Chapter 27

2057 Words

GULAT na gulat si Mia nang madatnan niya sa kaniyang kuwarto si Marta. Halatang hinintay nito ang pagdating niya. "Saan ka ba nanggaling, Mia?" Seryosong tanong ni Marta sa kaniya. Sinusundan nito ng tingin ang kilos niya. Nakaupo ito sa gilid ng kama niya at nakahalukipkip. Alam niyang galit ito kaya ay hindi muna siya kaagad na umimik. "Ayaw na ayaw ko talagang magalit sa iyo. Pero labis mo akong pinag-alala. Tinatawagan kita dahil hindi kita makita rito sa kuwarto mo, pero hindi mo man lang sinagot. Wala ka sa library mo dahil hindi naka-locked ang pinto kaya pumasok ako. Kaso wala ka sa loob kaya kinabahan na ako. Umikot na ako sa paligid, sa labas, pero wala ka rin. Ilang beses pa akong pabalik-balik dito sa kuwarto mo. Para na akong mababaliw sa kahahanap sa iyo, alam mo ba iyon?,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD