KINABUKASAN na ang debut party ni Mia. Pero hindi siya nakararamdam ng tuwa matapos malaman na walang imbitasyon na ibinigay para sa Dequinio family, lalo na kay Renny. Todo kung makapagplano ang mommy niya kung anong ayos ang gagawin at mga ihahandang menu. Wala naman siyang naririnig na ano mang pagtutol mula sa daddy niya. Kung ano ang gusto ng mommy niya ay iyon ang nasusunod. Habang abala ang lahat sa mansiyon ay nakiusap siya kay Marta na lalabas siya. "Pero, Mia, nandito ang mga magulang mo. Baka mamaya ay hahanapin ka nila. Kinakabahan ako sa nais mong gawin. Hindi ba puwedeng sa ibang araw na lang?" puno ng pangamba at pagtanggi ni Marta. Nasa loob sila ng kuwarto niya. Tiniyak niyang naka-locked ang pinto nang makapasok kanina si Marta. Nanamlay ang kilos niyang umupo sa ka

