CHAPTER ONE part II

1904 Words
continuation, Celeste's POV “Hey.” I stopped. Hindi dahil gusto ko o pinili ko kundi dahil may paraan ng pagsabi niya na parang nauna pang nakarating sa akin kaysa sa sariling pag iisip ko at mga palusot na bubuuin ko sana. I glanced over my shoulder and said, “What?” Hawak pa rin niya ang libro, ang parehong librong tahimik naming pinag aagawan kanina na parang mas mahalaga pa kaysa sa dapat kong ipinunta dito pero ngayon hindi na siya nakatingin doon nakatingin siya sa akin parang ang hinahanap niyang sagot ay hindi kailanman nasa bagay sa pagitan namin kundi sa mas hindi maipaliwanag na parte ng pagkatao ko. “What’s your name?” he asked. Napakasimple ng tanong. Siguro iyon mismo ang dahilan kung bakit bigla akong natigilan. Kasi kadalasan, hindi naman ang malalaking tanong ang nakakagulat. Ang mga simpleng bagay ang tahimik na nakakapasok sa mga depensang matagal mong binuo, nang hindi man lang humihingi ng pahintulot. Sandali akong nag-atubili. Wala naman talagang dahilan para itago ang pangalan ko. Pangalan lang naman iyon. Pero sa kung anong dahilan, pakiramdam ko kapag sinabi ko iyon, may mababago. Parang ang isang bagay na dapat ay simpleng pagkikita lang ay biglang magkakaroon ng hugis at bigat, na para bang mas nagiging totoo ang sandaling ito kapag nagkaroon na kami ng pangalan sa isa't isa. Sa isang katawa-tawang segundo, naisip ko pang magsinungaling. Magbigay ng ibang pangalan. Kahit ano, basta hindi ang totoo. Pero bago ko pa iyon magawa, may kung anong lumambot sa loob ko. Isang bahagi ng sarili kong hindi ko man lang namalayang unti-unting bumitaw sa pag-iingat. Ngumiti ako nang bahagya at tinapik ang libro sa pagitan namin,“If the universe wants you to know, malalaman mo.” Pagkatapos no'n, tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo. Hindi iyon dramatic exit. Wala namang eksenang parang may nagbago agad sa buhay ko o may kung anong malaking desisyong ginawa. Umalis lang ako, gaya ng isang taong wala nang dahilan para manatili. Parang pahinang tahimik na lumilipat sa susunod na kabanata, halos hindi mo marinig ang pagliko pero alam mong hindi na iyon babalik sa dating pahina. Paglabas ko ng bookstore, ganoon pa rin ang gabi. Pareho pa rin ang ingay ng mga sasakyan, pareho pa rin ang ilaw ng mga establisimyento, at pareho pa ring abala ang mga taong naglalakad sa magkabilang bangketa. Wala namang nagbago sa paligid. Iyon nga ang nakapagtataka. Dahil kahit walang nag-iba sa mundo, pakiramdam ko may kung anong bahagyang gumalaw sa loob ko. Isang bagay na hindi ko pa mabigyan ng pangalan, pero alam kong hindi na rin eksaktong katulad ng dati. Inayos ko ang strap ng bag ko habang tumatawid sa kalsada. Doon ko lang napansin na mas mabilis ang t***k ng puso ko kaysa dapat. Limang minuto lang naman kaming nag-usap. Isang estrangherong, sa lahat ng lohika, wala namang dahilan para manatili sa isip ko. Pero habang papalayo ako, mas lalo kong nararamdaman ang kakaibang bigat ng simpleng pagkakataong iyon. At iyon ang bahaging mas mahirap ipaliwanag kaysa sa mismong nangyari. I kept telling myself it was nothing. Just a stranger, just coincidence, just a book, just another moment na masyado ko lang pinipilit gawing meaningful. But my body didn’t agree, and that was the part I hated, kilala ko ang sarili ko. Kapag may isang katotohanang pilit kong iniiwasan, mas lalo ko lang itong napapansin. I don’t believe in fate. Hindi ako naniniwala sa destiny or invisible forces na nag-aarrange ng meetings na hindi ko naman hinihingi. I believe in timing, in choice, sa mga bagay na kayang i-explain without needing anything mystical. Pero at the same time, I notice patterns, and patterns are dangerous kasi hindi sila humihingi ng permission bago sila magmukhang meaning. Sa isang sulok ng isip ko, may tahimik na boses na paulit-ulit na nagsasabing hindi naman normal na may taong mag-iwan ng pakiramdam na parang isang pangungusap na hindi pa tapos pagkatapos lang ng limang minutong pagkikita. Agad ko iyong itinulak palayo, dahil mas madali iyong gawin kaysa harapin ang posibilidad na baka may katotohanan ang iniisip ko. Habang naglalakad ako sa ilalim ng ilaw ng poste, pakiramdam ko ay may kung anong bahagyang tumigil sa pagitan ng mga sandali, na para bang pinag-iisipan pa ng pagkakataon kung sapat na ba iyon o kung dapat pa itong magtagal nang kaunti. Pagkasakay ko sa taxi, isinandal ko ang ulo ko sa bintana. Malamig ang salamin sa pisngi ko, at kahit paano, mas nagawa pa nitong pakalmahin ang katawan ko kaysa sa isip ko. Sa labas, naghahalo-halo ang mga ilaw ng trapiko, street signs, at mga poste sa daan, parang mga bituing nakalimutang manatili sa langit. May ipinaalala iyon sa akin, pero hindi ko alam kung ano. O baka alam ko, ayaw ko lang bigyan ng pangalan. Dahan-dahang dumulas ang mga daliri ko sa strap ng bag habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari. Ang bookstore. Ang libro. Ang sandaling sabay naming inabot iyon. At ang paraan ng pagkakasabi niya ng, "Akin na 'to," na parang natural lang sa kanya ang maging sigurado. Napabuntong-hininga ako, kasabay ng isang mahinang tawang hindi ko napigilan. "Ang yabang," bulong ko sa sarili ko. Pero kahit ako, hindi kumbinsidong insulto iyon. Hindi lang kasi iyon yabang. May kakaibang kapanatagan sa paraan niya, na para bang wala siyang kailangang patunayan kahit kanino. At sa kung anong dahilan, iyon pa ang lalong nagpahirap na balewalain siya. Ipinihit ko ang ulo ko at pumikit, umaasang sa wakas ay tatahimik na ang isip ko. Pero sa halip, mas luminaw pa ang mga larawang pilit kong kinakalimutan. Ang ilaw ng bookstore na tumatama sa mukha niya. Ang bahagyang ngiting parang bihirang matinag. At higit sa lahat, ang maikling sandaling nagtagpo ang mga mata namin, na para bang kahit ang mismong pagkakataon ay hindi rin sigurado kung saan dapat magtapos ang gabing iyon. Corny, I know. Pero kahit ganun, napangiti pa rin ako. “Universe, ha,” I murmured softly, parang inaasar ko lang yung pagkakataon. “Kung may plano ka talaga, wag mo naman akong paasahin.” Outside, the city continued moving as if it had heard nothing. But inside the taxi, I allowed myself one small betrayal of logic, a thought I didn’t overanalyze the way I usually would. What if that wasn’t nothing? And just as quickly as it came, I let it go, because not everything needed meaning yet. Diego's POV Hindi ako naniniwala sa signs. Never ko talaga pinaniwalaan iyon. Naniniwala ako sa deadlines, sa drafts na kailangang ayusin, sa scripts na either gumagana o hindi. Walang gitna, walang kung anu-anong cosmic explanation na idinadagdag lang para gawing mas madali tanggapin ang randomness. Para sa akin, ang buhay hindi bumubulong ng meaning, para sa akin nangyayari lang siya. Ikaw ang bahalang mag-frame, o maiwan ka. So when my classmate told me to read something “trending” for inspiration, I almost said no. Almost. Dahil may paraan ang film school para turuan ka maging humble kahit gaano katigas yung paniniwala mo sa sarili mong rules. So I ended up inside a bookstore that looked like it was already in its final scene. Shelves were half-empty, people moved with this strange urgency like they weren’t just buying books but trying to extract meaning before time ran out on them. Maingay siya in a controlled way. Hindi literal na gulo, more like urgency na nagkukunwaring normal lang. Inayos ko ang hoodie ko habang mas lumalalim ako sa loob ng bookstore. Dumaan ang tingin ko sa iba't ibang pamagat ng libro, pero wala naman talaga akong hinahanap. Hindi rin ako mahilig sa mga kuwentong pilit nilalagyan ng kahulugan ang bawat pagkakataon, lalo na 'yung umaasa sa fate o destiny na parang hindi sapat ang randomness para ipaliwanag ang buhay. Para sa akin, doon lang naman nagsisimulang maghanap ng sagot ang tao kapag hindi na nila kayang tiisin ang uncertainty. May box ng libro na natumba sa gilid ng aisle. May mga tao na tuloy-tuloy lang sa paglalakd kahit nasasagi na ang balikat ko. Pero hindi ako nagre-react. My attention stays forward, always slightly detached, like I’m already framing everything in my head like composition first, meaning later, if it even deserves it. Until I noticed it. Just a trace of something in the air as she passed. Banayad, light, medyo floral na hindi naman dapat bagay sa lugar na ganun. Hindi siya yung tipong amoy na mapapansin mo intentionally, more like something na natural lang na sumasabay sa presence niya. Hindi ko inisip noon. Hindi ko ugali yun. Pero kahit nakalayo na siya, hindi agad nawala. Parang nagdalawang isip pa yung hangin bago siya binitawan. I remember thinking, briefly, that it was calm. Almost disarming in how it didn’t demand attention but still took it. Umiling ako para maalis na iyon s aisip ko, o iyon ang gusto kong paniwalaan. Ngayon, nasa mas tahimik akong bahagi ng lugar ng bookstore, hawak ko pa rin ang libro, The Universe Has a Plan. Hindi ko pa ito binubuksan. Wala akong balak. Hindi ako basta nagtitiwala sa mga librong sinusubukang ipaliwanag ang hindi maipaliwanag, tapos ibinabalik sa’yo na parang aliw na dapat tanggapin. But for some reason, my thumb lingered on the edge of the cover longer than necessary. At doon siya muling pumasok sa isip ko. Hindi buo, hindi malinaw, kundi pira-piraso. Yung paraan ng pagtayo niya. Yung hindi siya basta-bastang umiwas ng tingin. At higit sa lahat, yung bahagyang bakas ng pabango niya na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maipangalan, pero kusa nang iniuugnay ng isip ko sa kanya kahit ayoko. Nakakainis kung gaano kabilis magdugtong ng koneksyon ang isip ko sa mga bagay na, sa totoo lang, wala namang dapat konektado. Muli kong tiningnan ang librong hawak ko. Iba na ang dating ng pamagat nito. Hindi dahil bigla akong naniwala sa sinasabi nito, kundi dahil hindi na ito basta libro lang. At iyon ang hindi ko nagustuhan. Ayoko sa mga bagay na nagiging paalala ng tao. Dahil kapag nangyari iyon, doon nagsisimulang kumapit ang alaala. At alam kong mas mahirap kumawala kapag may kumapit na. Inikot ko ang libro sa kamay ko, na para bang sa simpleng pagbaligtad nito ay mabubura rin ang koneksyong pilit binubuo ng isip ko. Hindi iyon gumana. Sa halip, ang bumalik ay ang huling sandali bago siya tuluyang umalis. Hindi ang buong eksena, kundi ang paraan ng pagtalikod niya. Walang pag-aalinlangan. Walang kahit isang lingon. Parang siya mismo ang nagsara ng kabanatang iyon bago pa matapos ang mismong sandali. Dapat wala lang iyon. Isang estranghero. Isang aksidenteng pagkikita. Isang librong sabay naming inabot. Pero sa kung anong dahilan... hindi iyon ganoon kasimple. Napabuntong-hininga ako. Nakakainis aminin, pero kahit anong pilit kong ipaliwanag gamit ang lohikal na paraan, may isang bahagi ng isip kong ayaw pa ring bitawan ang gabing iyon. “Corny,” bulong ko, kahit hindi ko na rin alam kung sino ang pinapatamaan ko. Dahil aaminin ko sa sarili ko, alam ko na hindi ako naniniwala sa tadhana. Hindi ako naniniwala sa mga senyales o sa mga kuwentong nagsasabing may plano ang universe para sa bawat tao. Pero habang nakatitig ako sa librong hawak ko, may isang bagay na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko na maalala ang kahit isang pamagat ng librong nadaanan ko ngayong gabi. Pero ang babaeng hindi nagsabi ng pangalan niya, siya ang hindi ko makalimutan. end of chapter one
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD