” “Open mic next week.” “Ano?” “You’re welcome.” “Ano?!” Tumawa siya nang malakas habang ako naman ay nakatulala lang sa kanya, sinusubukang iproseso ang impormasyon na parang may delayed sign

