continuation, Celeste's POV “Wow.” Napapikit ako. Ayan na siya “Wow?” “Ganito pala mukha mo kapag nakikipag-away ka sa papel.” Dahan-dahan akong umangat at nakita ko siyang nakatayo sa tabi ng mesa ko, may hawak na dalawang tasa ng kape at iyong pamilyar na ngiti na parang laging nasa pagitan ng pang-aasar at pag-aalala. “Hindi ako nakikipag-away.” “Talaga?” “Talaga.” “Okay.” “Diego.” “Fine. Mukha ka lang nakikipag-away.” Inilapag niya ang isang tasa sa harap ko. “Ano ’to?” “Peace offering para sa notebook mo.” Napatawa ako nang mahina. Hindi ko napansin na kailangan ko pala iyon. Iyong pagtawa. Iyong pahinga. Iyong ilang segundo na hindi umiikot ang mundo ko sa open mic. Umupo siya sa tapat ko nang hindi na nagtatanong. Matagal na naming ginagawa iyon. Iyong simpleng p

