bc

My Sweetest Mistake ( Alexander Gray and Triexxie ) Erotic Romance Series 2

book_age18+
3.7K
FOLLOW
81.6K
READ
billionaire
possessive
one-night stand
pregnant
dominant
drama
sweet
bxg
realistic earth
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

" Hon, naman.. Camera lang 'to!"

" I know Hon, kaya nga ayaw ko, eh! Baka mamaya ipahamak ako ng camera mong 'yan."

" Who said? Ebidensya lang 'to, honey,"

" Ebidensya? " Tanong ko.

" Ebidensya na totoong mahal mo ako at walang sapilitang naganap. Mahirap na— At para kung sakaling awayin mo ako ay may proweba ako at may laban ako sa'yo," aniya pang sagot sa akin.

Bigla namang namilog ang aking mga mata sa narinig ko. Grabe, sigurista rin talaga 'tong unggoy na 'to. Mukhang siya pa ang dehado samantalang ako ang babae at siya ang babaero.

Nagulat ako ng dambahin niya ako ng yakap at muli akong pinaulanan ng halik sa aking leeg. Hanggang sa bigla na lang niyang itinapat sa harap naming dalawa ang camera.

" Honey, smile," malambing at masaya niyang utos sa akin.

Pero imbis na ngumiti ay tinignan ko lang siya ng masama kasabay ng pagtunog ng camera senyales na nakuhanan niya ang sandaling iyon.

" Hon, naman! " maktol niya sa akin. " Please," sabay paawa effect niya pa.

Bumuntong hininga ako at waring nag-iisip. "Basta, gamitin mo lang 'yan sa mabuti at huwag sa masama... Baka mamaya iblackmail mo ako gamit 'yang camera mo. Subukan mo lang, Gray — kung 'di mawalan ka talaga ng Honey." Pagbabanta ko pa.

Tumango-tango siya bilang sagot at walang sabi-sabing tinawid ng mga labi niya ang pagitan ng aming mga labi at agad akong dinampian ng mabilisang halik.

Isang matamis na ngiti ang kusang sumilay sa aking mga labi. Tumango-tango ako at agad na nagpeace sign, senyales na ready na ako sa pagkuha niya ng larawan naming dalawa. Muli pa kaming nag-iba nang anggolo at sa pagkakataong 'to ay m*gkayakap na kami, kapwa may ngiti sa labi at kitang-kita sa mga mata kung gaano namin kamahal ang isa't isa. Mga larawang magsisilbing proweba na minsan ay naging masaya kami— mga sandaling tanging sa isip at larawan ko na lang nakikita. Ang mga matatamis niyang mga ngiti at ang bughaw niyang mga mata na nagsasabi kung gaano niya ako kamahal. Mga larawang panghahawakan ko hanggang sa muling magtagpo ang aming mga landas.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Alexander Gray ISANG mahabang doorbell ang nagpagising sa akin. Halos maisubsob ko ang mukha at ulo ko sa unang nakapalibot sa akin. " Fvck! " maktol ko ng hindi pa rin tumitigil ang nasa labas. Naantala na naman ang tulog ko. Isang oras pa lang akong natutulog pero may nandidistorbo na sa akin. Kung alam lang sana nila kung gaano kabigat ang hawak kong mga kaso. Mabigat ang katawan kong bumangon sa kama. Napabuga na lang ako ng hangin sa ere bago naglakad palabas ng kwarto. Ilang beses ko pang ginulo ang buhok kong tumatabing sa noo ko bago tinungo ang pinto. Padabog kong binuksan ang pinto ng condo unit ko at laking gulat ko ng mapagsino ang makulit na kanina pa nagdodoorbell. Namumungay ang mga mata kong tumitig sa kanya. At nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niyang nakatitig na sa akin. Pinasadahan niya nang tingin ang mukha ko pababa sa matitipuno kong dibdib pababa pa sa gitna ko. Kahit na ang mga hita ko at binti ko ay hindi niya pinalampas. Hanggang sa bigla na lang bumalik ang tingin niya sa gitnang bahagi ng katawan ko. Nakita ko kung paano namula ang mga pisngi niya habang nakatitig pa rin sa gitna ko. " Do you want him? " nakangisi kong tanong sa kanya na nakapagpabalik sa huwisyo niya. " Ahhhh! Kadiri ka, Gray." sigaw niya sabay bato niya sa akin ng kung ano. Pinanliitan ko siya ng mata. " Kadiri talaga? Eh, natulala ka nga? " pang-aasar ko. " I hate you, Alexander Gray," aniya sabay tulak niya sa akin papasok ng unit ko. Pumasok siya sa loob kahit na wala pa akong sinasabi sa kanya. Naglakad siya papuntang living room na animong siya ang may-ari ng buong unit. Agad din naman akong sumunod sa kanya. Nakakahiya naman kasi sa maldita kong bisita. Dinampot ko pa ang roba kong nakasablay sa sofa para itakip sa hubad kong katawan. Pabagsak siyang naupo sa sofa habang kipkip ang dalawang braso niya. Inirapan niya ako. "Bakit naka boxer shorts ka lang? Hindi sa'yo bagay, " masungit niyang komento sa akin. " Palibhasa feeling yummy, " bulong niya na ikinatawa ko. " Feeling yummy ka d'yan... Kung makapagsalita ka naman parang natikman mo na? " panunukso ko pang sabi. Mabilis niyang dinampot ang pinakamalapit na unan at walang sabi-sabing ibinato niya iyon sa akin. " Yuck— Kadiri ka Gray. Ganyan ba talaga mag-isip ang babaerong katulad mo?" inis niyang tanong sa akin. " Ako pa talaga? Baka nakakalimutan mong ikaw ang na una." pang-aasar ko. Nanggigigil siyang tumingin sa akin. " I hate you! I hate you so much, Alexander Gray Hodzic Salcedo! " Oh, that's great— Same to you, Ms. Triexxie Yo-Herro Samonte," nakangisi ko pang saad. Ang sarap niya talagang asarin. Feeling ko, ano mang oras simula ngayon ay puwedi na 'kong bumulagta dahil sa sama ng tingin niya sa akin. " Sadista pa naman 'to," bulong pa ng isip ko. Kaya agad naman akong sumeryoso bago pa mangyari ang iniisip ko. Tumikhim ako. " So, what's now, Ms. Triexxie Yo-Herro Samonte? Bakit ang aga-aga mong nangdidistorbo? " seryoso kong tanong. " Ohh! I have something for you, Mr. Alexander Gray Hodzic Salcedo," nakangisi niyang sabi sabay taas niya ng kamay niyang may hawak na folder. " Ano 'yan? " kunot noong tanong ko. " Bakit hindi mo kuhanin sa kamay ko at buksan mo nang malaman mo kung anong nilalaman nito," masungit niyang sabi. Kunot noo kong tinitigan ang folder na hawak niya. Tinaasan niya ako ng kilay ng hindi pa ako kumikilos. " Nangangawit na 'ko," maktol niya. Wala naman na akong nagawa kung hindi ang lumapit sa kanya. Kinuha ko sa kamay niya ang folder na hawak niya. Buong kuryusidad kong binuklat ang hawak kong folder. Halos kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang nilalaman no'n. " Resignation letter? " bulong ko. Iginala ko pa ang mga mata ko para tukuyin kung saan galing ang ibinigay niyang resignation letter. Pero halos mapamura ako ng makita kong galing iyon sa tauhan kong naka assigned para bantayan siya. Tinaasan ko siya ng kilay. " Triexxie, anong kalokohan na naman 'to?" Mapang-asar siyang ngumiti sa akin. " Hindi mo ba nababasa? Nagreresign na ang bantay ko? " That's impossible," sagot ko sa kanya. Unti-unting nabura ang ngiti niya sa labi. "Impossible? Ayan na nga, Oh! " sabi pa niya. Naglakad ako papunta sa kwarto ko para kumpirmahin kung ano nga bang totoo. Imposible kasing magresign nang gano'n na lang ang tauhan ko. " HODZIC! " pasigaw na niyang tawag sa akin. Alam kong naiinis na siya dahil tinawag na niya ako sa gitna kong pangalan. " Where are you going!? " dinig ko pang tanong niya bago ko tuluyang isinara ang pinto ng kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na tinawagan si Jonathan Buenavidez; ang inatasan kong tigabantay niya. Unang Ring pa lang ay sinagot na niya ang tawag ko. " Good morning, Sir." magalang niyang bungad sa kabilang linya. "Are you quitting your job, Buenavidez? " direktang tanong ko sa kanya. " No, Sir." " And why did I received a resignation letter from you? " seryosong tanong ko. " Sir, nand'yan po ba si Ma'am Triexxie? " biglang tanong niya na nagpakunot ng noo ko. " Yeah, but she can't hear us," sagot ko. " Sir, puwedi n'yo po ba akong reassign na lang sa iba. Kahit saan po. Kahit gawin ninyo na lang po akong sidekick n'yo, kapag pupunta kayo sa mga crime scene. H'wag lang po kay Ma'am Triexxie," aniya sa kabadong boses. Minasahe ko ng ilang ulit ang sintido ko. Naka-ilang palit na ba ako ng bantay niya pero halos lahat sila ay sumusuko. " Ano na naman ang ginawa niya?" " Sir, nila— Hindi lang niya," pagtatama pa ng tauhan ko. " Oh.. anong ginawa nila? " pagtatama ko rin. " Set-up, Sir." Paninimula niya. " Tumakbo si Ma'am Triexxie sa madilim na bahagi ng iskinita kaya sinundan ko po siya—Pero nagulat ako ng may tumulak sa akin... Hindi ko po iyon inaasahan kaya nawalan ako ng balanse at napasandal na lang ako sa pader— nagulat po ako nang bigla na lang may yumakap sa akin kasabay ng pagflash ng mga camera. " mahaba niyang k'wento. Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa mga narinig ko. " Mas lalo pa siyang naging pasaway," sabi pa ng isip ko. Naramdaman ko ang dahan-dahang pagbukas ng pinto ng kwarto ko pero hindi ko iyon pinansin. " Sir, Binablackmail nila ako na kapag hindi ako nag quit sa pagbabantay ko sa kanya ay ibibigay niya ang larawan sa Asawa ko. Buntis pa naman ang misis ko, Sir. Baka mamaya mapanganak 'yon ng wala sa oras." sumbong pa sa akin ng tauhan ko. Napabuga na lang ako ng hangin sa ere. Ano pa nga bang aasahan ko sa isang Triexxie Yo-Herro Samonte. " Magreport ka sa akin mamayang 3 pm. I need to end this call dahil may pusang nakikinig," sabi ko sabay off ko ng call. Seryoso kong binalingan ng tingin si Triexxie na nakasilip sa may pinto. Akala niya siguro ay hindi ko mararamdaman ang prisensya niya. " What?" sabay kabig niya pabukas ng pinto. " Bakit mo 'yun ginawa? " seryoso kong tanong sa kanya. Ngumisi siya. " Dahil ayaw ko ng asungot na sunod ng sunod sa akin," aniya. Isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi ko. " Asungot pala, ha? " sabay lakad ko palapit sa kanya. " T— Teka! A-anong gagawin mo? " kabado niyang tanong sa akin. Umatras siya patalikod, mukhang naramdaman niya kung anong binababalak ko. Pinanliitan ko siya ng mata. " Don't move," utos ko sa kanya. Pero sad'ya yatang matigas ang ulo ng babaeng 'to dahil imbis na huwag siyang gumalaw ay tumakbo pa siya palayo sa akin, kaya no choice ako kung hindi ang habulin siya. " HODZIC! " sigaw niya pa. Tumakbo siya ng tumakbo paikot ng unit ko, pero ano bang panama ng bilis niya sa bilis ko. Kaya ng maabutan ko siya ay agad ko na siyang hinawakan sa baywang niya at walang sabi-sabing binuhat pabalik ng kwarto ko. Tumili siya ng malakas kasabay ng pagpupumiglas niya sa akin. " Hoy! Gray, anong gagawin mo?! " bulyaw niyang tanong sa akin. Patuloy lang siya sa pagpupumiglas hanggang sa marating ko ang kama ko. Hinagis ko siya roon kasabay ng malakas niyang pagtili. Nakita kong tumalbog siya sa malambot kong kama na ikinangisi ko. Nakita ko ang pamimilog ng mata niya dahil sa ginawa ko. Gusto kong matawa dahil sa naging hitsura niya. Parang biglang naglaho ang kamalditahan niya. " A-anong g-gagawin mo?" kabadong tanong niya. " Hodzic, " tawag niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin. Pabagsak kong inihiga ang katawan ko sa kama para subukang matulog. Pero mukhang malabong mangyari iyon dahil sa ingay ng katabi ko. " Alexander Gray— aalis na ako," sabay tayo niyang muli sa kama. Pero agad din siyang napahiga nang hapitin ko siya sa baywang niya. " Ano ba?! Bitawan mo nga ako, Gray... Harassment na 'yan... " sabay tanggal niya sa braso kong nakadagan sa baywang niya. Mapait akong natawa. " Harassment? Are you kidding me, Ms. Samonte? — baka nakakalimutan mong nasa teritoryo kita at ikaw mismo ang kusang pumunta at pumasok dito." Namumutla siyang tumitig sa akin. Batid ko ang takot at gulat na nararamdaman niya. Pinilit kong huwag matawa sa nakikita kong hitsura niya hanggang sa makaisip ako ng kapilyuhan. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya. " Te- teka, a-anong gagawin mo?" nauutal niyang tanong. Pigil ang hininga siyang tumitig sa akin. Gustong-gusto ko ng tumawa dahil sa nakikita kong hitsura niya pero syempre, pinigilan ko. Itinaas ko ang kamay ko papunta sa mukha niya at marahang hinaplos ang pisngi niyang namumula na. Tulala lang siyang nakatitig sa akin. Hanggang sa dumako ang kamay ko sa mapupula niyang labi. Hinaplos ko lang iyon ng ilang ulit. Hindi maiwasang kumabog ng dibdib ko dahil prisensya niya. Sa totoo lang ay ngayon ko lang siya nahawakan at napagmasdan ng malapitan. Mukhang ako pa yata ang mahuhulog sa naisip kong kalokohan. Para kasi siyang maamong tupa sa lagay niya ngayon. Hindi ko alam na may ganitong side pa lang siyang tinatago. Ang alam ko kasi ay puro kamalditahan at kalokohan lang ang alam niya. Hinawi ko ang mga hibla ng buhok niyang tumatabing sa mukha niya para mas makita ko ang maganda niyang mukha. Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko sa kanya hanggang sa muling dumako ang kamay ko sa pisngi niya. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya kahit na wala naman talaga akong balak na halikan siya. Gusto ko lang makita ang magiging reaction niya kung sakali mang tangkain kong halikan siya. Hanggang sa lumapit pa ng lumapit ang mukha ko sa kanya. Nakita ko ang pagpikit ng mga mata niya na animong iniintay ang pagdampi ng labi ko sa kanya. Ilang segundo pa— Palapit ng palapit hanggang sa...... " Ahh! B'wisit ka! Bastos! " bulalas niya ng matauhan siya. Kasunod nito ay ang paglapat ng palad niya sa mukha ko. Tulala akong napahawak sa pisngi ko. " s**t, nag-init ang mukha ko. Ang lakas niyang sumampal," komento pa ng isip ko. " Bastos! Babaero! Huwag na huwag mo na ulit akong hahawakan— At wag na wag mo na ulit gagawin sa akin 'yan dahil kapag ginawa mo ulit 'yan ay sisiguraduhin kong hindi lang 'yan ang matitikman mo." May pagbabanta niyang sabi. May pagmamadali siyang bumaba ng kama at padabog na lumabas ng kwarto ko. Mabilis ko siyang sinundan, mahirap na at baka kung ano na naman ang maisip niyang gawin. Dali-dali niyang kinuha ang bag niya at nang akmang lalakad na siya palabas ay siya rin namang pagharang ko sa daraanan niya. " Hodzic! " Galit niyang angal sa akin. Nakita ko ang panglilisik ng mata niya. "Padaanin mo ako," utos niya. " Ayaw ko! Baka nakakalimutan mong wala kang bantay. At habang wala ka pang bantay ay hindi ka aalis sa kwartong ito," maawtoridad kong sabi. " Sino may sabi? Wala kang karapatang gawin sa akin 'yan, Gray. Baka nakakalimutan mong bestfriend ka lang ni Kuya Zymond— At wala kang karapatang pagbawalan at paghigpitan ako ng ganyan lalo na't sumosobra ka na! " Aniya pa na kinatigil ko. " You better know your limits, Mr. Alexander Gray Salcedo." Mariin niya pang dagdag. Uminting ang panga ko. Pinilit kong kumalma kahit para na akong sinasaks*k ng mga salita niya. Huminga pa ako ng malalim at muling tinapatan ang nanlilisik niyang mga mata. " Kung iyan ang inaakala mo— p'wes! Nagkakamali ka dahil hinding-hindi kita ha— " " Shut up! Gray! " Galit at sigaw niyang putol sa sasabihin ko. Marahas niya akong tinabig dahilan para mapaatras ako. " Huwag mo akong susundan kung ayaw mong mas kamuhian kita, Gray! " aniya pa bago lumabas ng unit ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.0K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.6K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.2K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook