GINANAP ang magarbong debut ni Mia sa bahay nila. Suot na niya ang magara at napakagandang rose-pink gown. Halos maouno na ng kolorete ang katawan niya. Hindi siya komportable sa ayos niya ngunit wala siyang magawa. Siya ang sentro ng atensiyon ng lahat. Masaya ang lahat para sa kaniya. Pero mas naramdaman niya ang saya nang makasama niya ang pamilya ni Renny kahit sa simpleng salo-salo. Ipinakikita lamang niya na masaya siya sa harap ng mga dumalo upang hindi mahalata ang kalungkutang namamayani sa puso niya. Kahit alam niyang malabong magpakita si Renny ay hinahanap pa rin ng mga mata niya. Nakasayaw na niya ang seventeen na mga kalalakihan. Parang nakalutang lang siya sa ere at sumusunod sa kung ano ang sinasabi sa kaniya. Ang huli niyang kasayaw ay ang daddy niya. Kahit papaano ay s

