CHAPTER 1
Hannie
MALAKAS kong ibinagsak ang pinto ng kotse ni Zymond nang sapilitan ako nitong pinababa sa kotse niya. Malayo pa sana ito mula sa inuupahan kong apartment ngunit wala na rin akong choice dahil sa nakakatakot nitong mga tingin. Kung hindi lang dahil sa offer at pananakot ng magaling kong stepmom ay hindi ko papasukin ang magulong mundo ng lalaking ito. Hindi ko guguluhin ang payapa at tahimik kong buhay. Maswerte lang talaga ako dahil hindi niya ako pinatulan, marahil ay hindi ako ang tipo niya na agad ko namang ikinasaya.
Hindi rin siguro siya kumbinsido sa pang-aakit ko pero ano ba kasing alam ko tungkol doon? Nagmukha lang tuloy akong timang at baliw sa harapan nito. Mabuti pa ang pagiging maldita at maarte baka sakali pa pero 'yong ganito. Ay! Nako! Mabuang na talaga ko nito!
Malalaki ang hakbang kong binagtas ang mahabang iskinita na shortcut pauwi ng inuupahan kong bahay hanggang sa marating ko ang dulong bahagi nito. Nakakailang hakbang pa lang ako palabas ng iskinita ng bigla na lang may nagtakip ng mga mata ko kasabay ng mabilis kong pag-angat sa ere.
" Ahh! " Sigaw ko habang nagpupumiglas.
" Hoy! Sino ba kayong mga— " Napahinto ako nang bigla na lang silang may itinakip sa ilong ko. Nakaramdam ako ng mabilis na pagkahilo at ayaw ko mang pumikit ay wala na akong nagawa nang maramdaman ko ang mabilis na pagbigat ng mga talukap ng aking mga mata.
****
Nagising ako dahil sa mataas na sikat ng araw na tumatama sa aking mga mata. Naramdaman ko ang mahigpit na pagkakatali ng mga kamay ko at kahit na nangangawit na ako ay wala pa rin akong magawa. Hindi ko rin makuhang magsisigaw dahil sa telang nakatali sa bibig ko. Iginala ko pa ang mga mata ko pero halos mapamura na lang ako ng matanawan ko ang bintanang may makakapal na rehas na dinoblehan pa ng glass window at base sa design nitong kwarto ay mukhang soundproof ito.
Nakadapa lang ako sa kama at kahit hirap ay pinilit ko pa ring makabangon. Hindi ko alam kung sinong hudas ang gumawa sa akin nito o baka naman tinutoo na ng stepmom ko ang pagbabanta niya dahil pumalpak ako.
Maluha-luha akong sumulyap sa pinto ng marinig ko ang pagtunog ng siradura nito na animong sinususian.
" UHM.. uhmm. " Pinilit ko pang magsalita ngunit masyadong mahigpit ang pagkakatali sa bibig ko.
Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto ng silid at isang matangkad at guwapong lalake ang bumungad sa akin. Nakasuot ito ng suit na parang pang men in black with earbuds pa sa kanyang tainga kaya nag mukha na siyang secret agent, spy o bodyguard ng mga royal families na napapanood ko sa mga movie.
Marahas niyang ibinaba ang taling nasa bibig ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para magsisigaw. Malakas na sigaw at paulit-ulit hanggang sa mapahinto ako dahil sa pangangalay at pananakit ng ngala-ngala ko.
Bigla naman akong napataas ng kilay ng mapansin kong prenteng-prete lang nakaupo ang lalaki. Dinedma niya lang ang ginawa kong pagsigaw na kinainis ko.
" Bingi ba 'to? " tanong pa ng isip ko.
" Hoy! Sino ka ba? Bakit mo 'ko dinukot? Anong kasalanan ko sa 'yo? " Maldita kong tanong pero imbis na sagutin ay nginisihan niya lang ako.
Inis na inis kong pinagkuskos ang mga kamay kong nakatali para piliting makawala sa pagkakagapos ngunit kahit anong gawin ko ay hindi pa rin ako makawala. Naramdaman ko ang paghapdi ng sugat sa mga kamay ko dahil sa pagkakatali kaya minabuti ko na lang tumigil.
" What if subukan ko na lang magmakaawa o magpaawa instead na magmaldita? " mungkahi pa ng isip ko. Nagparaan pa ako ng ilang minuto bago ulit nagsalita. Para convincing naman, 'di ba?
" Sir.. Nanakit na po ang mga kamay ko... baka po puweding kalagayan n'yo na po ako... please," malumanay kong saad.
" Maybe later, Miss. Waiting pa ako ng utos ni boss."
Nanlalaki naman ang mata ko sa narinig ko. It means na hindi siya? Pero sino? Baka nga 'yung bruhang baliw na stepmom ko at gusto niya rin akong mabaliw katulad niya.
Oo. Anak ako sa labas ng asawa niya at masaya ako roon dahil hindi ako nahahaluan ng dugong baliw pero 'yung ganitong ikulong niya ako sa kwartong 'to— baka kahit hindi ko siya kadugo ay mabaliw na lang din ako.
Muli kong sinulyapan ang lalake. " Please po, Kuya.. Paki sabi sa madrasta ko na pakawalan na niya ako dahil kung pumalpak man ako sa mission ko ay kasalanan na ni Zymond iyon dahil hindi ako ang type niya."
Tumawa nang malakas ang lalake. " Sino bang madrasta mo? Nagkakamali ka, Miss.. Dahil hindi siya ang nag-utos na ikulong ka dito. "
Natigilan ako sa sinabi niya. " Ano daw?! " Tanong pa ng isip ko dahil parang ayaw mag-sink-in sa utak ko ng sinabi niya.
" So, sino pala? "
Tumayo ang lalake at agad akong tinignan ng seryoso sa mukha. " Malalaman mo rin.. Feel at home ka lang dahil simula ngayon ay ito na ang magiging tirahan mo."
Tumalikod na ito at mabilis na lumabas ng kwarto habang ako naman ay naiwang tulala na lang habang pinipilit na isipin kung anong sinabi niya at ganoon na lang ang panglulumo ko ng muli iyong umalingawngaw sa isip ko.
" Feel at home ka lang dahil simula ngayon ay ito na ang magiging tirahan mo."