HALOS magdamag na iniyak ni Mia ang sama ng loob niya sa mommy niya. Hindi kasi niya inaasahan na sa simpleng kasiyahan niya kasama ang mga taong madalas niyang kasama sa bahay ay hahadlangan pa ng mommy niya. Tapos na, napahiya na ang mga kasambahay dahil sa kung ano ang pinagsasabi ng mommy niya habang nakatuwaan niya ang mga ito. Tumatak sa isip niya iyon. Tinanghali siya sa kaniyang silid at kahit gising na siya ay hindi niya pinagbuksan ang sino mang kumakatok sa labas. Ini-double lock pa niya ang pinto dahil alam niyang may duplicate key ang mommy niya at si Marta. Tinitiis niya ang paninikip ng dindib niya. Nagbibingi-bingihan siya kahit naririnig niya ang boses sa labas. Ayaw niyang makita ang mommy niya, ayaw pa niya ng kausap. Subali't nang maulinigan niya ang tinig ng daddy ni

