CHAPTER NINE

1155 Words

That girl Celeste's POV Lunes ng hapon. Mainit ang panahon, pero hindi naman iyong klaseng init na nakakairita. Tama lang na parang yakap ako ng araw na nakadikit sa hangin, sumasama sa bawat paghinga at sa bawat hakbang ng mga estudyanteng nagmamadaling tumawid sa campus. May amoy ng damo mula sa bagong dilig na lawn, halo sa amoy ng papel, kape, at alikabok na matagal nang bahagi ng unibersidad. Sa paligid ko, abala ang lahat sa kani-kanilang buhay. May mga nagmamadaling humabol sa klase, may mga nakaupo sa ilalim ng puno habang nagrereview, at may mga nagtatawanan na parang wala silang kailangang isipin bukas. Normal na araw lang dapat. Ordinaryong Lunes. Pero habang naglalakad ako papunta sa library kasama si Sofia, pakiramdam ko ako lang ang hindi nakakasabay sa galaw ng mundo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD