Mira's POV
After our meeting, back to work na naman kami. 5 hours pa bago ang uwian namin. Bago pala kami lumabas sa work ine- endorse muna namin sa next shift yung mga bagay na kailangan nila gawin like our unfinished task that need to accomplish immediately. Pag night shift pala guys halos wala masyadong bantay kasi yung mga supervisor puro day shift sila, so yung bantay namin mga TL lang namin.
Medyo boring ang araw na ito kasi wala masyadong down na machine na need i- fix or bantayan. Iidlip muna ako dun sa gilid. HAHAHAAH! 45 mins na lang naman ay uwian na kami. Kinuhit ko muna si Anna para magpagising pag uuwi na o kaya may dadating na supervisor.
" Psst. Anna! " kuha ko sa atensyon nito.
" Oh? " sagot ni Anna sakin. Busy kasi ito gawa ng nage- encode ito sa computer.
" Gisingin mo ako pag uuwi na o kaya may dadating na supervisor ha? "
" Oo, sige. Tulog ka lang diyan. Alam ko namang puyat ka na naman kakanood mo ng kdrame eh. " hilig talaga ng babaeng ito manermon lalo na tungkol sa panonood ko ng kdrama.
" Sorry naman. Ganda kasi talaga nung Ghost Doctor eh. Ang pogi pa ni Kim Bum my jagiya. " kinikilig kong sagot kay Anna. For sure busangot na naman ito. HAHAHAHA! Yan kasi lagi ko sagot sa kaniya eh.
" Ewan ko sayo mukha kang Ghost Doctor. Hala na matulog ka na. 25 mins na lang meron ka. "
"Okay, goodmornight " Hindi na sumagot si Anna sakin kasi alam niyang tutulog na talaga ako.
AFTER 25 MINUTES
Feeling ko may umaalog sakin. Pag mulat ko ng mata ko si Anna lang pala.
" Gurl gising na malapit na tayong lumabas. " patuloy pa ring panga- alog sakin ni Anna. Nag- unat na nga ako para na rin magising gising naman ako. Pagtingin ko sa orasan 15 minutes na lang ay lalaba na nga kami.
Andito na rin yung iba naming ka- trabaho. Yung kapalitan ko wala pa kaya hindi pa ako makapag- endorse sa kaniya. Kaibigan ko din yung kapalitan ko si Micko, isa syang gay pero hindi halata dito kasi ang pormahan niya ay panglalaki pa rin, hindi siya nagko- cross dress. Isa siya sa kasama ko sa club kung san ko nakita si Kuyang Pogi , siya umalalay sakin nun. Mahilig sila mag- club, ako kasi hindi dahil mabilis ako malasing. Maya maya lamang dumating na si Micko.
" Tagal mo naman beb, akala ko hindi ka na papasok eh. " pambungad kong bati kay Micko.
" Huwaw, good morning din naman ano Mira. Agap ng sermon eh. "
" Sorry naman beb. Good morning beb. Labyu " panglalambing ko dito.
" Lol. Bitawan mo nga ako mapagkakamalan na naman tayong mag jowa nito eh. So yucky kaya. Like duh? *rolled eyes* Mas maganda kaya ako sayo. " Niyayakap ko kasi siya kaya diring diri na naman sakin itong bading na ito.
" Oo na bibitaw na. " sabay tanggal ko ng yakap dito.
" Arti- arti naman. yakap lang eh. " pagtatampo ko dito kunwari. Pero hindi rin naman e- effect yun dito sa lalaking ito. Sayang effort lang.
" Heh, tigilan mo ako. Lumayas layas ka na dito, mag- out ka na, mahuhuli ka na naman sa pila. " pangtataboy nito sakin.
" Oo na. Aalis na ako. Nga pala bantayan mo yung Machine sa line A medyo nagloko kanina eh. "
" Bye alis na ako. " pahabol kong sabi dito at nagmadali nang pumila para mag- out. Need namin ng first shuttle para mabilis maka- uwi.
Nakapag- out na ako at inaantay ko na lang si Anna na lumabas galing locker para sabay na kami pumunta sa antayan ng shuttle bus. Saglit lang pinag- intay ko at lumabas na din si Anna, pagbaba namin ay halos wala pa namang pila kaya first shuttle pa din nasakyan namin.
Tulad ng nakagawian ko ay natulog ako habang nasa byahe para pagdating ko sa bahay may energy pa ako para makapag- bihis at almusal man lamang
Naramdaman ko na lamang na tumigil na yung shuttle kaya tinignan ko sa sa labas, yun pala ay kailangan na naming bumaba kasi nasa place na namin kami. Ginising ko na din si Anna kasi nakatulog din ito.
" Gurl tara na, andito na tayo. " pangi- gising ko rito. Nagising na rin naman ito kaya nung wala na halos nababa ay bumaba na rin kami.
" Baks, punta tayong 7/11 bili muna tayong kape. " panga- akit sakin ni Anna.
" Tara. " Pagkababa pa lang namin ay convenience store na agad kaya hindi hassle pagbili kasi hindi na naman kami maglalakad pa ng malayo para lamang makabili ng kape. Nagkanya- kanya na kami ng kuha ni Anna, sakanya ay kape akin naman ay chocolate drink kasi hindi ako mahilig masyado uminom ng kape.
After namin bumili ay naghiwalay na rin kami at umuwi na ako. Pagkadating ko sa bahay kumain lang ako saglit at nagbihis para matulog na. Nag- on set ulit ako ng alarm para mamaya pag pasok ko.
RIO's POV
Wednesday na ngayon kaya naisipan ko munang umuwi sa bahay namin para kumuha ng ibang gamit since kakaunti lang talaga yung mga damit at other stuffs ko dito sa condo.
Halos 1 hour din ang byahe pauwi ng bahay kaya pagdating ko dun dinner time at naabutan ko nga sina Mom at Dad na kumakain kaya binati ko sila at makikikain na rin ako. Bukas na lang ako babalik sa condo kasi masyado nang gabi pag uuwi pa ako ngayon.
" Good evening to the most beautiful mom in the world " bati ko kay mom sabay lapit dito para kumiss. Sobrang close ko talaga kay mom kaya kahit matanda na ako ay nakagawian ko pa din na mag- kiss dito.
" Hi love, umupo ka na dyan at saluhan mo kami ng dad mo. "
" Did you cook mom? " habang kinakausap ko naman si Mom ay lumapit ako kay Dad upang batiin din ito. Sinensayan ako ni dad na maupo na rin para sabay sabay kami kumain.
" No, manang did. " sagot ni Mom sakin pagtingin ko sa ulam, yung favorite ko ang nakahain which is sinagang na baboy.
" Uy sarap naman ng ulam parang sira na naman ang diet ko nito ah. " May maid na lumapit sa upuan ko upang lagyan ako ng plato at baso, nilagyan na rin nito ng juice yung plato ko. Habang nakain kami ay nagu- usap kami. Nakagawian na rin namin na pag sabay sabay kaming nakain ay parang ito na rin yung chance na mag- catch up kami about sa life ng isa't isa.