A Hopeless Romantic Author. I\'d rather choose to see the positive side of relationship over the negative one. ❤️
Romancing the Cold Heartless Billionaire ( Zymond Miguel & Athena
My Sweetest Mistake ( Alexander Gray & Triexxie )
Franco Buenavidez: The Fierce Boyfriend
LEXX: The Lifeless Boyfriend
Enemies in Disguise ( Ada and Hannie )
Almost perfect na nga raw sabi ng karamihan. Iyan ang relasyon na mayroon si Franco Buenavidez at Avelleey Javier.
Galing sa mahirap na pamilya si Avelleey Javier samantalang si Franco Buenavidez naman ay galing sa mayaman at kilalang pamilya.
Hanggang sa dumating kay Avelleey ang isang magandang oportunidad. At dahil sa pangarap niya ay sinunggaban niya ang offer ng isang sikat at kilalang kumpanyang nag-aalok sa kanya ng trabaho. At dahil sa ibang bansa iyon ay agad itong tinutulan ni Franco.
Hinigitan nito ang offer ng kumpanyang kumukuha kay Avelleey na ikinagalit ng dalaga. Feeling niya kasi ay mababa ang tingin nito sa kanya para alokin siya ng malaking halaga kapalit ng hindi pag-alis. Pakiramdam niya ay tinatapakan nito ang dignidad niya.
" Dahil ba mahirap lang siya? "
At dahil sa pangyayaring iyon ay itinuloy ni Avelleey ang pag-alis ng bansa. Hanggang sa isang balita ang gumimbal sa kanya.
Napag-alaman niyang buntis siya, nagdadalang tao siya sa anak nila ni Franco Buenavidez.
At dahil sa pangyayaring iyon ay nagpasya si Avelleey na itago ang anak nilang si Marco "Makoy" Javier sa ama at pamilya nitong mapagmataas. At dahil nasa ibang bansa sila ay walang kahirap-hirap niya iyong nagawa.
Paano kung dumating ang pagkakataong kailangan na niyang bumalik ng Pilipinas? At muli ay pagtagpuin sila ng lalaking minsan niyang minahal ng sobra. At higit sa lahat ay ama ng anak niyang si Makoy.
Paano kung malaman niyang ang Franco Buenavidez noon na masiyahin ay kabaliktaran na sa ugaling mayroon siya ngayon? Makakaya niya kayang harapin ang binata gayong makakasama niya ito sa isang proyektong iniatas sa kanya?
Franco Buenavidez: The Fierce Boyfriend
WARNING!! Matured Content ( READ AT YOUR OWN RISK )
" Hon, naman.. Camera lang 'to!"
" I know Hon, kaya nga ayaw ko, eh! Baka mamaya ipahamak ako ng camera mong 'yan."
" Who said? Ebidensya lang 'to, honey,"
" Ebidensya? " Tanong ko.
" Ebidensya na totoong mahal mo ako at walang sapilitang naganap. Mahirap na— At para kung sakaling awayin mo ako ay may proweba ako at may laban ako sa'yo," aniya pang sagot sa akin.
Bigla namang namilog ang aking mga mata sa narinig ko. Grabe, sigurista rin talaga 'tong unggoy na 'to. Mukhang siya pa ang dehado samantalang ako ang babae at siya ang babaero.
Nagulat ako ng dambahin niya ako ng yakap at muli akong pinaulanan ng halik sa aking leeg. Hanggang sa bigla na lang niyang itinapat sa harap naming dalawa ang camera.
" Honey, smile," malambing at masaya niyang utos sa akin.
Pero imbis na ngumiti ay tinignan ko lang siya ng masama kasabay ng pagtunog ng camera senyales na nakuhanan niya ang sandaling iyon.
" Hon, naman! " maktol niya sa akin. " Please," sabay paawa effect niya pa.
Bumuntong hininga ako at waring nag-iisip. "Basta, gamitin mo lang 'yan sa mabuti at huwag sa masama... Baka mamaya iblackmail mo ako gamit 'yang camera mo. Subukan mo lang, Gray — kung 'di mawalan ka talaga ng Honey." Pagbabanta ko pa.
Tumango-tango siya bilang sagot at walang sabi-sabing tinawid ng mga labi niya ang pagitan ng aming mga labi at agad akong dinampian ng mabilisang halik.
Isang matamis na ngiti ang kusang sumilay sa aking mga labi. Tumango-tango ako at agad na nagpeace sign, senyales na ready na ako sa pagkuha niya ng larawan naming dalawa. Muli pa kaming nag-iba nang anggolo at sa pagkakataong 'to ay m*gkayakap na kami, kapwa may ngiti sa labi at kitang-kita sa mga mata kung gaano namin kamahal ang isa't isa. Mga larawang magsisilbing proweba na minsan ay naging masaya kami— mga sandaling tanging sa isip at larawan ko na lang nakikita. Ang mga matatamis niyang mga ngiti at ang bughaw niyang mga mata na nagsasabi kung gaano niya ako kamahal. Mga larawang panghahawakan ko hanggang sa muling magtagpo ang aming mga landas.
" I'm a princess, but not the precious one."Namatay ang ina ni Yssabel De Guzman nang ipanganak siya nito. The only reason why her own father hate her so much. Ang katotohanang kinamumuhian siya ng sarile niyang ama. Siya kasi ang sinisisi nito sa pagkawala ng kanyang asawa na kung tutuusin ay hindi naman kasalanan ni Yssabel. At kahit nga ang mga masasamang nangyayari sa ama nito ay sa kanya na sinisisi dahil malas daw siya— siya ang may dala ng kamalasan sa buhay ng ama. Ngunit sadyang walang patawad ang ama ni Yssabel dahil simula ng mamulat siya ay nakakatanggap na ito ng pagmamalupit sa ama na mas lalo pang tumindi ng siya ay magdalaga. She's mentally and physically ab*se. Siya ang naging buntunan ng galit ng ama sa t'wing may problema at nai-i-stress ito. Stress reliever nga kung sabihin niya— but not in the good way dahil sa pamamagitan ng latigong humahampas sa katawan niya ay napapagaan nito ang kalooban ng ama. Wala siyang magawa— sawa na rin siyang magmakaawa dahil bawat salita niya ay baliwala sa ama bagkus ay lalo pa itong nanggagalaiting hagupitin siya. Ngunit hindi pa natatapos doon ang pasakit at pagpapahirap na nararanasan ni Yssabel. Nang masangkot ang kanyang ama sa isang pananakaw na napatunayan naman talaga. At hindi lang iyon dahil malaki rin ang pagkakautang nito sa taong pinagnakawan nito. Walang iba kung 'di ang bilyonaryong binata na si Lexx Jacob Davidson. Nakiusap ang ama ni Yssabel na bigyan pa siya ng palugit at habang naghihintay ang binata ay sa kanya na muna ang nag-iisang anak niyang babae. Ang nag-iisang prinsesa niya at kayamanan— walang iba kung 'di si Yssabel na kung tutuusin ay kabaliktaran naman ng katotohanan. Pumayag si Lexx Jacob sa usapang sa kanya na muna ang anak nito at hindi nito mababawi ang kaisa-isahang anak kung 'di nito maibabalik ang inutang at ninakaw nito. Nagbanta rin itong ipapakulong niya ang matanda at sisintensyahan ng habang buhay. Pahihirapan niya rin ang anak nito kung hindi ito tutupad sa usapan nila na mabilis sinang-ayunan ng matanda.Ano nga bang naghihintay na kapalaran kay Yssabel gayong sa unang pagkikita nila ng binata ay galit na agad ang nararamdaman nito sa kanya. Sa isiping anak ito ng magnanakaw at ng taong gahaman sa pera. At dahil doon ay bumuo rin ito ng planong pahirapan at paghigantihan ang dalaga sa isiping ito ang pinaka-iniingatang kayamanan ng ama nito. Naisip niyang durigin ang dalaga kahit na ang totoo naman ay durog na durog na ito..... Matured Content ( R-18 ) Warning: This story is not suitable for young readers and sensitive adult. Read at your own risk!!
— Isang malagim na trahedya ang nagpabago sa buhay ni Zymond Miguel Garcia Yo-Herro. Trahedyang nag-iwan sa kanya ng matinding trauma at nagsilbing bangungot niya sa araw-araw— Na dala-dala niya pa rin sa paglipas ng sampong taon. Ikinulong niya ang sarile niya sa madilim at masakit niyang nakaraan.
"Cold and Heartless" kung ilarawan siya ng mga taong nakakakilala sa kanya. Pero ano nga bang paki-alam niya? Sa buhay at kumpanya niya ay siya ang batas.
Hanggang sa makilala niya ang nag-iisang babaeng pupukaw ng atensyon niya. Si Athena De Lara Quizzon; ang nag-iisang babaeng papasukin niya sa buhay niya.
Pero paano kung dumating ang sandaling maulit muli ang nakaraan? Na kung kailan masaya na sila ng babaeng mahal niya ay 'tsaka niya matutuklasan na hindi pala trahedya ang nangyari sa nakaraan. Kung hindi isang planadong pagpat*y sa pamilya niya. At worst ay isa pa lang Black Organization ang may gawa ng lahat ng iyon at ang mismong founder pa nito ang kalaban niya.
Paano siya kikilos gayong may babae na siyang pinoprotektahan? Paano kung ang babaeng inaalagaan at iniingatan niya ang puntiryahin ng masasamang tao? Ano ang kayang gawin ng isang Zymond Miguel YO-Herro para sa babaeng mahal niya? May magagawa nga ba siya? O mauulit na lang muli ang nakaraan?
WARNING!! Matured Content ( READ AT YOUR OWN RISK )
" An enemy who's pretending not to be an enemy."
Dahil sa isang kasunduan ay napilitan si Mark Ada Evangelista na makisama sa babaeng lihim niyang kinamumuhian at lubos niyang inaayawan na si Hannie Ramos; ang babaeng kailangan niyang paibigin at paglaruan kapalit ng paglaya ng kanyang Ina at Kuya Eithan.
Mahigpit niya iyong tinanggihan ngunit paano kung ang Ina at kapatid na matagal na niyang hinahanap ang kapalit? Papayag ba siya? Kaya niya kayang pakitunguhan ng maayos ang dalaga mapaibig lamang ito? Paano siya magkukunwari at aarteng mabuting tao kung binabalot ang puso niya nang galit at pagkamuhi? Magagawa niya kaya ng maayos ang kasunduan? O baka isa rin siya sa mahuhulog?
Mahuhulog sa sarile niyang patibong.
Mark Ada Dominguez Evangelista x Hannie Ramos
Warning!! Matured Content ( READ AT YOUR OWN RISK)